Chapter 11: Gregory

82 3 9
                                    

Katabi ko ngayon si Greg na kumakanta sa videoke. Sa kabilang side niya naman sina Max at Gina na hindi matago ang pagka crush sa katabi ko. Nag-aaway pa nga ang dalawang babae kung sino ang dapat niyang makatabi. As for the boys, ayun at masama ang tingin kay Greg habang tinutungga ang ilang bote ng beer.

Ano ba naman kasi tong dalawang babaeng to. Nagseselos na nga ang kanilang mga boyfriend ay dedma pa rin. Mabuti na lang at nakatakas ako sa pagkakayakap ni Greg pero bago pa man ako mahila ng isa sa kanila ni Lucas ay naglakad na ako pabalik sa cottage namin.

Kaagad naman akong sinalubong ng barkada o mas tama sigurong sabihin, ng dalawang babae. Kinulit nila ako na ipakilala ang bagong lalaking kasama ko na nakasunod pala sa akin.

Pagkatapos kong maipakilala sa barkada si Greg ay hindi na napigilan ng dalawa ang mapatili. Jusko naman!

Siguro curious kayo kung sino ba talaga si Greg. Kababata ko siya doon sa probinsya na kinalakihan ko pero huwag kayong maniwala na first love ko yun. Mukha non!? Oo mestiso si Greg at talagang bakat na bakat ang muscles sa v-neck shirt na suot niya ngayon kaya siguro mabibigla rin kayo kung sasabihin kong bading siya.

Hindi kayo nagkamali sa inyong binasa. Ewan ko ba kung anong nakain ng baklang to at hinamon kuno si Lucas. Hindi din naman ganito ang hitsura niya nung last naming magkita which was 4 years ago. Siguro natripan nitong mag gym kasi ang dami din namang 'fafa' dun according to his term.

Akala ko nga noon wala siyang halong kaberdehan kaso nung tumuntong kami ng 3rd year highschool bigla na lang siyang nagconfess.

Flashback

"Shee, pwede ba tayong mag usap? May kailangan kasi akong ipagtapat sayo eh." parang ewan ang mukha ni Greg nang sabihin niya iyon.

"Uhm.. sure. After class magkita na lang tayo dun sa gate para sabay na tayong umuwi." sabi ko na lang sa kanya.

Hindi kami magkaklase pero dahil hindi naman masyadong malayo ang mga bahay namin kaya kami madalas magkakita hanggang sa naging magkaibigan kami.

Masasabi kong siya lang yung naging totoo kong kaibigan kasi yung mga kaklase ko noon ay masyadong harsh sa akin. Ewan ko kung bakit basta ganun yung trato nila.

Pagkatapos ng klase namin ay agad akong lumabas ng room. Nadatnan kong naghihintay doon sa gate si Greg kagaya ng napag usapan namin kanina. Crush ko siya sa totoo lang. Mabait siya at palaging nakangiti kaya pumo-pogi siya sa paningin ko hihihi

"Greg! Naghintay ka ba ng matagal?"

"Ha? Ahh.. hindi naman. Tara?"

"Sige. Ano nga pala yung sasabihin mo?"

"Yun ba? Ahm.. pwede bang wag dito? Pwede sa park malapit kina Mang Tommy?"

"Ok. Sabi mo eh."

Pagkarating namin doon sa park ay umupo kami sa isang bench. Wala naman masyadong tao ngayon kasi hapon na at medyo madilim na rin.

"Ganito kasi yun.. Ahm gusto kong sabihin na.." panimula ni Greg.

"Na wala kang kasama sa prom?" naalala ko malapit na pala yun. dalawang linggo mula ngayon.

"Hindi! Ahh Oo! Hindi. Hindi yun ang ibig kong sabihin. Pero tama ka wala akong kasama sa prom."

"Ano ba talaga ang sasabihin mo?" pati ako gulung-gulo na sa kanya.

"Gusto ko kasing uhm.. " gutom lang ata tong taong to.

"Gusto mong mag ice cream?" baka trip niyang kumain kami nun. May nakita akong mamang sorbetero na dinaanan namin kanina eh.

"Hindi. Hindi yon. Gusto kong aminin sayo na.." parang maiihi na yung mukha niya sa kaba at pawis na pawis na ang kanyang noo.

"Gusto mo nang magladlad at bading ka?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan ko ang mukha niya gamit ang panyo ko.

"Oo. Bading ako. HA??? A-anong."

"OMG!!?? Naku Greg bakit hindi mo naman sinabi agad!??"

Napayakap ako sa kanya. Alam kong hindi naging madali sa kanya ang sabihin to sa akin. Sure akong mahihirapan ang mga taong tanggapin kung sino siya pero kahit anong mangyari ay susuportahan ko siya.

"Salamat kasi sinabi mo sa akin to. Huwag kang mag alala Greg. Tanggap kita at kung kinakailangang bantayan kita araw-araw para walang manakit sayo ay gagawin ko."

"A-ano ka ba Shee. Kahit naman ganito ang katawan ko ay kaya ko pa ring patumbahin ang kahit na sino."

"Uyy... siguro may crush ka sa mga kabarkada mo noh? Aminin.."

"Wala ah. Pero salamat, Shee. Payakap nga ulit."

Sa bawat araw na magkasama kami simula nug araw na yon ay mas naging close pa kami sa isa't isa. Ganun pa rin naman ang pakikitungo niya sa kanyang barkada. Pero dahil nga sa close kami ng isa sa tinitilihan ng mga babae noon ay napapag diskitahan ako na palagi rin namang inaayos ni Greg.

Nabalik lang ako sa realidad nang may biglang tumayo sa harapan ko. Napaangat ang tingin ko sa kanya at bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Greg.

"Shee, pwede ba tayong mag-usap?"

"Ha? O-oo naman. Halika maglakad-lakad tayo. Girls! Alis muna kami sandali ah. At tsaka kayong mga lalake, wag kayo masyadong magpakalasing. Walang magbubuhat sa inyo!" bilin ko sa kanila.

"Sheena. Hindi ka aalis." matigas na pagkakasabi ni Lucas. Sure akong nagseselos lang to pero ayaw ko nang patulan.

"Luc, mag-uusap lang kami."

"Whatever he has to say ay pwede ko rin marinig yon. I'm your boyfriend."

"Matagal din kaming hindi nagkita ni Greg so please Luc, let me be."

"Okay."

Akala ko nun pahihirapan niya pa akong kumbinsihin siya pero ang hindi ko inasahan ang mabilis niyang paglapit sa akin at paghalik sa gilid ng labi ko. Para akong na-estatwa pagkatapos ng ginawa niya.

"Uhm..Ahh s-sige."

Agad akong tumalikod para hindi niya makita ang pamumula ng mukha ko. Ugh. Nakakahiya. Pero hindi pa ata tapos sa kalokohan ang mokong at sumigaw pa ng "Bumalik ka agad ah! Pag ikaw natagalan, sisiguraduhin kong magkakatotoo yung sinabi ni manang!"

Hindi na ako lumingon pa pagkatapos niyang isigaw yon. Basta ko na lang hinila si Greg at naglakad ng mabilis. Mabuti na lang at buhangin itong dinadaanan namin kasi baka kanina pa ako napatid dahil sa diretso lang talaga ang direksyon namin.

"Pwede na siguro dito Greg." sabi ko at agad umupo sa isang puting bench sa ilalim ng puno ng niyog.

"Ang tagal na nating hindi nagkita ah. Wait, may kasama ka ba dito ngayon? Hindi mo man lang ako tinext o tinawagan na pupunta ka rin ng Palawan."

"Actually, kasama ko yung ilang friends ko. Nakita kasi kita kahapon sa palengke pero hindi na ako nakapag-hi kasi nagmamadali kayong umuwi. So sinundan lang kita pero ngayon lang ako nagkatime na puntahan ka."

"Ganun ba? Akala ko kanina kung sino na ang sumusunod sa akin. Kinabahan ako dun!"

"Sorry hehe. Matanong ko lang, totoo bang boyfriend mo yun? Yung Lucas?"

"Bakit? May gusto ka sa kanya?"

"What?????!!!!!"

"Kung maka-what ka naman! Eto lang ako oh! Ang lapit-lapit natin kaya huwag ka ngang makasigaw diyan. Anyway, hindi ko yun totoong boyfriend noh. Alam niya kasi ang sikreto ko kaya napilitan akong maging girlfriend niya."

"So bina-blackmail ka lang niya, ganun!?? Aba hindi tama yan!!"

"Ano ka ba Greg, calm down okay?"

"Bakit ako kakalma? This is a serious issue, Shee. Bakit ka pumapayag sa ginagawa niya? Wait. Don't tell me may gusto ka na sa kanya?"

Meron nga ba?

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon