Chapter 42: Erion

29 2 0
                                        

* * *
Erika

Iminulat ko ang aking mga mata dahil sa tumatamang sinag ng araw. Bumungad naman sa aking paningin ang isang kisameng may puting tela. Doon ko lang napansin na nakahiga pala ako sa isang four-poster bed. Mula sa aking kinaroroonan ay naririnig ko ang mga tunog ng ibon at mahinang paghampas ng mga tubig. Siguro dinala ako ng walang hiyang Damon na yun sa isang resort. Inilibot ko ang aking paningin at napagtantong simple lang ang kwarto. Napaka-refreshing ng ambiance at nakakawala ng stress.

Bumangon na ako at pumunta sa may bintana upang silipin ang tanawin sa labas. As soon as I opened the window, the cool and salty breeze welcomed me.

I could live here forever- pero mag-isa. Ang kailangan ko lang gawin ay alisin sa buhay ko si Danon Westings para magkaroon ng payapang buhay. By the way, asan na pala ang lalaking yun? Gosh! Yung usapan pala namin ni Luc!

"Good to know you're awake. I thought hahalikan pa kita para magising ka na." may halong pang-aasar na sabi niya.

"Why are you doing this to me, Damon? Alam nating dalawa na arranged marriage lang ang magaganap."

"Yes I know."

"So what is this fiasco? This whole kidnap thing?" naiinis na tanong ko.

"I figured na hindi ka titigil sa panggugulo kung hindi pa ako eeksena eh. You see, ayaw ni Lucas sayo at bilang fiance- ah! husband, ay hindi pwedeng basta-basta na lang kitang hayaang manggulo."

"Hahahahahahahaha" Tuluyan na atang nasiraan ng bait tong kaharap ko. Nananaginip ba siya? Asa namang papayag akong maging asawa niya.

I expected him to be angry or get pissed pagkatapos kong tumawa but to my surprise ay naka smirk lang ito.

"What's with your face? Talaga bang kumpyansa ka na matutuloy ang kasal natin? Dream on mister!"

"Oh misis, if you only knew, paulit-ulit kitang pinapanaginipan. You and our honeymoon. In. this. bed."

"P-pwede ba tigilan mo na ako diyan sa mga biro mo. This is not funny."

"Okay fine i'll tell you everything but first kumain ka muna. You slept for three days so I'm sure gutom na gutom ka na."

With an instant ay naramdaman kong kumukulo ang tiyan ko sa gutom. Guess he's right. Ayoko namang mapalaban mamaya ng walang laman ang tiyan ko. Just in case magkaroon ng labanan sa pagitan naming dalawa though I doubt kung mananalo ako.

Hindi ko napansin na may dala pala siyang tray na may breakfast. Sobrang dami naman ata nito. Balak ba niya akong katayin pagkatapos niya akong palamunin? Mukha naman ata akong baboy sa mga naisip ko.

"Hindi pa rin ako kumakain dahil hinintay talaga kita magising." Sige na, ikaw na ang may kakayahang basahin ang isip ko bulong ng isip ko.

Sobrang tahimik ng paligid. I'm really hungry kaya naka focus ako sa pagkain. Ikaw ba naman hainan ng chicken fajita pasta, matcha-flavored smoothie, custard cheesecake, vegan pesto pasta, pancakes, fried rice, teriyaki at isang tasang kape na sa tingin ko ay espresso. Sure kaya siyang hindi niya ako kakatayin? Baka patibong to.

"Babe naman, kumain ka na. Huwag mo akong tignan ng ganyan."

Inirapan ko na lang siya at nagsimulang kumain. Hindi ko naman mapigilan ang curiosity kaya nagtanong na ako sa kanya.

"Where are we?" tanong ko habang hinihiwa ang pancakes sa aking harap.

"We're in Maldives." simpleng sagot niya naman. Teka? Maldives?!!! nanlaki ata bigla ang mata ko sa sinabi niya. I mean, sino ba naman ang hindi magugulat sa sinabi niya? Matagal ko nang gusto pumunta dito kaso wala akong masyadong ipon. Nakalaan na kasi ang pera ko sa project kong pet shop at saka nag-aaral pa ako sa isang exclusive school for girls.

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon