A/N: Are the chapters too hot for your liking? Or nadala lang talaga ako sa init ng panahon kaya umiinit rin yung eksena? Anyways, enjoy reading!!
* * *
Lucas
Mag-asawa. Mag-asawang sampal at hampas ang inabot ko sa honey ko. I admit sumobra ako but I immediately fell on my knees and begged for forgiveness. Ganun ko siya kamahal. Sinubukan ko lang naman kung papayag siya eh *chuckles
Yesterday I thought she'll cry pero pagkaluhod ko ay diretsong sampal ang binigay niya. Well I could say I deserved it. Right now I'm too bored to go to school. It's already Monday pero ako na mismo ang iiwas sa gulo namin ng hon ko. Kung panay pagpapapansin lang ang gawin ko ay baka dumoble ang galit nun.
Pagkarating ko dito sa bahay kahapon ay hindi ko na naabutan pa ang pinsan ko. I just got a text from her that she already took her thing. Hmmm... What to do now?
*phone vibrating
greg STUPID calling...
Ano na naman kaya ang pakay nito? It's almost luch time. Nakakain na kaya yung hon ko? Or baka magkasama na naman sila ng gagong to?
"What the hell do you want?" bored kong tanong.
"What the hell did you do to Sheena?"
"Sa amin na lang yun. Ano bang pakialam mo sa mga bagay na ginagawa namin ha? Masyado ka naman atang sadista para gawin yun."
"Shut up. Just make sure hindi siya iiyak dahil sayo, Villafuerte. Kapag dumating ang oras na magkamali ka, pagsisisihan mo talaga."
"Tss. Kung makapagsalita ka akala mo naging sayo ang hon ko. Bakit hindi na lang si Lara ang pormahan mo. Tigilan mo na kami."
"Aba't-"
Ibinaba ko na ang tawag. Kahit kailan ay hinding-hindi ata kami magkakasundo ng lalaking yon. Wait- ano nga kayang nangyari sa hon ko? It'll be awkward kung tatawagan ko siya. Baka may alam sina Gina.
Calling Gina...
"Hello G. Magkasama ba kayo ni Sheena ngayon? Okay lang ba siya?"
"Oo nagkasama kami pero kanina lang yon. Actually narinig ko ngang tinanong din siya ng classmate niya. Muntik na raw siyang pagalitan ng prof nila eh."
The hell?!!! Sinong professor yun? Anong karapatan niyang gawin yun sa hon ko?
"Shit. Thank you, G."
Bwisit. Mukhang kailangan ko talagang makita si Sheena ngayon. Umiyak kaya siya buong gabi? Crap! I'm such an asshole. Tinanggal ko kasi ang tatlong butones ng damit niya noong nag make-out kami.
Mabilis akong nagbihis at aalis sana nang may biglang nagdoorbell. Wala naman akong ini-expect na bisita ngayon. Wrong timing naman oh!
Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa harapan ko ang isang babaeng may light brown na buhok. Hanggang balikat lamang niya ito at talagang bumagay sa kanyang mukha. Pero hindi ko na dapat ito pagtuunan ng pansin ngayon. Kailangan ko nang mapuntahan ang girlfriend ko, asap.
"Luc? Hmm.. based on your reaction mukhang nakalimutan mo na ako agad. Nakakatampo naman. Well, hindi rin kita masisisi dahil matagal na panahon na rin iyong nagkita tayo sa bar. I'm Erika Cueva."
Erika? Hmm.. Yung babaeng seksi!
"Oh? Naaalala na kita. Ikaw yung ipinakilala sa akin ni Warren noon. Uhm, why don't we have a seat?"
As much as I wanted to rush ay hindi pwedeng iwan ang bisita. May manners pa rin naman akong natitira.
"Mabuti naman at naalala mo na. By the way malamang nagtataka ka why I suddenly showed up. Magkasama kasi kami ni Kyla kahapon and I forgot to give her my gift. I texted her kaso sabi niya sayo ko na lang daw ibigay kasi mahilig ka naman daw sa tea. Don't worry this is purely organic." sabi agad ni Erika nang maupo kami sa sofa.
"Naku salamat, nag abala ka pa."
"Okay lang yun, Luc. We're friends naman diba? Ikamusta mo nalang ako kina Warren."
"Ah, sure. Of course."
"Mukhang may lakad ka ata? I'm sorry for taking your time. Mauna na ako. May usapan kasi kami ng girlfriends ko, napadaan lang talaga ako para ibigay to."
"Sorry ha and thanks for this. I'll definitely give something to offer you pag nagkita tayo ulit."
"Yeah... bye now!" may binulong siyang mahina bago siya umalis pero hindi ko na iyon pinansin. As soon as she left, minadali kong isinuot ang sapatos ko.
* * *
"Shee, ano ba kasi ang nangyayari sayo ngayon? Ang tamlay mo."
"Hindi lang ako nakatulog ng maayos, Greg." sagot ko sa kanya.
"Bakit? Pinuyat ka ba ng gagong yun?"
Agad namang uminit ang pakiramdam ko nang mabanggit niya ang lalaking yon.
"Wait here.. I'm going to call him."
"Teka! Huwag-" Pero mabilis pa sa alas kwatrong umalis sa table namin si Greg. Kaming dalawa na lamang ang magkasama ngayon dahil may pasok pa sina Max at Gina. Ayoko namang maging bad influence kung aabsent lang sila para sa akin.
Hindi ko na hinabol pa si Greg. Ano na naman kayang pag-uusapan nila? Sigurado akong magbabangayan lang yung dalawa. Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagmamasid sa paligid nang mahagip ng mga mata ko si Lara Cueva na nakatayo sa di malayong parte dito sa cafeteria.
Napansin kong matiim siyang nakatitig sa akin- wait, hindi. Lumingon ako sa aking likod at nakita kong nakayuko si Greg na busy pa rin sa pagkalikot ng cellphone niya. Nang humarap ako pabalik kay Lara ay nakita ko ang lungkot sa mukha niya. Para atang maluluha pa siya eh. Nang makita niya ako ay agad siyang tumakbo paalis.
"Greg." sabi ko sa kakaupo lang na lalaki.
"What's the deal between you and Lara?"
"B-bakit? Nakita mo ba siya?" bakas ang pagkagulat sa mukha niya.
"Oo kani-kanina lang. She looks like she's about to cry. Ano bang ginawa mo? Alam mo, kahit nasa magkaiba kaming class ay concern pa rin ako dahil babae siya. Don't tell me nagpakatorpe ka na naman at nagpanggap na bading?"
"Alam mo?" napansin kong namumula ang tenga niya. Ang cute!
"Matagal na. Pinaniwala ko na lang din ang sarili ko noon dahil ayokong masira ang pagkakaibigan natin. That time kasi.. that time hindi pa ako handa."
"Dahil sa kanya?" There's a silent agreement between us na huwag banggitin ang pangalan ng lalaking yon.
"Wait-Papaanong napunta tayo sa lalaking yon? Matagal na yon. Ang dapat pag-usapan natin ay tungkol sa inyo ni Lara." pag-iiba ko sa topic. I'm still not ready to face the past kasi.
"I don't know if matutuwa ka pero hinatid ko siya sa kanila. I met her grandmother pero wala naman akong napansing kakaiba sa paligid. In an instant inamin kong nanliligaw ako sa apo niya."
"Are you???" tanong ko.
"Not really. Hindi ko pa alam. Gusto ko siya but gusto rin kita."
"Greg, alam mo namang-"
"Yes, I know. I just have to let this out.. I-i forced my way to kiss her and I felt like a sick bastard for doing it. She slapped me tapos pumunta siya agad sa kwarto niya at nagkulong. I didn't have the chance to say goodbye."
"You really are a bastard. Umamin ka pa talaga sa girlfriend ko huh?" narinig kong sabi sa likuran ko. He's here! dali-dali kong kinuha ang bag ko at agad lumayo sa pwesto namin. Hindi pa akong handang harapin siya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at baka mapatawad ko agad siya..
BINABASA MO ANG
WITCH: IN LOVE
FantasíaIt's the new generation, alright. Pero kahit gaano pa ka moderno ang panahon, nabubuhay pa rin kami. So far, okay pa naman yung pagtira ko sa Manila kaso may nangyaring hindi ko inaasahan.. Urgh! Nakakainis! First kiss ko yon eh! Okay na sana kung h...