Chapter 28: He's back!

64 3 0
                                        

* * *

Greg

"Oo nga Ky, papunta na ako diyan." Nangungulit na naman si Kyla na samahan ko siya pumunta sa divisoria para bumili ng mga tela. Wala ba talaga siyang mga girl friends na aabalahin niya? Tss. Kung bakit kasi nasabi kong hindi ako busy ngayon eh. Hindi ko din naman hahayaang makipagsiksikan siya dun na wala ako. I still care for her as a friend at ayokong may mambastos sa kanya if ever.

Na-stuck pa rin ako ngayon dito sa kalsada dahil sa matinding traffic.

Naalala kong tuwing may usapan kami ni Ky palaging napupurnada. Noong minsan rin, imbes na magkita kami sa isang coffee shop eh biglang umulan ng malakas kaya hindi na rin ako bumyahe pagkatapos ay sumunod na yung sa U-Day at nakorner ako ng mga taga IT. Haissst tapos eto na namang traffic.

Inabot pa ako ng halos kalahating oras bago ako nakarating sa usapan namin ni Kyla. "Mabuti naman at dumating ka. I thought you'd stood me up, again." Haisst galit na naman siya.

"Sorry na nga Ky, hindi ko naman alam na magkakatraffic eh-" Habang nag-eexplain ay napalingon ako sa babaeng dumaan sa likod ni Kyla. Magkaharap kasi kami ngayon ni Kyla at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko ulit siya- si Lara.

Napansin kong nagmamadali siya dahil mabilis itong maglakad. Hindi naman kasi gaano marami ang mga tao dito sa lugar na kinatatayuan namin. Pilit ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa hindi na siya mahanap ng mga mata ko. Saan kaya siya pupunta?

"Ugh. Greg! Are you even listening to me? Kanina ka pa tulala diyan."

"S-sorry."

Inirapan lang ako ni Kyla pagkatapos kong sabihin yon. Tingnan mo to, siya pa namilit sakin pumunta dito tapos siya pa ngayon ang galit.

Past 12 na nang matapos kami at gutom na gutom na talaga ako. Hindi ko na siya inantay magsalita at basta ko na lang siya hinila papalabas ng tindahan. Mabilis naman kaming nakabalik sa kotse ko at nagpunta sa pinakamalapit na restaurant.

"Greg, I saw him." Panimula ni Kyla habang hinihintay naming dumating ang order namin.

"Yung lalaking nang-iwan sayo? Asan siya?!" Hindi ko mapigilang tanungin. Kahit na magkasama kami noon sa Canada, nahuhuli ko siya minsang malungkot.

"Doon sa bar nung time na nagpakalasing ka."

"So ano nang plano mo ngayon? Naka move on ka na naman, hindi ba?"

"Yun nga ang problema ko Greg. Hindi pa."

"Balak mo bang hanapin siya?"

"Oo. Hahanapin at aakitin ko siya kung kinakailangan."

"Ky, you don't have to go that far. Huwag mong ibaba ang sarili mo sa isang lalaking hindi ka kayang panagutan." Naiinis talaga ako sa lalaking yon. Kahit din ilang beses ko siyang pilitin na sabihin sa aking kung sino iyon, hindi niya magawa.

"I have to, Greg. Kung hindi ay mababaliw ako. I really tried to move on pero hindi ko kaya. I was hurt pero mahal ko pa rin siya eh, anong magagawa ko?" Ngumiti siya ng mapait.

Ilang minuto din ay dumating ang pagkain namin. Hindi ko pa nalulunok ang tubig na iniinom ko ay agad ko itong naibuga sa aking kaharap.

"Greg!!!!!!" Nagsisisigaw si Kyla sa harap ko at agad na pinunasan ang kanyang basang damit pero ang mga mata ko ay nakatuon sa isang babaeng katabi ni Kyla na nakatayo ngayon sa aking harapan.

"Lara."

Napalingon naman sa katabi si Kyla. "Bakit ngayon ka lang? I told you na 8am diba?" mataray na tanong ni Kyla kay Lara nang harapin niya ito. Wait. Magkakilala sila?

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon