Chapter 15: I needed you the most

65 3 2
                                    

* * *
Pagkarating namin sa Manila ay agad kong tinawagan si Mommy at nagpaalam na pupunta ako ng probinsya para tulungan si Greg. Mahigit isang linggo pa bago ulit ang pasukan. Nagliligpit ako ng mga gamit nang biglang mag ring ang phone ko. Baka si Greg na to..

"Hello Greg? Malapit na akong matapos. Ha? Oo sige, dito na lang ako maghihintay."

Tinext ko sa kanya ang address ng condo ko. Napagkasunduan naming susunduin niya ako para sabay na kaming bumiyahe papuntang Isabela.

Ilalagay ko na sana ang huling damit sa bag ko nang may kumatok. Ang aga naman ata ni Greg? Akala ko nasa traffic pa siya.

Binuksan ko ang pinto at agad bumagsak sa akin ang nanghihinang si Lucas. Oh my god! Ang init niya!

"Luc? Luc sobrang init mo! Halika sa loob." Inalalayan ko siya hanggang sa makaupo kami sa sala. Inalis ko ang kanyang sapatos at agad sinapo ang kanyang noo.

Nabigla ako nang tanggalin niya ang kamay ko.

"Please..ayokong gamitan mo ako ng powers mo. Gusto kong alagaan mo ako ngayon." sabi niya na ngayon ay mamula-mula na ang mukha at nakapikit. Bakas sa kanyang mukha ang panghihina. Naalala kong biglang umulan nang malakas kahapon eh. Paano na to? Kailangan ko pa namang umalis mamaya.

"Sheena, I badly need you now." sabi niya ulit nang hindi ako makasagot.

Mamaya pa naman siguro darating si Greg. Kailangan ko munang asikasuhin itong maysakit.

Kumuha ako ng maligamgam na tubig at bimpo para ipunas sa kanya. By the way, inilipat ko na rin siya sa isang spare na kwarto ko dito sa unit. Pagbalik ko galing sa kusina ay nakahiga lang si Lucas at matamlay na matamlay.

Nagsimula na akong magpunas sa kanyang kamay hanggang braso. Nasa kalagitnaan ako ng pagpupunas nang bigla niyang kunin ang kamay ko at inilagay iyon sa kanyang dibdib.

"Sheena, please dito ka lang sa tabi ko. Huwag mo akong iiwan.." nakapikit siya nang sinabi niya iyon. Nakakalungkot tignan ngayon ang ayos ni Lucas. Malayung-malayo sa kanyang pagiging active at palabiro.

"Shhh... Magpahinga ka muna dito Luc, hindi ako aalis. Igagawa lang kita ng mainit na sopas sa kusina. Babalik din ako agad."

Ayun, nagluto ako ng sopas para naman mainitan ang tiyan niya. Pinatay ko rin ang aircon sa kwarto kasi sobrang nanginginig na rin siya sa lamig. Pagkatapos kong magluto ay pinakain ko na rin siya. Ako mismo ang sumusubo sa kanya kasi daw hindi niya kaya. Kung wala siyang sakit ay iisipin kong pinagti-tripan na naman ako nitong mokong.

Pagkatapos niyang makakain ay pinainom ko naman siya ng gamot. Maya-maya ay napansin kong napapapikit na siya hanggang sa nakatulog na nga.

Nakapagtext si Greg sa akin kanina na matatagalan siya dahil sa traffic. Halos mag-iisang oras na mula nang magtext siya.

Paano ko ngayon iha-handle to? Paniguradong kawawa si Lucas kung iiwanan ko dito mag-isa sa condo pero kailangan din naman ako ni Greg dahil kay Tito June.. Paano na to?

* * *

Lucas

Sinadya ko talagang magpabasa sa ulan kahapon. Hindi ko alam kung ano ang plano ng Greg na yun pero kailangan ko siyang pigilan sa balak niya. Naalala ko pa ang pag-uusap namin sa beach nung nakaraang araw...

Flashback

"What the F are you talking about? Ang sinasabi ko sayo, lapitan mo na si Greg. Ngayon na." sabi ni hon. Tsk. Kung hindi ko lang talaga to mahal eh...

"Okay okay. You stay here, lady." sagot ko na lang din sa kanya.

Medyo malapit kami sa barkada kaya sinenyasan ko siya na umalis kami doon sa pwestong inuupuan niya at nagpunta sa medyo hindi mataong lugar.

"Ano?!" may halong pagka-iritang sabi niya sa akin. Aba! Siya pa ngayon ang may ganang magsalita ng ganyan!

"Hindi ako lalapit sayo kung hindi lang ako pinilit ng girlfriend ko na humingi ng tawad sayo kahit na dapat lang sayo ang suntok ko."

"Para sabihin ko sayo, hindi mo siya pag-aari. Hindi siya nababagay sa isang bulok na katulad mo."

"At sino ang nararapat sa kanya? Ikaw? Wag mo nga akong pinag-lololoko. Makaalis na nga." naiinis na ako sa maling pinagsasabi ng taong to. Pero bago pa ako makalayo ng tuluyan ay may sinabi siyang nakapagpatigil sa akin.

"Tignan lang natin kung pipiliin ka pa niya pagkatapos ng bakasyong to."

Hindi ko na pinansin huling sinabi niya. Nakakabadtrip talaga! Oo nababahala ako na baka siya ang piliin ni Sheena. Matagal na silang magkakilala kaya dun ako kinabahan. Mas lamang siya sa akin eh. Pero sa appeal talaga namang panalo ako.

Hayysss baliw na kung baliw pero ito lang ang naisip kong plano para pigilan si Sheena. Hindi ko alam pero parang aalis siya. Wala akong ideya jung saan basta pakiramdam ko may kinalaman ang Greg na yun dito.

Buti na lang at gumana ang plano kong to. Kahit masakit at nanghihina ang katawan ko ay okay na basta kasama ko siya. Nakaramdam ako ng ginhawa sa naisip ko.

Hindi ko pa alam kung ano ang nararamdaman niya sa akin eh. Halata namang kinikilig siya minsan sa mga banat ko pero hindi ko pa rin alam kung mahal na ba niya ako. Natatakot akong malaman ang totoo. Pero dati pa ay buo na ang desisyon ko na kahit anong mangyari, gagawin ko parin ang lahat magustuhan niya lang ako.

Nakahiga ako ngayon sa kama dito sa unit niya. Pinikit ko lang ang mga mata ko pero hindi naman talaga ako tulog. Nakaidlip din naman ako sandali nung nagluto siya. God! Ang sarap niya talagang magluto! Wife material siya para sa akin.

Ilang sandali pa ay may narinig akong doorbell. Tumayo si Sheena sa pagkakaupo dito sa gilid ng kama ko. Oo medyo nakakabakla pero nagustuhan ko ang feeling na binabantayan niya ako at malapit lang siya sa akin ngayon.

"Sorry talaga Shee. Masyado ka bang naghintay ng matagal? Kainis kasi yung traffic eh." narinig ko ang isang boses matapos niyang buksan ang pinto. Si Greg yun!

"Okay lang naman Greg."

"Uhm.. ready na ba yung mga gamit mo? Let's go?"

"A-ano kasi..."

Hindi ko na kinaya ang mga naririnig ko. Hindi pwedeng umalis si Sheena ngayon! Kailangan ko siya. Hindi ko hahayaang mapunta siya sa iba!

"S-sheena! S-saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya na mukhang nagulat sa paglabas ko sa kwarto.

"Kasi Luc, maysakit ang dad ni Greg at malubha na talaga. Kailangan ko siyang tulungan." sabi niya nang makarwcover siya sa pagkabigla.

"No! You are not leaving me, Sheena. Not now. Kailangan din kita. Sure akong kaya na yung gamutin ng nga magagaling na doktor kaya bakit ikaw pa? O kaya baka naman nag-iimbento lang siya ng istorya para kaawaan mo siya, para sumama ka. P-please don't leave me!" buong pagmamakaawa ko. Kahit lunukin ko na pride ko, wala akong pakialam.

"Naririnig mo ba ang sarili mo ngayon Luc? I don't want to be rude to you lalo na't maysakit ka ngayon pero buhay ng isang tao ang pinag-uusapan natin ngayon. At tsaka hindi kayang magsinungaling ni Greg sa akin." pagtatanggol ni Sheena sa kaibigan.

"P-pero hon naman... Kailangan din kita oh. Huwag kang umalis please." pagsusuyo ko pa rin.

"Don't do this Luc. Come on, lagnat lang naman ang meron ka. I already called Nanay to fetch you here. Kailangan ko na talagang umalis." Hindi siya nakatingin sa akin habang sinasabi iyon. Binabaling niya sa iba ang mga mata niya.

"So mas pinipili mo ang Greg na yan over me?"

"Luc- this is not--" pinutol ko na siya sa mga sasabihin niya.

"Tama na! Lahat na lang ng gawin ko, hindi sapat! Call Nanay again at sabihin mo hindi na niya ako kailangan sunduin. Kaya kong umuwi mag-isa."

Nasasaktan ako. Gusto kong magbasag! Gusto kong magalit sa kanya dahil iba ang pinili niya pero hindi ko magawa!

Naisip kong kailangan ko muna magpahangin. Masyado lang akong masasaktan kung magtatagal pa ako dito. Kaya linagpasan ko silang dalawa at walang anu-ano'y lumabas sa unit niya.

Siguro nga kahit anong pagpupumilit ko ay hindi niya ako magugustuhan.. Wala na nga siguro akong pag-asa sa kanya...

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon