* * *
Sunday ngayon at gusto ko sanang tumambay na lang sa bahay kaso itong si Max ay hindi paaawat sa pagshopping at dinamay pa ako. If you're wondering where Gina is, well, nandoon lang naman siya sa isang restaurant at ka-date ang boyfriend niya.
I mean, araw-araw naman sila nagkikita but why do they still have to go on dates? Hindi ba sila nagsasawa sa pagmumukha ng isa't isa?
Buti na lang at hindi kami nagkrus ng landas ng Lucas na yon. I hate his guts! I hate his arrogance! I hate everything about him! Ang kapal ng mukha niyang takutin ako kahapon!!?
"Girl, ano ba? Kanina pa ako paikot-ikot sa harap mo! Ano na? Bagay ba?" inis na tanong ni Max.
Teka. Nakalimutan ko nga pala na nasa botique kami. I asked Max kung bakit kailangan namin mag shopping at ang sagot niya? "Bitches will be there and so I have to be ready." Yun lang. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit pa naiinlove ang mga tao. Ginagawa kang tanga dahil diyan sa pag-ibig at nagiging sarado yung utak mo kaya nakakagawa ka ng mga bagay na nakakadiri.
"I don't get your point Max. Drew is already your boyfriend so why are you fussing over this?"
"That's the point, iha. I want to still look ravishing in his eyes at saka para narin hindi siya maagaw ng iba."
"Well, if he loves you hindi siya titingin sa iba."
"I feel you too, Sheen. Nandoon na 'ko pero.. ahh basta! Wait, hindi ka man lang ba nababahala pagdating kay Lucas? Hunk rin yung boyfriend mo. Sige ka, baka magsawa na yun sayo." pananakot pa ni Max.
"Wala naman talaga akong pake dun." mahinang bulong ko.
"What?"
"Ahh wala. By the way, why don't you try the green one? I think it suits you better." change topic ko na lang. Maxine Tyler is a half-Canadian kaya medyo agaw pansin rin yung ganda niya. Kahit ano namang isuot niya ay babagay parin sa kanya. Ewan ko ba kung bakit nahihirapan pa siyang pumili.
Buong araw ata inubos namin bago kami natapos maglibot sa lahat ng boutique dito sa third floor. Yes, ganoon ka energetic ang kasama ko basta shopping. Lantang-lanta na ako by the time natapos kami sa last store.
"Thank you sa pagsama, girl. I'll take it from here. Magkikita kami ni Daddy sa isang restaurant namin eh. Are you sure you're gonna be okay?"
"Yes maam. Matanda na po ako at hindi ako maliligaw."
"Good. Here, I bought you the black bikini. And don't you dare forget to wear this on our trip kundi sasabunutan kita! Bye Girl! Kita na lang tayo bukas!"
Ano ba naman to??? Akala ko tumigil na siya sa pangungulit sa akin na kunin tong bikini? Pagkatapos niyang i-abot ang shopping bag ay agad itong tumakbo palayo. Naisahan niya ako dun ah.
Napagdesisyunan kong pumunta na lang sa isang Italian restaurant para mag early dinner. Ikaw ba naman ang magshopping buong araw, sinong hindi gugutumin? Naghahanap ako ng table nang biglang may tumawag sa akin.
Agad napunta ang tingin ko sa isang matandang babae. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung Nanay ni Lucas. Naglakad ako papalapit sa table niya at napansin kong siya lang ang nandoon.
"Iha, mabuti naman at nagkita tayo ulit. Maupo ka."
"Bakit naman po?
"Yung apo ko kasi ay hindi na masyadong umuuwi sa bahay. Alam ko namang may sarili siyang condo pero ni minsan ay hindi siya nag mintis bumisita sa akin every two days. Nag-away ba kayo iha?"
"H-hindi naman po." bulong ko
"Ganun ba?Okay.. Let's order?"
Nag-order na kami at ilang sandali pa ay nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang magtanong sa kalagayan ni Nanay.
"Bakit po kayo lang mag-isa? okay na po ba talaga ang pakiramdam niyo?"
"Actually, hinihintay ko yung husband ko para sunduin ako. Kakagaling ko lang magpa spa kasama yung mga amiga ko iha. Pertaining to my health, okay na talaga ako. I got discharged the next day after you visited me."
"Ganon po ba? Mabuti naman."
Wala na ako masyadong masabi kaya pinagpatuloy ko na ang pagkain. Mga sampung minuto lang ay dumating si Tatay Gustavo, ang asawa ni Nanay Rose. Nahihiya pa nga ako nung una kasi ang bait din pala niya pero hindi kasing kulit ni nanay.
Pagkatapos naming kumain habang nagkukwentuhan ay nagpasya na kaming umuwi. Kahit nakakahiya na talaga ay pumayag akong magpahatid pauwi kasi coding din yung kotse ko ngayon. Pagkarating ko sa condo ay agad kong ibinagsak ang katawan sa kama. Goodness! Pagod na pagod ako!
Maya-maya ay tumunog ang phone ko.
*1 new message received
0918769....
Hi hon. Sorry hindi ako nagpakita ngayon and I know you miss me na. I had some business with my friends but i'll make sure that the next time we kiss, wala nang istorbo. Me loves you hon. 😘
At sino naman kaya nagsabi sa kanyang miss ko na siya? Panigurado puro kalokohan na naman ang nasa utak ng lalaking to. Hmm...
Name: Lucasungot 😛
Saved.
Opo. Isi-nave ko na para walang gulo.
*1 new message received
From: Lucasungot 😛
Simula bukas, manliligaw na ako. Kaya huwag ka na magselos sa ibang babae, hon. Sayo lang ako. Me loves you ulit.
Ano daw? ako? magseslos? Ang assuming talaga ng taong to. Hahaha Hindi ko na ni-replyan kasi antok na antok na rin ako.
Inilapag ko sa bedside table ang phone ko at pumasok sa cr para sa bathroom rituals para makatulog na rin. Sobrang alikabok sa labas at nanlalagkit na rin yung feeling ko.
As soon as I went out of the comfort room, nag vibrate na naman yung phone ko.
* 2 new messages received.
From: Lucasungot 😛
I miss you already. Can't wait to see you tomorrow. 😘😘😘
Hon, nasa labas ako. I need to see you right now!
Hindi ko alam pero parang naging automatic yung mga kilos ko at dali-dali kong tinungo ang pinto at binuksan.
At hindi nga siya nagbibiro nang nagtext siya. Bumungad sa harap ko ang asungot pero hindi ko maintindihan ang mukha niya. Namumula.
"Hon.. I-I appreciate the effort pero hon I think this is t-too soon." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay napapikit siya nang mariin at mabilis na tumalikod.
Unti- unti kong narealize ang sinabi niya. Kaya mabilis akong bumalik sa loob ng unit, ini-lock ang pinto at...
"AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!"
* * *
Sorry po sa late update.
BINABASA MO ANG
WITCH: IN LOVE
FantasyIt's the new generation, alright. Pero kahit gaano pa ka moderno ang panahon, nabubuhay pa rin kami. So far, okay pa naman yung pagtira ko sa Manila kaso may nangyaring hindi ko inaasahan.. Urgh! Nakakainis! First kiss ko yon eh! Okay na sana kung h...
