Chapter 41: Torn

28 2 3
                                    

* * *

Kahit wala akong ganang pumasok sa klase ay pinilit ko pa rin ang sarili ko total naman sa susunod na araw ay holiday na, kasi all soul's day.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakausap ni Lucas. Halos mag-a-apat na araw na at hindi pa rin siya pumapasok. After the incident at grandma's house ay bigla na lang siyang sumakay ng kotse niya at humarurot paalis. I thought mag-uusap pa kami pero hindi rin nangyari.

Kinabahan naman ako na baka maaksidente siya seeing how angry he is kaya kinontak ko kaagad si Nanay to check him for me. Pagkatapos ng ilang oras ay nakatanggap naman ako ng text na nakauwi na si Lucas sa condo niya and that's only when I felt relieved. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya ngayon and balak ko sanang puntahan siya kaso pinayuhan ako ni Nanay na bigyan muna siya ng panahong kumalma. Nalaman ko din kasi na may anger management issue ang boyfriend ko kaya minabuti ko munang dumistansya.

"Girl, ano ba? Kanina pa kita kinakausap dito pero wala ka naman sa sarili." inis na sabi ni Gina sa akin.

"S-sorry. Ano nga pala yung sinabi mo?", nahihiyang tanong ko. They're with me right now at kahit anong gawin kong pagpeke ng mga ngiti ko ay napansin pa rin nilang wala ako sa sarili ngayon. Well, they are really my bestfriends.

"Nag-away na naman ba kayo? Mukha atang sa inyong dalawa ay siya pa itong nag P-PMS ah." sabi naman ni Max. Totoo namang ganoon si Lucas, mabilis uminit ang kanyang ulo and now I know the reason why.

"Ano nga ba talaga ang nangyari doon? Hindi mo siguro pina-score kaya ganun." nagulat naman ako sa tanong ng kadarating lang na si Marco.

"Yung bunganga mo talaga, ano?! Pero, hindi ba talaga?" arang curious din na tanong ni Max.

"A-ano ba kayo? Nandito tayo sa cafeteria for pete's sake.. Ano kasi, nakita niyang hinahalikan ako ni Vince but I swear aksidente lang yung nangyari." depensa ko kaagad.

"Vince? Who is he?"  takang tanong naman ni Gina. I know this sounds unfair to them dahil kaibigan ko sila pero hindi ko ipinagtapat na may kakilala akong Vince. Only Greg knew about my feelings for him in the past.

"Yung puppy love ni Sheena. Naikwento kasi samin ni Lucas ang pagkabadtrip niya sa taong yun." ngayon ko lang nalaman na pinagsasabihan pala ni Luc ang mga lalaking to ng kanyang sama ng loob.

"WHAAAAAAATTTTTTTT????!!!!" malakas na sigaw nina Gina at Max. Of course I knew this would happen pero bago pa ako nakapagsalita ulit ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa aking bulsa. Nakita ko naman sa screen ang 'staff'.

"Hello? Is this Ms. Morales? Maam kasi nanggugulo po dito sa labas ng unit niyo si Mr. Reynolds. Kanina pa po namin siya pinapakiusapan kaso hindi raw po siya titigil hangga't hindi niya po kayo nakakausap. Maam, nakakagulo na po siya sa iba pang katabing unit niyo." What in the world is he doing? Akala ko pa naman ay titigilan na niya ako.

"Okay, pupunta na ako diyan. Salamat." sabay baba ng tawag.

"Guys, I have to go to my condo.. may konting problema kasi. I'll be back soon." baling ko sa barkada. Tumango naman silang lahat pero hindi nakatakas sa aking paningin ang matatalim na tingin ng dalawang babae. Napailing na lamang ako.

Kaagad ko namang narating ang condo ko dahil mabilis kong pinasibad ang aking kotse. Talagang desidido siyang suyuin ako dahil inalam pa niya ang pad ko.

"Sige na, ako na ang bahala dito." sabi ko agad sa staff nang makarating ako sa tapat ng unit at masamang tinignan ang namumulang mukha ni Vince na may bandage pa ang ilong. Tila nagdadalawang isip pa ang katiwala pero sa huli ay umalis rin ito.

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon