* * *
Alam mo yung pinipigilan mong umiyak kaso kapag mga bestfriends mo na ang pumilit sayong magsalita, napapaiyak ka na lang?
Bakit ko nga ba inuubos ang luha ko dun sa Lucas na yon? Gwapo lang naman siya, sweet, caring at tsaka green! Eh bakit para atang kino-compliment mo pa? singit naman ng maliit na boses sa isipan ko.
"Nakuuuu!!!! Kapag nakita ko ang mukha ng manlolokong yun, siguradong kakalmutin ko talaga!" may halong panggigigil na sabi ni Max
"Teka, ba't naman ang harsh ata?" tanong ni Gina.
"Don't tell me kinakampihan mo yung guy over our poor friend here." turo naman sa akin ni Max.
"Hindi naman, ang sa akin lang ay baka-"
Naputol ang pagsasagutan ng dalawa kong kaibigan nang mag ring ang phone ni Max. Kaagad niya itong sinagot at sinenyasan kami na si Lucas ang kausap niya. Ano na naman kayang kasinungalingan ang sinasabi niya sa kaibigan ko?
Sige aaminin ko na, may gusto ako kay Lucas. Pero hindi ko pa rin masabi kung mahal ko na ba talaga siya. Oo maraming beses na niyang pinakita na nag-aalala siya sa akin, nag seselos siya kapag may kumakausap sa akin at napaka clingy niya pero ewan ko ba. Haayyyy konti na lang maluluha na naman ako.
Wala namang patutunguhan kung magde-deny pa ako at tsaka siguro nga mas mabuting nagkahiwalay na kami bago pa ako tuluyang mahulog sa kanya.
Nitong araw ko lang din na-realize ang feelings ko. Hindi naman ako iiyak dahil sa pride lang, dahil ipinagpalit niya ako sa mas magandang babae. Hindi ako ganung klase ng babae. Umiiyak ako kasi nasaktan ako ng sobra. Dahil may nararamdaman ako sa kanya.
Napansin kong lumayo si Max habang nakikipag usap sa ex ko at tsaka bumalik rin ilang minuto.
"Oh anong sabi?" tanong kaagad ni Gina.
"Wala." tipid namang sagot ni Max.
Curious ako kung anong sinabi ni Luc sa kanya. Wala lang daw tapos parang ilang minuto din siyang nawala.
"Alam mo girl I suggest na tigilan mo na ang kakaiyak. Come on tingnan mo naman sarili mo, tiyak na ipagpapalit ka talaga nun kasi mukhang haggard ka na." sabi ni Gina.
"Grabe ka naman. Eh sa nasaktan ako eh! Buti nga kayo dahil faithful sa inyo mga boyfriends niyo eh." napahagulhol na naman ako ng wala sa oras. Nakakainggit din naman kasi ang mga lovelife nila.
Mga isang oras din ata bago ako kumalma. Tumigil na ako sa kakaiyak dahil magang-maga na ang mga mata ko. Bibisita pa naman sana si Mom kaso tinanggihan ko. Hindi ko pa nga naipapakilala yung si Lucas, tapos malalaman pa niyang break na kami.
Umalis din ang dalawang kaibigan ko habang naiwan naman ako sa sala na nakatingin sa kawalan. Ilang beses kong sinusulyapan ang phone ko pero kahit isa ay walang nagtext. Noon halos tadtarin ako ng text at calls ni Lucas kapag hindi ako agad nakapag reply pero ngayon... *sniff* Hayysss eto na naman po tayo, naiiyak na naman ako...
* * *
LUCAS
Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha sa aking bulsa. Tumatawag si Max..
"Hello? Luc nandito na kami, nasaan ka na?"
"VIP."
"Okay. On our way." ibinaba ko na rin ang aking cp pagkatapos ng tawag. Kaagad akong napatayo nang bumukas ang pinto. Great. Kaya pala natagalan kasi kasama pa sina Drew at Marco.
"Dude. Condolence." may halong pagka OA na tapik ni Marco sa balikat ko. Eh kung sapakin ko kaya to! Kita na ngang namomroblema yung tao eh.
"Oh chill ka lang. Parang papatayin mo naman ako diyan sa tingin mo eh."
"Pwede ba sweety, tigilan mo muna yang pang-aasar mo kay Lucas." saway ni Gina sa kanya.
"Sabi ko naman kasi sayo dude, buntisin mo na kaagad. Hayan tuloy namomroblema ka dahil kay pareng Greg."
"Marco De Vera!!! You better shut up or palalabasin namin kayo dito!" Tumatawa din kasi si Drew eh kaya nadamay sa galit ni Gina.
"Okay, okay. Sorry na sweety ko, nagbibiro lang eh."
"So, kamusta na siya?" putol ko sa usapan nila. Ayoko nang gatungan pa ang pagbibiro ng mga lalaking to.
"Ayun, tumigil na rin sa pag iyak kaso duda akong iiyak na naman ulit yon. Bakit kasi may pa ganyan ka pang drama eh. Dinamay mo pa pinsan mo." sagot niya naman.
"Eh si Kyla naman kasi nag suggest nun."
"Now you know na iniyakan ka niya, ano nang plano mo? My advice is i-clarify mo na ang issue na to." sabat naman ni Max sa usapan.
"You think so? Galit na yun sa akin eh."
"Well, kasalanan mo naman eh. Bakit naman kasi ang praning mo. Kung sana tinanong mo na lang siya or i-confront mo edi sana hindi ka na hahantong sa ganito." sagot ng huli.
"I think you're right. I was just blinded by jealousy kaya ko yon nagawa. Nakita ko silang sweet at magkayakap nung sinundan ko sila sa Isabela. Sabi naman kasi ng pinsan ko eh may atraso si Greg sa kanya kaya pinatulan ko na rin ang plano. "
"We'll help you talk with her basta ayusin mo na to." sabi ni Gina.
"Thank you Max, Gina.."
"Hello? Ano kami dito? Anino lang?" Pagpapapansin ni Drew.
"Tumahimik nga kayo mga ugok! Wala nga kayong ginawa diyan kundi kainin ang mga pagkain sa mesa eh!" sigaw ko sa kanila.
"Psh. Tutulungan ka namin dude. Kikidnapin namin si Sheena para sayo. Ika nga, kapag hindi makuha sa maayos na usapan, daanin sa santong paspasan!" proud na sabi ni Marco.
"Ewan ko sa inyo. Basta kapag hindi niyo sinagot tawag ko kapag nagkanda-leche ang lahat, malilintikan din kayo sakin."
---
Pagkatapos naming mag usap sa plano kagabi ay napagpasyahan naming uminom. Actually, kami lang nina Marco at Drew ang naiwan dahil yung mga babae ay umuwi na dahil beauty rest na daw nila.
Kahit kinakabahan ay inaabangan ko ngayon ang paglabas ni Sheena sa klase nila. Buong maghapon akong hindi maka focus sa klase dahil ngayong araw ko na malalaman kung ano bang nararamdaman niya sa akin. Aayusin ko to at hindi ko hahayaang matalo na lang ng Greg na yon.
Nang makita kong lumabas si hon sa room nila ay agad ko siyang hinatak habang naglalakad patungo sa parking area. Nagpupumiglas siya sa hawak ko pero kahit labag sa kalooban kong saktan ang kamay niya ay kailangan ko talagang makausap siya.
"Ano ba! Lucas bitiwan mo ako!"
"No Sheena. We will talk this out." mariin kong sabi.
"Ano pa bang kailangan nating pag-usapan? May bago ka nang girlfriend. Tapos ang usapan."
"Listen to me please. Hindi yon totoo-"
"Bakit? Ako ba pinagbigyan mo ng panahon para ipaliwanag yung nakita mo sa amin ni Greg? At ano pa bang totoo ang sasabihin mo? Si Kyla mismo ang nagsabi sa akin na masaya na kayo."
"Luc!" rinig kong sigaw ni Kyla na nasa likuran lang ni Sheena at kunakaway. Kaagad naman ding napalingon si Sheena at nakita si Kyla na papalapit sa amin. Wrong timing talaga!
"Well, ayan na girlfriend mo so layuan mo na ako."
"Shit!" That was the last straw of my patience at kaagad ko siyang hinatak papalapit sa akin at hinalikan nang madiin. Doon ko ibinuhos lahat ng galit, pag aalala, selos at pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko kayang layuan ang babaeng mahal ko kaya hindi ko rin napigilan ang traydor na luha sa aking mga mata.
Unti-unti akong bumitaw sa pagkakahalik sa kanya. Hindi pa siya makareact dahil siguro sa pagkabigla kaya kinuha kong pagkakataon iyon para ipasok siya sa kotse ko. Kaagad kong pinunasan ang mata ko at lumipat sa driver's seat.
"Pag-uusapan natin to Sheena. Huwag mong sabihin na layuan kita dahil ikamamatay ko yon. Either you listen to me or I'll go to your house para hingin ang kamay mo at magpapakasal tayo."
---
A/N: The 'Vincent' mentioned in the past chap will be part of the new characters. Hindi siya napadaan lang hahaha. Yun lang po!
BINABASA MO ANG
WITCH: IN LOVE
FantasíaIt's the new generation, alright. Pero kahit gaano pa ka moderno ang panahon, nabubuhay pa rin kami. So far, okay pa naman yung pagtira ko sa Manila kaso may nangyaring hindi ko inaasahan.. Urgh! Nakakainis! First kiss ko yon eh! Okay na sana kung h...
