Chapter 14: The Favor

72 2 1
                                        

* * *

Magkatabi kami ni Lucas na kumakain ngayon ng dinner pero napansin kong parang wala ito sa sarili. Naging ganito na siya simula nang matapos silang mag-usap ni Greg. Maingay ang buong barkada dahil nagkasundo rin si Greg at ng mga lalaki. Sina Max naman ay may sariling mundo at pinag-uusapan ang mga shots na nakuha nila sa pamamasyal kanina.

"Luc, are you okay?" tanong ko sa kanya. Hindi lang kasi ako sanay na tahimik siya. Tsaka kahit hindi ko pa talaga alam ang nararamdaman ko ay siguro pwede ko namang i-consider na friends kami.

Hindi pa rin siya kumibo at bagkus ay mas naging seryoso ang mukha na parang may malalim na iniisip.

"Hey!" sabi ko ulit sa kanya at mahinang tinampal ang kanyang pisngi. Oo medyo harsh yon pero effective naman. Para siyang nahimasmasan sa sinabi ko at tumingin sa akin.

"W-what were you saying? Sorry hon marami lang talaga akong iniisip. Uhm.. can we share a room later? I want to sleep with you."

Nabigla ako dun sa sinabi niya. So all this time X+rated ang iniisip niya? Anong katol na naman ang tinira nito???

"Adik ka ba? No way!"

"What-why? Wait, are you thinking something green? Hahaha You know i'm always ready for you bebeh." may pagka jologs na sabi niya. Like ew!

"Ewan ko nga sayo!" hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain.

"Hahaha sabi ko na nga ba bibigay ka rin eh!" napalakas ang pagkakasabi niya kaya yung dalawang tsismoso ay napatingin sa amin na may malisyosong tingin.

Nang matapos kaming kumain ay agad kong napagpasyahang pumunta sa kwarto at magpahinga.

Susunod na sana si Lucas sa akin kaso ay hindi siya tinantanan nina Drew at Marco tungkol sa nangyari kanina nang pinasan niya ako.

Sina Max naman ay kanina pa pumunta sa kwarto namin para maligo at matulog. Bukas na kami babyahe pabalik kaya kailangan naming matulog ng maaga. Dadaanan muna namin yung ilang souvenir shops at ilang pasalubong centers sa umaga kasi ang flight namin ay sa tanghali.

Doon ko lang naalala na hindi ako makakapag paalam man lang kay Greg nito. Kagaya nga kasi ng deal namin ay hindi ako hihiwalay sa tabi ni Lucas kaya hindi ko man lang makausap ng maayos si Greg at makipag kamustahan.

Papanhik pa lang ako sa hagdan nang may humila sa akin sa likod at dinala ako sa isang kwarto. Kaagad akong nag-panic pero nang maamoy ko ang taong humila sa akin ay napanatag rin ang loob ko. Hinarap ko siya nang bitawan niya ang pagkakahawak sa akin.

"Greg!" masayang salubong ko sa kanya kaya ako napayakap sa kanya.

"Sorry kung nabigla kita ah. Yun kasing si Lucas ayaw akong palapitin sayo."

"Sorry talaga sa ginawa niya."

"Okay lang sa akin ang masaktan pero ikaw Sheen, you deserve better. Huwag kang matakot dahil lang nalaman niya ang sekreto mo. Don't let him use you as his toy."

"Oo Greg pero kasi naiipit na ako eh. Alam ng lahat sa campus na kami dahil ipinagsigawan niya iyon. Who knows kung ang sekreto ko ay ibunyag niya rin. I can't afford to be laughed at or worse pandirihan ng mga tao.

"I know.. that's why I am here to help you. Sabihin mo lang sakin Sheen. Gugulpihin ko ang lalaking yon! I'll make sure na hindi na siya makakalapit sa iyo at hindi ka na niya magugulo."

"Pft. Para ka namang knight in shining armor ko nyan hahaha."

"Bakit? Hindi ba pwede?"

"Bagay siguro sayo ang maging damsel on distress.

"Maybe. Maybe you're right."

"Wait- Is there a problem?"

"To tell you the truth, oo. I need saving right now. Dad is very ill, Sheen. Ayaw na niyang magpagamot after we came from US. Sabi kasi ng mga doktor, terminal na ang condition ni dad. Pero ako, i'd do anything to save him. Kaya talaga ako nandito kasi sinundan kita. I know this is sudden but I badly need your help."

"Oh my god! why didn't you tell me sooner?

"Hindi naman kasi ako makasingit sa higpit ng bantay mo eh."

"Tell me the details once na bumyahe na tayo pabalik sa probinsya. By the way, bukas na yung flight namin pabalik ng Manila. Okay lang ba na dumaan muna ako sa bahay to get my things?"

"Oo naman. Thank you so much Sheen."

"I'm always here, Greg."

"Teka, do you want to join with us sa byahe?"

"No Sheen, I'll be with a flight next to yours. Bibili na rin pala ako ng pasalubong sa mga pamangkin ko."

"Ganoon ba? okay. Give me your number na lang para may contact tayo sa isa't isa"

Pagkatapos namin mag exchange ng numbers ay nagpasya si Greg na magpaalam na.

"So...mauna na ako?" sabi niya at napatango ako bilang sagot. Hinalikan niya ako sa aking noo at pagkatapos ay tumalikod na at naglakad paalis.

"Hon, akala ko nasa kwarto ka na? Bakit ka pa nandito?" biglang sabi ni Lucas nang maabutan niya ako na papanhik na sana sa hagdan.

Tinignan ko siya ng masama. Kung hindi umandar ang pagka strict ng lalaking to ay baka mas maaga kong nalaman ang problema ng kaibigan ko.

"What did I do?-Hey!"

"Sheenaaaa.. hon.. Let's talk please."

Nagmamadali ako sa paglalakad para hindi niya ako abutan kaso nung nasa pintuan na kami ng room ng mga babae ay nahblot niya ang braso ko at iniharap sa kanya.

"Pwede ba Lucas, wag ka nga mambulabog. Natutulog na sina Gina kaya bukas ka na magdrama."

Pumasok agad ako sa kwarto at ini-lock ang pinto. Pagkatapos ng ilang sandali ay narinig ko ang mga yabag papalayo.

Hayyss.. Nag-aalala ako kay Tito June. Sila nalang kasi ni Greg ang magkasama sa bahay nila. Yung nakakatandang kapatid niyang si Ate Martha ay nag-asawa na at may sarili nang pamilya. Feeling ko napaka insensitive kong tao, ni hindi ko man lang inalam o kinamusta noon si Greg at ang papa niya.

Sobrang bait ni Tito June sa akin. Kapag napapadalaw nga ako sa kanilang bahay noon ay niluluto niya ang mga paborito kong pagkain. Kahit na busy sa pinamamahalaan niyang factory ng mga sapatos ay hindi siya nawawalan ng oras sa kanyang anak. Kahit mag-isa na lang niyang inaalagaan si Greg ay hindi ito kakikitaan ng pagiging mahina.

I was suddenly pulled out of my reverie when my phone rang.

* 2 new message received..

From: Greg

I missed you, Shee.

*  *  *

From: Lucasungot 😛

Sorry na, hon. I love you.

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon