Chapter 13: Fighting!

68 1 0
                                    

* * *

Lucas

Asar! Hang over sucks! Badtrip ako dun sa pangit na Greg kaya imbes na tulungan sina Drew na magligpit ay inaya ko silang uminom kaso ang mga gago ay hinayaan lang akong tumagay! Hindi marunong makiramay ang mga walang hiya! Ugh!

Ano na kayang nangyayari ngayon sa labas? Tiningnan ko ang relo ko at napansin kong hapon na pala. Shit. Agad akong napatakbo sa loob ng cr at naligo.

Dali-dali akong nagbihis at lumabas ng kwarto. At kung minamalas ka nga naman, ilang hakbang ko lang mula sa hotel ay nakita kong masayang naghahabulan ang mahal ko at ang bading kuno niyang kaibigan. Pero nang mas lumapit pa ako ay agad kumulo ang dugo ko.

WHO THE HELL GAVE THAT BASTARD THE RIGHT TO TOUCH MY GIRL??!

* * *

Tapos na kaming mag snorkeling kanina at enjoy na enjoy talaga ako sa pagsisid. The corals were amazing! May mga maliliit na isda at iba-iba pa ang kulay! Para akong bumalik sa pagkabata dahil sa excitement ko.

Buti na lang at ginamitan ko ng konting magic ang kunwari kong paghilot sa ulo ni Gina hahaha. Pumunta kami sa Honda Bay na malapit lang pala dito sa tinutuluyan namin. Hindi na sana kami tutuloy kasi ang magaling na Lucas ay tulog pa rin hanggang ngayon. Mabuti na lang at dumating si Greg para samahan ako. Kahit naman na hindi siya gaanong kilala ng barkada ay in-assure ko silang mapagkakatiwalaan siya.

Pagkatapos namin mag enjoy sa Honda Bay ay umuwi na kami. Hapon na at hindi pa rin nagigising si Lucas. Ang sabi pa nina Marco ay naglasing daw siya kagabi. Ano naman kaya ang pumasok sa utak nun at nagpakalasing?

Heto kami ngayon, nag-eenjoy sa beach. Inaaya ako ni Greg na mag banana boat kami kaso dahil siguro hindi pa bumababa ang adrenaline sa katawan ko ay hinamon ko muna siya ng habulan. Hindi ko mapigilang tumawa habang tumatakbo kasi medyo mamula-mula na ang buong katawan niya. Nag offer ako ng sunblock sa kanya kaso tinanggihan pa rin ako kaya nagmumukha siyang letchon ngayon!

Napalingon ako sa likod at napansin kong malapit na niya akong mahuli hanggang sa naramdaman ko ang malalaki niyang braso na pumulupot sa aking bewang. Akala ko bibitaw na siya kaso kiniliti pa ako ng todo.

"Akala mo hindi ko alam na kanina mo pa ako pinagtatawanan ah. Mangisay ka ngayon sa kakatawa hahaha"sabi niya pa.

"Hahaha tama na! Hahaha suko na ako so please..." sagot ko na natatawa pa rin.

Tumigil din siya sa pangingiliti pero naroon parin ang kamay niya sa bewang ko. Napaharap ako sa kanya at hindi ko inaasahang sobrang lapit na pala namin sa isa't isa. Napaangat ang tingin ko sa mga mata niya. Nasa ganoon kaming posisyon nang biglang humandusay si Greg sa buhangin.

Napakabilis ng pangayayari. Hindi ko namalayan na dumating pala si Lucas at agad sinuntok si Greg. Hindi pa nakakabangon ang kaibigan ko nang daganan siya ni Lucas at pinagsusuntok pa. Nakita ko ang buong mukha ni Lucas na punung-puno ng galit.

"Lucas! Ano ba tigilan mo na yan!" Lalapit sana ako para awatin si Lucas kaso nabaligtad ang pwesto nila ngayon ni Greg. Si Greg naman ngayon ang nagpapakawala ng suntok.

Humingi ako ng tulong kina Drew na agad namang lumapit at pinaghiwalay ang dalawa. Sabog ang mga labi ni Greg at iba pang mga galos sa mukha. Si Lucas naman ay konti lang ang tinamong sugat.

Dadaluhan ko sana si Greg nang bigla akong hilahin ni Lucas at kinaladkad patungo sa hotel.

"Ano ba Lucas! Bitiwan mo nga ako! Bakit mo ba sinuntok si Greg! Wala namang ginawa yung tao sayo!" sigaw ko habang nagpupumiglas sa mahigpit niyang hawak.

Bigla siyang tumigil at hinarap ako. Buntong hininga lang ang kanyang naisagot at laking gulat ko nang hubarin niya ang kanyang t-shirt. Hindi man lang nahiya sa mga tao dito sa beach!Paling-linga ako sa paligid at nakita kong agaw eksena nga ang kasama ko. Yumuko ako para matago ang hiya.

"Look up, hon." Napatingala rin ako dahil sa sinabi niya. Isinuot niya ang kanyang t-shirt sa akin at kaagad niya akong binuhat na parang sako. Gosh! Nakakahiya! Ang dami pa namang tao ngayon dito! Pati staff ata nina Lucas napatigil sa paglalakad.

"LUCAAAAAASSS! IBABA MO AKO NGAYON NA!" pinupukpok ko ang likod niya habang nagsisisigaw.

Walang imik pa rin si Lucas hanggang sa narating namin ang kwartong naka assign sa aming mga babae. Walang anu-ano'y binuksan niya iyon at agad akong ibinagsak sa kama. Inis ko siyang tinignan dahil sa kanyang pambabastos.

"Ano bang problema mo kay Greg at bakit kailangan mo pa siyang gulpihin?"

Para siyang sasabog sa sinabi ko at inis na napahilamos sa mukha gamit ang kanyang mga kamay.
"You know what's the problem? Ang makita kong nakikipagharutan ka sa iba!"

"E-excuse me?!!!"

"Look at you! Naka bikini ka pa at nakikipag kilitian sa lalaking yon kahit alam mo at ng lahat ng tao na may boyfriend ka at AKO yun!"

Para akong natameme sa sinabi niya. Nakalimutan kong naka bikini pala ako. Nakakahiya nga talaga pero wala naman siyang karapatang saktan ang kaibigan ko. Napilitan lang din naman akong suotin to dahil sa pamimilit nina Max at Gina eh.

"Ano? Hindi ka magsasalita?!" dugtong pa niya.

"Pakialam mo ba kung naka bikini ako! Beach naman to eh! Nasa tamang dress code ako." pagdadahilan ko para matakpan ang pagkapahiya.

"Yes! But no one has the right to see and touch your body except me." agad akong namula sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong ire-react sa pagka straightforward niya.

"Bastos! Manyak! Pervert!" sabi ko sa sobrang inis.

"It's my right HON!" sigaw niya.

Again, napatahimik niya ulit ako.

"Whatever, just say sorry to him. Hindi valid reason ang pagseselos mo kay Greg para suntukin mo siya nang ganun."

"Okay. In one condition." Wow. Ang bilis niyang makasagot.

"Fire away." sabi ko sa kanya.

Napangisi siya nang sinabi ko iyon. Uh-oh. I guess something's wrong with his mind.

"You won't take off my shirt for the whole day and you won't stay out of my sight."

Haaayyyy naku po. Akala ko naman kung ano nang katakut-takot na consequence.

"Fine."

Pagkatapos ng sagutan namin ni Lucas ay bumalik kami sa beach kung saan naiwan ang barkada. Kasalukuyang nakadapa ang dalawang babae sa mga reclined benches na nasa gilid lang ng isang cottage habang nasa buhangin naman nakaupo ang mga boyfriends nila. Aba, buhay reyna ang dalawang bes ko ah

Napansin ko namang nasa isang malaking bato naman naka upo si Greg. Cool pa rin ito tignan kahit may ilang pasa sa mukha. Paalalahanan niyo nga akong gamutin yon mamaya.

Kung hindi niyo naman naitatanong ay sobra kung makalingkis ang boyfriend ko kuno sa akin. Sinenyasan ko siya sa pwesto ni Greg nang makahingi siya ng tawad dito.

"I thought you don't like my kiss hon. But if you insist, I'll be willing to give you a hot, torrid one." may smirk pang kasama yun. Ang bastos talaga.

"What the F are you talking about? Ang sinasabi ko sayo, lapitan mo na si Greg. Ngayon na." Akala ko gets na niya ang signal ko. I mean, hello? Ang bobo pala niya. Ituturo ko sana kung nasaan si Greg kaso ang higpit ng akbay niya sa balikat ko. Ang bigat pa ng kamay. Ugh!

"Okay okay. You stay here, lady."

I rolled my eyes at him. Praning na din ata to.

* * *
Next update: Nov. 16

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon