Chapter 37: Second time around

42 1 0
                                        

* * *
I think I need to see Mom after my class today kaso kailangan ko pang makagawa ng napakaraming sketches. Ang partner kong si Greg ay tinakbuhan lang ako dahil may date sila ni Lara.

Although he promised me na babawi siya by the weekend ay hindi naman pu-pwedeng wala akong gawin. At least man lang magawa ko ito bago matapos ang linggo kasi balak kong pumunta sa probinsya namin.

"Oh? Mukhang busy ka ata. Balak ko sanang makipagkwentuhan pero sa susunod na lang siguro. Here, dinalhan kita ng snack. Pambawi na rin sa ginawa kong pagtataray noon." Inangat ko ang aking tingin at nakita si Kyla na nakangiti.

"Thanks, Kyla."

To be honest, hindi ko pa alam ang tunay na ugali niya pero sa nakikita ko, mukhang sincere din naman siya. Dinalhan niya ako ng isang butterscotch, sliced cheesecake at iced tea.

"Tinanong ko pa si Lucas kung anong paborito mo kung nagtataka ka." Well, I'm more shocked na alam pala ni Lucas ang mga paborito kong pagkain.

"Sige, Sheen mauna na ako. Ubusin mo yan ah kung hindi, iisipin kong may sama ng loob ka pa sa akin at siguradong malulungkot ako."

"Don't worry Kyla, hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob." sabi ko sa kanya na bahagyang nakangiti.

"Thank you, Sheen. Ciao!"

Kaagad ding umalis si Kyla at napatingin naman ako sa pagkaing binigay niya. Hmm.. medyo gutom na rin ako kaya napagpasyahan kong itigil muna ang aking ginagawa at sinimulang kainin ang nasa aking harapan.

Hindi ko pa nakikita si Lucas simula nung pagtitipon namin ng barkada sa condo. Naninibago nga ako dahil hindi man lamang siya nagtext kung nasaan siya. Siguro nagpapamiss to. Matawagan nga.

Calling Honey <3

Ring lang ng ring ang phone niya. Siguro may klase siya ngayon, itetext ko na lang.

To: Honey <3

May klase ka pa ba hon? An-

Napatigil ako sa pagta-type nang may tumakip sa aking mga mata.

"Guess who"

"Tss. Honey ko."

Naramdaman kong tinanggal niya ang kanyang mga kamay at huli na nang mamalayan kong binigyan niya ako ng mabilis na halik sa aking mga labi.

"Napakapilyo mo talaga! Kita mong maraming tao dito." sabi ko habang pinaghahampas siya sa braso.

"Weh? Eh bakit pakiramdam ko parang gusto mo naman?"

"Ewan ko sayo."

"Namiss mo ba ko?"

"Kamiss-miss ba yang mukha mo? Eh baka nga sinadya mong hindi magpakita kasi may kinakatagpo kang ibang babae!"

"Awww.. selos naman agad ang honey ko. Don't worry, ikaw lang talaga. Alam mo why don't we have a date just like what Greg did. Ang lokong yun talaga kinakawawa ang asawa ko."

"Puro kalokohan talaga pumapasok diyan sa isip mo."

"Come on hon. Bukas na yan, alam ko din namang wala ka nang klase ngayon. Tinext na din ako nina Max na nasa WOF sila hehehe"

Kaya pala atat tong umalis kami. Minsan talaga napapaisip ako kung anong tumatakbo sa isipan ng boyfriend ko. There are times na hindi siya nagpapakita sa akin and mostly ay dahil may away kami. I wonder if mayroon siyang problema sa pamilya nila?

Sa kalaunan ay nakumbinsi na rin ako ni Lucas na lumabas. Kaagad naman akong pumasok sa kotse niya nang huminto ito sa aking harapan. Kapag talaga ganitong mga bagay, daig pa niya si Flash sa bilis eh.

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe nang maisipan ko siyang tanungin. Kanina pa kasi ako hindi mapakali. Tatlong araw ba namang hindi nagpakita ang lalaking to, sinong hindi magdududa?

"Tapatin mo nga ako Lucas, may problema ba tayo?" tanong ko nang huminto ang aming sasakyan dahil naka red light pa ang traffic post.

"Paano mo naman nasabi yan hon? Everything's fine as long as you're mine."

"Seryoso nga Luc. I mean, wala bang problema sa inyo like in your family maybe?" Only child lang si Lucas sa pamilya nila. His mom and dad are in the States kaya lang hindi siya sumama nang kumbinsihin nila ito kasi dito na siya lumaki at para rin daw maging independent siya ayon sa kwento niya sa akin noon.

"Now that you mention it, balak sana kitang ipakilala sa parents ko over christmas dinner. Malapit na naman yon."

Hanggang sa huli talaga magaling umiwas itong si Lucas sa mga tanong ko.

"O-okay."

Kinuha ni Lucas ang isa kong kamay at hinalikan ito habang ang isa ay nakahawak sa manibela. Nang mag-green na ang ilaw at mabilis niyang pinasibad ang sasakyan.

Hindi nagtagal ay nakarating din kami sa WOF. Tinext ni Max kung nasaan sila at doon kami papunta ngayon ng boyfriend ko. Naglalakad kami ni Lucas na magkahawak ang mga kamay nang may makita akong isang kumpulan ng mga tao. Hindi ko naman mapigilang hindi mapatingin dahil may isang babaeng sumisigaw ng tulong. Kaagad akong bumitaw kay Lucas at pumunta sa lugar kung saan nanggagaling ang ingay.

Nakipagsiksikan ako sa gitna ng napakaraming mga tao hanggang sa sumambulat sa akin ang isang lalaking dumudugo ang ulo. Sumilakbot ang pag-aalala sa akin kaya agad kong nilapitan ang pasyente na hawak ng isang babae na sa tingin ko ay asawa niya.

Hinawakan ko ang kanyang leeg at dinama ang kanyang pulso. Napakahina na nito at malamang ay mawawalan na ito ng buhay kung patatagalin pa. Kahit nagtataka ang babae sa biglang paglapit ko ay hindi na niya ako pinansin at panay ang paghingi ng saklolo. Asan na ba kasi ang mga medic dito?

Ilang sandali pa ay dumating rin ang sasaklolo kaya hindi na ako magawang pansinin ng babae. Kinuha ko naman iyong chance para itapat ang kamay ko sa dibdib ng walang malay na lalaki at umusal ng mahinang spell.

Saktong pagtapos ng spell ay siya ring pag-kuha ng mga medic sa katawan ng lalaki sa aking harapan. Nagulat na lang ako nang may biglang humablot sa aking braso.

"Hon, are you okay? Namumutla ka ata."

"I'm okay. Let's go?" sabi ko na lang kahit na grabe ang pananakit ng ulo ko. Bigla na lang akong tinamaan ng dakit ng ulo sa hindi malanang kadahilanan.

Hinawakan ko uli ang kamay niya at nagsimulang maglakad ulit. Nang makita kong kumaway si Gina sa aming direksyon ay kaagad namin silang nilapitan. Wow. Even Greg and his date is here.

"Ang tagal niyo naman."

"Sorry. Kumain na ba kayo?"

"Hindi pa. Kaya nga kanina pa namin kayo hinihintay. Come on, let's go to that restau." sabi ni Drew habang nakaturo sa isang retaurant sa aming harapan. It's like an Italian-inspired place and I love it!

Masayang nagku-kwentuhan ang lahat habang hinihintay ang aming mga inorder na pagkain. Pilit din naman akong tumatawa sa harapan nila kahit parang pinupukpok ang ulo ko sa sakit.

"Excuse me guys, I'll just go to the rest room." sabi ko sa kanila.

Nagmamadali akong naglalakad papunta sa cr nang mabangga ko ang isang matigas na pader. Pader? Napahawak ako dito nang biglang sumakit na naman ang ulo ko. Doon ko lang napansin na dibdib pala ng isang lalaki ang nasa aking harapan.

"Baby Shee? Are you okay? You look pale. Hey! What's happening to you baby?" Unti-unting humihina ang pandinig ko hanggang sa hindi ko na maramdaman ang nangyayari sa paligid.

Pero bago pa man ako lamunin ng kadiliman ay nakilala ko ang mukha ng lalaki.

"Vince..."

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon