Chapter 39: Goodbye?

32 2 0
                                    

* * *
ERIKA

"You know I can't do that. I can't just leave her."

Pathetic bastard. Alam kong hindi naman ako kayang mahalin ng taong to and I realized I was just getting my revenge for being insulted. I mean, maganda naman ako and such pero hindi ko matanggap na balewalain ako ng lalaking to. I have much better plans for him kaya ko ginagawa to ngayon.

"I know you'll be like this. Well, let me tell you this little secret... Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang kalahati ng kakayahan ng girlfriend mo"

"A-ano? Hindi kita maintindihan."

Hindi ko mapigilang mapangiti hanggang sa bumunghalit ako ng tawa. This guy is just so cute looking clueless!

"Hahaha sorry.. Iniinom mo pa ba yung tea bags na binigay ko?"

"Damn. Fuck!"

Tila yata bigla niyang naalala ang ikalawang pagkikita namin mula noong encounter namin sa bar at yun ay nung binigay ko ang tea bags sa kanya.

"I guess you're getting the gist of my plan. Hinaluan ko ng mga espesyal na halaman ang laman nun at syempre isali mo na rin ang aking mga orasyon."

"What about it? Hindi ba dapat ako ang malason at hindi ang girlfriend ko?"

"Nah-uh! Kaya nga espesyal na halaman at orasyon ang ginamit ko diba? Sa tuwing hinahalikan mo siya noon ay unti-unting nalilipat sa kanya ang lason na sa kanya lang tumatalab. Kaya kahit na hindi mo sundin ang iniuutos ko ay ikaw rin ang mahihirapan."

"You're a bitch!"

"You're wrong there Lucas because I AM THE BITCH!"

"Paano ko naman masisigurong totoong antidote ang ibibigay mo?"

"Well, I know my little sister told you how clever I am pero sinisigurado kong tumutupad naman ako sa usapan."

Hindi na naman ata siya kumbinsido sa sinasabi ko pero truth be told, kailangan ko siya dahil sa nkinakaharap kong sitwasyon.

"Fine! Let's change the deal. I'll just have you for a month and during those times, paunti-unti kong ibibigay ang antidote hanggang sa gumaling siya. Happy?"

"Why a month?"

"Sa akin nalang yun. Deal?"

"Tsk. Deal."

"Okay, let's seal this deal traditionally."

I kissed him fully on the lips. Nasa akin ang lunas para mawala ang lason na nasa loob ng katawan ni Lucas. Saka ko na ibibigay ang lunas para kay Sheena.

"Ayan! I just gave you the medicine to cleanse your body. Aren't you happy?" bulong ko sa kanya.

"WHAT THE FUCK ARE YOU DOING WITH MY FIANCEE?" awtomatikong napalingon ako sa aking likuran at doon ko nakita si Damon na naglalakad papunta sa amin.

"Ugh! Ano na namang ginagawa mo dito Damon?!" Seriously? This guy is getting to my nerves. Talagang alam niya kung paano ako inisin at galitin.

"Stop this now Erika! Hindi mo man lang ba naisip ang sasabihin ng buong pamilya natin sa ginagawa mo? Hindi ka man lang nahiya!" So yun pa ang inaalala niya ngayon? Palibhasa kasi lumaki siyang parang tuta na sumusunod sa bawat utos ng mga magulang niya.

"The hell with what they think! Si Lucas ang gusto ko! Si Lucas ang mahal ko! I'll have him by hook or by crook!"

Nakita kong dumilim ang reaksyon ni Damon. Sino bang hindi magagalit si ginawa ko ngayon? I bet I hit his ego big time! Gagamitin ko si Lucas para pigilan ang balak ni lola na ipakasal ako sa aking fiancee. Mabuti na lang at nalaman ko ang balak nila nang mas maaga.

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon