Chapter 36: Devlish

31 2 0
                                    

* * *

Damon

"Why should I?" alam kong ito agad ang magiging reaction ni Sheena. Sino nga ba ako para pagkatiwalaan na lang basta-basta ng isang kapwa ko mangkukulam? Sure akong alam niya kung gaano ka-kritikal ang magiging resulta ng kanyang sagot sa sinabi ko.

"Just do what I say. I'm even doing you a favor now."

"I'm still not sure, Damon."

"Have you felt weak suddenly?"

"How did you know that?"

"It's a secret. But believe me, the next time may mangyari sayo dahil hindi mo ako pinakinggan, huwag mo talaga akong sisisihin at lalapitan para hingan ng tulong."

"Gosh! You're such an ass."

"I know..Tss let's go back to the group. Kanina pa nagseselos yung asawa mo. Amoy na amoy ko hanggang dito."

I don't want to get involved in these people in the first place but my fiancee is getting stubborn again. Pinagbilinan ako ng grandma niya na bantayan ko ang pasaway na si Erika. Kaya heto ako ngayon at nagpapaka bayani para ilayo sa anumang kapahamakan ang mga taong madadamay niya.

Nang makita ko ang nasa isipan ni Erika nung hinawakan ko ang kamay niya ay medyo natamaan ang ego ko. Ibang lalaki ang kinahuhumalingan niya where in fact nandito naman ako. Kaya ko kinausap si Sheena ay para na rin mainis ko yung boyfriend niya. Kung bakit ba kasi nagkita pa sila ni Erika eh!

Sinabihan ko lang si Sheena na huwag basta basta tanggapin ang kahit na anumang bagay na matatanggap niya. I have a hunch na madaling malagay sa panganib si Sheena gayong kalahating porsyento ng lakas niya ang nawala. She can't even sense any danger now and to make it worse, hindi niya malalaman kung may lason ang kanyang kinakain.

Kahit ayoko ay tutulungan ko na sila para matigil na tong kahibangan ng babaeng mahal ko. I'm planning to get help from my sister na bihasa sa paggawa ng antidote. I only specialize with smelling emotions or reading other's minds. Hindi ko na pinag-aksayahan ang pag-aaral ng mga chants o kung ano mang paghahalo ng mga nakakadiring mga bagay.

Hindi ko na namalayan pa na nawala na pala sa harapan ko si Sheena kaya bumalik na rin ako sa sala kasama ang ilang kaibigan niya pati na ang pinsan kong si Drew.

"Dude! Ang tagal niyo ni Sheen ah? Kung type mo siya, sinasabi ko sayo huwag mo nang pormahan."

"Hahaha alam ko naman yun. Besides, mayroon na naman akong fiancee."

"Oooohhh.."

"So who's the chick pare?" tanong ni Marco

"Her name's Erika. Nag-date nga kami kanina eh." proud ko namang sagot. Kaso naalala ko na naman yung paniningit ng kaibigan niyang si Kyla kaya napasimangot na lamang ako.

"Mabuti na lang pala may fiancee ka na. Kaya kayo girls, lalo na ikaw Maxine umayos-ayos ka. Pagkatapos ni Greg, si Damon na naman ang pinagtitripan mo. Kapag hindi kita matantya ikukulong kita sa kwarto ko."

"Ew! Salamat na lang pero wala akong planong magpakulong."

* * *

"What was that hon? Magkakilala kayo ng Damon na yon? Just how many guys are into you? Ilan pa ba ang kailangan kong pabagsakin?"

"Tumigil ka nga Lucas Villafuerte. Huwag kang masyadong OA, okay? Hindi siya interesado sa akin."

"Sige nga, ano bang pinag-usapan niyo kung ganon?"

"Alam kong hindi mo pa maiintindihan ang sinasabi ko pero promise I'll tell you kapag naayos na."

Pagkatapos naming mag-usap ni Lucas ay bumalik na kami sa loob. Hinila niya kasi ako dito kanina sa labas para mas private kuno.

Nagkaroon lang kami ng konting kwentuhan at asaran. Nagpaligsahan naman ang mga boys sa pataasan ng score sa videoke. Naging masaya ang pagtitipon kaya medyo malalim na ang gabi nang umuwi ang lahat.

"Hon, ikaw na lang ang natitira dito. Tapos na din tayo sa pagliligpit sa mga kalat kaya please umuwi ka na." sabi ko kay Lucas matapos kong hugasan ang mga pinagkainan namin.

"Pinapalayas mo na agad ako? Dito na lang kasi ako matulog hon, sige na naman please. Baka bumalik dito yung Damon eh."

"You're being childish. Sige na alis na." pagtataboy ko pa.

Kahit mukhang malungkot ay umalis naman si Lucas. Ano nga ba talaga ang alam ni Damon tungkol sa nangyayari sa akin? May kalaban kaya akong hindi ko man lang alam?

Hayss. Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko. I still have to think through my feelings for Vince at saka itong biglang pagkawala ng magic ko.

Maybe this just needs a nice hot bath in the tub. Kaagad ko namang tinimpla ang tubig at nilagyan ng scented oils. Gosh! How I love the scent of lavenders. Dahan-dahan kong inilubog ang aking katawan nang matanggal ko ang mga damit ko. Awtomatikong napapikot na lamang ako dahil sa komportableng pakiramdam na hatid ng maligamgam na tubig.

* * *

Vincent

I heard my neighbor having a blast. Paminsan-minsan na nga lang ako umuwi dito sa unit ko tapos hindi pa ako patutulugin ng kapitbahay ko? I still don't know kung sino ang may-ari ng katabi kong unit at kailangan ko pa siyang pasalamatan sa binigay niyang pochero noon.

I can still remember how I enjoyed the dinner I had. Kaparehong-kapareho ng pagkakaluto ni Baby Shee noon. Madalas niya iyong niluluto kapag napapatambay ako sa bahay nila. Magkaibigan kasi kami ni Basty kaya nagkaroon na rin ako ng rason para bumisita sa kanila at makita siya. Palagi niya kaming pinagbe-bake ng cookies at kung anu-anong snacks noon kaya mas lalo ko siyang nagustuhan.

Siguro ay napansin ni Basty ang pagiging malapit ko sa kapatid niya kaya hindi na ako nagtaka nang bigla niya akong kausapin kasama si Tito.

"You know we're buddies, right? Pero dude kapatid ko na ang pinag-uusapan natin dito kaya nagkasundo kami ni Dad na hingin sa yo na layuan mo siya."

"What?!!! I can't do that. I'm sorry Tito but I love her." buong tapang kong sabi sa kanya

"I know you care for my daughter pero masyado pang maaga para makipag relasyon siya sayo. I have a lot of plans for her in the future."

"I know nagkakamabutihan na kayo but now I'm asking you please stay away from her. Kung nasa tamang edad na siya at may nararamdaman ka pa rin sa kanya ay hindi ka na namin pipigilan pero ngayon, mas mabuting lumayo ka muna."

That's when it all started- the lies I made and the acts i've done just to hurt her. Gusto kong pagsisihan ang lahat ng mga masasakit na mga salita na binitiwan ko noon pero naisip kong tama sila Tito. Sa graduation niya pa sana ako uuwi dito kaso hindi ko na mapigilan ang pagka-miss ko sa kanya. Gusto ko na siyang mayakap kaso may boyfriend na pala siya. I wonder who that is.

Napagpasyahan kong lumabas na muna ng unit at pumunta sa convenience store sa tapat. Hindi kasi ako makatulog kaya naisipan kong bumili ng canned beer. Dahil minsanan lang kung umuwi ako dito sa condo kaya walang stock ang ref.

Nang maisara ko ang pinto ay saka ko nakasalubong ang isang pamilyar na lalaki.

"Oh? Kapitbahay pala kita?" tanong ko sa kanya.

"No, no. Hindi ako dito nakatira."

"Ganun ba? I see."

"Pare, I might sound rude pero kasi nakalimutan ko na ang pangalan mo." sabi niya sabay kamot sa ulo.

"Nah, it's okay. By the way, I'm Vincent Reynolds. Nice meeting you again."

Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Nasa harapan ko na ang umagaw sa mahal ko. Just prepare Lucas, sooner or later ay mababawi ko na si Sheena sayo.

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon