Chapter 43: The deal

39 1 2
                                    

* * *
Erika

After he savaged my lips mercilessly, he went back to his seat na parang walang nangyari. The kiss left me breathless and I could almost hear my heart beating loud. Oh geez! What is he doing to me? Ginagamitan niya kaya ako ng potions or spells na hindi ko napapansin? Hindi pa rin ako makapaniwala na hinalikan ako ng mapangahas na lalaking to! I unconsciously touched my lips and hell! It's all swollen! He is seriously a beast! Is he crazy or what?! Kung nakakamatay lang talaga ang tingin, nakuuuu!!!

"Stop glaring babe. You don't want to get pregnant now, do you? Because just so you know...you just fucking turned me on." A-ano na namang pinagsasasabi ng baliw na to. Nanggagalaiti na ako sa galit kaya umupo na rin ako at binalingan ko na lamang ang pagkaing nasa harap ko.

In fairness, the foods here are so delicious. Next time, titikman ko naman ang mga seafood cuisines dito.

"Don't worry babe. Sooner or later ay sisiguraduhin kong mahuhulog ka sa akin.. so hard, na hindi mo kakayanin ang isang araw na hindi ako makita. Starting this day ay liligawan kita. Would that be alright babe? Pero just to remind you, asawa na kita so you are prohibited from looking at other guys habang nandito tayo." Well, wala naman akong mapapala kung magwawala ako dito. At saka wala akong dalang pera para tumakas kaya sasakyan ko na lang ang trip nito. Sana naman hindi mali tong desisyon ko.

Isusubo ko na sana ang hiniwa kong crepe cake nang maalala ko ang tungkol kay Lucas.

"Damon, what happened to Luc? Anong ibig mong sabihin dun sa sinabi mong kakampi mo siya?"

"Right. Kinausap ko kasi siya bago niya sinundan si Sheena. I gave him the antidote and if you're asking me how.. well, I sneaked into your room and the rest is history."

"Wow! Just wow Damon! Hindi ko akalain na nakapangasawa pala ako ng isang stalker and take note, magnanakaw rin." Unbelievable! Napailing na lang din ako sa aking narinig.

"Only for you babe." he chuckled sabay kindat. Eh kung tusukin ko kaya ang mata nito nang matigil na yang pagkindat niya. Nakakairita!

"Tapos ka na ba kumain? Come on now babe, let's stroll." Hindi pa nga ako nakakasagot ay dali-dali niya akong hinila palabas ng cottage. Awtomatiko namang napakabog nang malakas ang dibdib ko dahil sa ginawa niya. Parang bolta-boltaheng kuryente ang naramdaman ko nang magkahugpong ang aming mga kamay.

"T-teka lang muna! Y-yung kapatid ko kailangan ko pang tawagan!" Hindi ko kinaya ang lakas ng kabog ng dibdib ko kaya pati pagsasalita ko naaapektuhan na rin ata.

"I called her for the past days pero out of reach pa rin babe eh. Can we go now?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. A part of me was worried because of my sister and the other is scared na baka paghinawakan na naman niya ang kamay ko ay baka magrambulan na naman ang mga kaloob-looban ko.

"A-ano?! Pahiram ako ng phone mo. Hindi pwedeng hindi ko siya ma-contact. She's not that careless." Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Damon bago kinuha ang kanyang telepono sa bulsa.

I immediately dialled my sister's number. Nag ri-ring ito ng maraming beses bago tuluyang mawala ang linya.

Napatingin ako kay Damon na ngayon ay nagkibit balikat lamang na parang sinasabing I told you. Pero hindi pa rin ako sumuko kaya nag dial ako ulit. Wala akong pakialam kung mag international call ako total mayaman naman tong lalaking to na unfortunately ay asawa ko.

Pagkatapos ng ikalimang ring ay sinagot rin ito ng kabilang linya.

"Hello Lara? This is me, ate Erika. Where are you now? Okay ka lang ba? Huwag mong sabihing nagpaloko ka na naman sa Greg na yun." dire-diretso kong sabi. Kahit ginamit ko si Lara noon sa mga plano ko ay hindi pa rin naman nawala sa akin ang mag-alala para sa kapatid ko.

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon