Wicked Beauty

57 1 0
                                    

"Babe! Nandito ka lang pala, kanina pa kasi kita hinahanap eh wala ka naman doon sa lab. Buti na lang talaga at sinabi ni Kean na papunta ka raw dito."

That damn Kean Morales!

"Heto na yung lunch mo for today. I brought chicken teriyaki at brown rice. Syempre may veggies for brain food aaaaannd my special lemon juice!! Here kain ka na."

Kahit kailan talaga ang daldal ng babaeng to. I still cursed that day. The day when all this madness started. Kung hindi talaga sa kambal na yun ay hindi ako mamomroblema ng ganito!

1 month ago..

"Dude, please naman pagbigyan mo na ako. Pababasahin mo lang naman si Lea nito eh."

Si Lea ay nakababata kong kapatid na anim na taong gulang pa lang. I came from a family where all women are witches. The reason why Kean is bugging me ay dahil may atraso ito sa kakambal niya. Sean, his twin, liked this girl na hindi niya mapormahan dahil sa katorpehan to think na tatlong taon ang tanda nila sakin. Tapos sasabihin nila saking lolokohin ko si Lea para mapagbigyan sila sa kalokohang to?! At saka saan naman napulot ng lalaking to ang kopya ng orasyon para sa paggawa ng gayuma?

"No. Aalis na ako."

"Sandro naman eh. Sige ka kung ayaw mo, sasabihin ko kina Tita na bakla ka."

"Tsk edi mas mabuti, para hindi na ako kukulitin ni mama na magdala ng babae sa bahay."

I'm on my last year as chemical engineering student tapos nitong mga nakaraang araw ay parang nag-aalala pa yung nanay ko kasi wala pa akong ipinapakilalang girlfriend. Sinong matinong magulang ang mag-iisip ng ganung bagay diba??

"Do you really think Tita would give up that easily? Baka nga dumating ang point na i-set up ka for god knows how many dates. You want that?"

"Ugh. Fine! You are really a scheming asshole!" Ayokong umabot pa sa point na guluhin ni mama ang lahat ng araw ko.

Nagkibit balikat lang ang gago tapos walang pasabing kinuha ang kamay ko at ipinabitbit sa akin ang isang paper bag.

"Nandyan na lahat ng kailangang ingredients at kulang na lang ang orasyon. See? Madali lang diba?"

"Anong madali? Gagamitin natin yung kapatid ko dito, gago! Pag ito magbigay ng kapahamakan  sa kapatid ko papatayin talaga kita."

"This is safe for her dude. Siya lang talaga ang kulang para dito."

After we met that afternoon ay umuwi ako sa bahay at sinamantala ang pagkakataon na wala sina mama sa bahay. I bribed my sister with gummy bears kaya pumayag siya sa favor ko- or ni Kean. Nakakapagbasa na naman ang kapatid ko kaya ang lakas ng loob ng pinsan naming humiling ng ganitong bagay.

The spell was perfectly done kaya alam kong gagana talaga to. Kinabukasan ay pumunta ako sa lab just like my daily routine. Mamayang hapon pa kami magkikita ng pinsan ko kaya inilagay ko muna ang bottled juice drink na hinaluan ko na ng gayumang ipinagawa ni Kean sa desk ko.

Ilang sandali pa ay narinig kong bumukas ang pintuan at iniluwa ang isa kong professor.

"Mr. Villafuerte, your thesis was applauding. Nagustuhan iyon ng Research Society kaya gusto ka nilang makausap saglit tungkol doon. Naghihintay na sila sayo sa office."

Talagang nakakatuwang balita to! I admit I expected this because I worked hard. Hindi naman sa pagmamayabang pero meron akong mataas na IQ kaya nga accelerated ako to the point na magkasing batch na kami ng mga pinsan ko kahit na sobrang advanced ko pa sana kesa sa kanila.

I immediately followed Prof. Guerrero hanggang sa makarating kami sa department head office. There I took my opportunity on giving further explanations about my work. Hindi naman ako nabigo dahil kita ko sa kanilang mga mukha na impressed sila. Tumagal lang ng isang oras ang naging usapan namin kaya nang bumalik ako sa lab ay pakiramdam ko nanigas ako sa aking kinatatayuan.

Isang babae ang ngayo'y nakatalikod sa akin at lumakas ang kabog ng dibdib ko nang maalala kong hindi ko nga pala naligpit ang pinaglagyan ko ng juice!

Shit! Shit! Shit!

"Who are you? Bakit ka nandito?!"

Parang isang magnanakaw na nahuli sa akto ang babaeng kasama ko ngayon at bigla akong nakarinig ng isang malakas na pagbagsak ng isang bagay.

"I-ininom mo ba?"

"Uhm-" Oh shit! I know that look.

Napatunayan ang hinala ko nang makita ko ang plastic na bote sa sahig. Kitang-kita ko rin ang juice na natapon din.

"F- oh damn! Bakit- bakit ka nandito?! Hindi mo dapat yon ininom! This is insane! Arghh!!"

"S-sandro?" Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang dalawang kamay habang paroo't paritong naglalakad.

"Hindi mo dapat ininom yon! It wasn't your drink! It has a love potion!" There's no use hiding it form this woman dahil obviously natamaan na ito sakin. What a great day! Akala ko pa naman sunud-sunod na ang magandang pangyayari sa araw na to tapos pala may kapalit ang lahat? Papaano ko lulusutan to?

"B-babe you don't have to shout. Lilinisin ko naman to eh." Doon ko napansin ang panginginig ng boses niya habang nakaluhod at pinulot yung natapong bote ng plastic. Nagkaroon ako ng pagkakataon para pagmasdan ang babaeng kaharap ko ngayon.

Maganda siya, oo. Mestisa at inosente tignan. Hapit na hapit sa kanya ang kanyang pantalon idagdag mo pang medyo mababa ang neckline ng suot nitong blouse. Nasisilipan ko na siya for godsake!

"Tumayo ka na nga diyan!" Ayokong mag take advantag lalo na't may kapatid rin akong babae.

"Babe, sorry na." nabigla ako nang bigla niya akong niyakap nang mahigpit. The F! This woman's tits are teasing me! Naiipit ang pinagpala niyang hinaharap dahil sa yakap niya sakin.

Lalaki lang din ako kaya kahit medyo nahihirapan sa sitwasyon ay kinailangan kong maglagay ng distansya sa pagitan naming dalawa.

"Umalis ka na dito. Ako na ang magliligpit. The next time na pinakealaman mo pa ang mga gamit ko, you'll end up dead."

"Babe naman, kahit sabihin ko sayong I love you makakaya mo pa ring gawin yon?"

Bahagya akong natigilan sa sinabi niyang iyon. Those three words carry a deep meaning kaya to the nth time ay minura ko sa isipan ang pangyayaring to. I'm partly to be blamed pero may kasalanan rin naman ang babaeng to.

"Who are you by the way?"

"Aww my babe is interested huh? I'm Tori, short for Victoria. Victoria Ruskin is my name, Sandro and i'm all yours."

Iyon na ang naging simula ng pagbuntot ng babaeng to sa buhay ko. Magmula umaga ay tinatadtad niya ako ng texts at sa tanghali ay hinahatiran niya ako ng pagkain. Sa hapon naman ay hindi pa rin ako nilulubayan. Buong schedule ko ay inalam niya kaya nga kung iisipin ay para ko na itong stalker.

"Ano babe? Masarap ba?" Tumango na lamang ako matapos sumubo ng pagkaing dala niya. Kahit naman nakakainis si Tori ay aaminin kong nabubusog ako sa mga dalang pagkain niya. Mahusay siya magluto kagaya ni mama kaya hanggang ngayon ay nakakaya ko pa ring magtimpi sa kanya.

"Pero mas masarap pa ako diyan.." mahinang bulong nito sa akin. Awtomatiko naman akong napalayo sa kanya na ngayon ay katabi ko ng upuan dito sa cafeteria. Napalingon ako sa kanya at kung minamalas ka nga naman ay sobrang sexy na naman ng suot nito. Kaya kagaya ng nakagawian ay mukha niya ang pinagtuunan ko ng pansin habang pinagsasabihan siya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag kang magsususuot ng ganyang mga damit!"

"Why babe? They're comfy."

Why? Why you asked? Because you'll be the death of me, woman. You and your wicked beauty!

***
This is a story i'm planning to write. If you find this interesting please comment down po.

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon