* * *
Akala ko talaga katapusan ko na. I was just going down the stairs nang biglang may bumangga sa akin. I know it was not my fault kasi sino ba naman ang babangga sa akin knowing na ang dami kong dala? Pero hayaan na nga, at least dinala niya ako sa infirmary kasi I scraped my knee. Great. I know.I heard from the nurse na lalaki ang nagdala sa akin dito. They were talking inside the room I am in pero hindi ko masyadong marinig. Hindi agad ako makabangon dahil sa pagkabagsak, yun pala may sugat ang tuhod ko.
"Miss Morales, good thing at gising ka na. Nalinis ko na ang sugat mo and next time be careful. You may go home kung ok na ang pakiramdam mo."
"Uhm.. thank you Nurse Joy."
Tumango lang ang nurse bilang sagot. Bumangon ako nang maalala ko ang mga files na pinapadala sa akin ng isang professor kanina. Dali-dali kong sinuot ang sapatos ko at lumabas.
Sana nga lang hindi ako pagalitan. Agad kong pinuntahan ang faculty room and to my surprise, nandoon ang mga box na dapat ay nadala ko. Siguro dinala na lang nung nakabangga sa akin. Good thing at nakonsensya siya.
5pm na pala. Kailangan ko pang mag grocery. I live in a condo kung hindi niyo naitatanong. My mom is a doctor while my father is a successful businessman.
Dahil sa profession ng parents ko, madalas silang wala sa bahay kaya doon ako lumaki sa lola ko sa probinsya. Ngayon lang ako lumuwas ng Manila na nasa college na ako. 3 years na rin ang lumipas at miss na miss ko na ang lola. Haaaayyy
Tumatawag din naman ang parents ko sa akin pag may time sila. Nagkaka bonding lang kami tuwing anniversaries, birthdays, family reunions at iba pang special ocassions. Yung kuya ko naman ay nasa Canada ngayon at nag mamanage ng ilang business namin.
Our family may seem normal pero may isa kaming secret. We are witches. Technically, hindi lahat sa pamilya namin. Only the women are witches so kami ni Mom lang and my lola.
Nung nadoon ako sa probinsya ay tinuruan ako ni lola ng ilang spells and magics but the thing that our family specialize is healing. Nung una nalungkot ako kasi dun lang talaga ang kaya ko, ang manggamot pero yun talaga eh. Hindi ako kagaya ng iba na may mas malakas na kapangyarihan like moving objects, predicting the future, control of the different elements, etc.
Nung medyo nagkaisip na ako ay naging okay na rin sa akin ang sa kung anong meron. Helping those people in need is not a bad thing after all. Whenever I encounter sick people lalao na yung mga matatanda eh lumalambot ang puso ko.
Balik na nga tayo sa present. Pagkatapos kong umuwi sa condo at nagbihis ay agad kong tinungo ang nearest supermarket gamit ang sasakyan ko. Marami ang namimili kapag ganitong oras kaya binilisan ko na lang ang pagkuha ng mga bibilhin ko. I am planning to cook pochero for dinner. May bago kasing lipat na kapitbahay kaya naisipan ko na ring dalhan mamaya.
"Sheena!!!"
Narinig kong may tumatawag sa akin. At kung hindi ako nagkakamali, ang bestfriends ko lang dito ang may guts na tumili ng ganoon.
"Max? Gina? Hello? This is a public place. Nakakahiya!"
"Sorry naman Sheen. Hindi kasi tayo nagkita kanina da school eh. I got even more worried nung may nagsabi sa akin na nahulog ka sa hagdan." abi ni Max
"I'm okay now." sagot ko na lamang.
"Good to know. Teka, may pupuntahan tayo mamaya ah. Friday ngayon kaya no buts Sheena. The Paradise tayo, 9pm. O sige, mauuna na kami, bye!" nagmamadaling sabi ni Gina.
Knowing her, siguradong umalis agad yon para hindi ako makapag react. Clever.
Bandang 8pm ay tapos na ako kumain at magbihis. Wala pa ata yung kapitbahay ko kaya inilagay ko nalang sa gilid ng pinto yung niluto ko at tsaka may note na rin. Bukas ko na lang siguro kukunin yung lalagyan.
"Girl!" Sinalubong agad ako ng matinis na boses ni Max. Way to get the attention. Nakasuot ako ngayon ng medyo out of the usual kong damit. Madalas kasi formal yung suot ko sa school. Just pants and tees. Ngayon ay isang black dress na hapit sa buong katawan ko na hindi lalagpas sa mid thigh ko. Medyo conservative yung bandang dibdib ko kasi turtle neck na lace siya.
I waved back at them at nagtungo sa table nila. As usual, kasama nila ang kanilang boyfriends. "Hey! You look great!" sabi ni Gina at tinugon ko naman ng matipid na ngiti.
I smiled at the two guys na nasa table rin namin. "Babe, nasaan na ba yung sinasabi mong pinsan mo?" narinig kong sabi ni Max kay Drew. "Malapit na raw yun. On the way na." sagot naman ni Drew.
Umiinom naman ako paminsan-minsan. Pero hindi talaga malakas ang alcohol tolerance ko. Nung una medyo okay pa ako pero siguro dahil na rin sa pangungulit ng dalawang kaibigan ko ay naparami ang inom ko. Enjoy rin naman kasi sila kasama. Hindi ko na rin sila napigilan nang hilahin nila ako papunta sa dance floor. Kahit hilong-hilo ay tumungo kami doon.
"Yeah!!! This is life!" narinig ko pang tawa ni Gina.
"Come on, Sheena. Dance! Malay mo makatagpo mo na si Mr. Forever! Hahaha" pang aasar ni Max.
"Oww? Shut it, Max."
"Ikaw talaga bes. Baka maubusan ka ng gwapo diyan sa style mo."
"Oo nga. Let's test kung kaya mong maakit yung lalaking iyon. Just for fun! Sige na!"
Tinuro ni Max ang isang lalaking nasa bar counter. Binulong pa nila sa akin na kanina pa raw iyon nakatingin sa akin na sumasayaw. Seriously? Ang dami ba nilang mata at napansin pa nila yon?
Well, this is just for fun at ayoko namang masabihan ng kill joy kaya lumapit na rin ako. Mayroon namang mga bouncers na malapit kaya no harm. "Hi!" medyo nahihiya pa rin talaga ako. I'm not really good at this. Tsaka medyo malabo na rin ang paningin ko.
"Uhm.. my friends are over there. Care for a little dance Mr...?"
Hinihintay kong sabihin niya ang pangalan niya nang bigla niya akong niyakap. Aalis sana ako kaso lang mahigpit ang hawak niya sa akin hanggang sa..
"Sheena.." medyo husky ang boses niya. Agad akong napalayo sa kanya dahil sa pagkabigla. Kilala niya ako? Akmang tatalikod ako nang hilahin niya ako pabalik at hinalikan. Hindi pa agad naregister sa utak ko ang mga nangyayari. Hindi ko maintindihan. His lips are so soft yet firm against mine. Napansin kong mas nagiging passionate ang kiss na binibigay niya and I don't know what came to me pero nagrespond din ako sa kanya.
This is crazy! Sigaw ng utak ko. My body won't listen to me. I never knew that kissing can be this good. Agad kaming napabitaw sa isa't isa nang kapusin kami ng hangin. I touched my swollen lips. Namanhid ata. Mas lalo akong nahilo nang niyakap niya ako ulit. Pero bago pa man ako lamunin ng dilim ay narinig ko pa ang sinabi niya..
"I'll take you home"
BINABASA MO ANG
WITCH: IN LOVE
FantasíaIt's the new generation, alright. Pero kahit gaano pa ka moderno ang panahon, nabubuhay pa rin kami. So far, okay pa naman yung pagtira ko sa Manila kaso may nangyaring hindi ko inaasahan.. Urgh! Nakakainis! First kiss ko yon eh! Okay na sana kung h...