* * *
Hindi ko alam pero parang nanigas ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko para sundan siya. Teka, bakit ko naman siya susundan? Obvious ba? May sakit yung tao at hindi pa siya masyadong magaling. Singit naman ng konsensya ko.
Siguro mas mabuting pinabayaan ko siyang lumabas kasi baka umasa siyang hindi ako aalis. Sure naman akong hindi niya kayang magtampo ng matagal. Papansinin pa din ako nun pagbalik ko. Teka, para namang big deal kung pansinin niya ako o hindi.
Para na akong baliw dito sa pakikipagtalo sa isipan ko ah. Napansin ko namang nakatingin pala si Greg sa akin nang ibaling ko ang tingin ko sa kanya.
"Uhm.. Ano.. tayo na?" medyo-awkward na tanong ko.
"Sige Shee. Akina yung mga gamit mo." binitbit naman ni Greg yung isang malaking bag ko.
Hindi na masyadong traffic nung papunta na kami sa airport. Napagkasunduan naming mag travel by plane dahil aabutin ng 5 oras kung magda-drive pa kami at siguradong nakakapagod talaga yun.
Buong byahe namin ay kinakausap ako ni Greg at siya narin ang nag -open ng topic pero yung isipan ko hindi pa rin maka get over dun sa pag alis ni Lucas eh.
"Shee, nandito na tayo. Come on."
Hindi ko namalayang nakarating na pala kami. Agad naman kaming bumaba mula sa eroplano at pumunta sa waiting area. Nasabi na rin pala sa akin ni Greg na sasalubong yung dalawa niyang pamangkin at ang ate niya habang yung asawa ni Ate Martha na si Kuya Jeric ay naiwan sa bahay at naghahanda ng hapunan. Medyo late na nga kami nakarating sa Isabela. Ang lamig talaga dito kumpara sa city. Malapit na rin kasi ang December kaya mas lumamig ngayon.
Kumakaway ang dalawang bata nang papalapit na kami.
"Uncle Greg!" sigaw ni Cyra, 5 years old na at panganay sa magkakapatid.
"Uy kamusta ang mga babies ko?" masiglang tanong ni Greg sa kanila.
"Ok po. Come on let's hurry! Dad cooked spaghetti!" dagdag naman ni Yuri, 4 years old na rin.
"Buti naman at nakadalaw ka dito. Ang layo pa naman dito sa Manila." bati naman sa akin ni Ate Martha.
"Ano ba kayo, ate. Okay lang po."
"Halina kayo Shee." singit ni Greg sa aming usapan.
"Uncle, is she your girlfriend?" narinig kong tanong ni Cyra.
"Ikaw bata ka, kanino mo naman nakuha ang ideyang yan? Ate.." Ang cute naman nilang tignan. Tila nahihiya si Greg sa sinabi ng pamangkin niya.
"What? I just answered the child, Greg. Nakita niya kasi sa kwarto mo ang pic-- okay, okay. Tatahimik na." tumigil rin ang ate niya sa kalagitnaan ng pag explain niya. I wonder why?
"Nandito na tayo." sabi ni Ate nang huminto kami sa isang bahay na parang kinalakihan ko rin noon. Matagal na ang bahay nina Greg pero napaka homey pa rin tignan. Kahit na dalawa lamang sila Greg noon ay malinis iyon at puno ng mga pictures na nakasabit sa pader.
"Don't run kids!" narinig kong saway ni Greg nang biglang tumakbo ang mga bata sa kusina.
"Feel at home Sheen."
"Okay po. Uhm.. nasaan po si Tito June?" tanong ko ky ate na ngayon ay katabi kong nakatayo sa may front porch.
"Baka nasa sala rin."
Hindi nga ito nagkamali ng sinabi. Nasa sala si Tito at naka-wheelchair. Katabi niya ang isang babae na sa tingin ko ay personal nurse niya. Sobra akong nahabag sa nakita ko. Malaki talaga ang ipinagbago ni Tito sa loob ng ilang taon. Payat na ito, kulubot na ang balat, may rashes din akong napansin sa kanyang mga pisngi. Ang noong magandang buhok ni Tito ay unti-unti nang nalalagas at ang pinaka ikinabigla ko ay ang mga kuko niyang halos puti at nagiging bluish na rin. Oh god! Talaga ngang malubha na ang sakit ni Tito.
"Kumain muna tayo Shee. Alam kong gutom ka na rin." untag sa akin ni Greg. Mabigat ang pakiramdam ko simula nang makita ko si Tito na ganoon ang kalagayan. Pero naging masigla naman ang hapunan dahil na rin sa mga bata.
Nagkaroon lang kami ng kaunting kamustahan ni Ate at ng kanyang pamilya. Pagkatapos noon ay umuwi rin sila at bumiyahe. Hindi pa rin alam ni ate ang sikreto ko. Ang ipinaalam lang sa kanya ni Greg ay bibisita lang ako at magbabakasyon ng ilang araw dito.
"Kamusta naman ang buhay mo roon, Shee?" tanong ni Greg nung nasa sala na kami. Binigyan niya naman ako ng isang baso ng gatas. Ganito talaga kapag bumibisita ako noon. Imbes na juice ay gatas ang ibinibigay nilang dalawa ni tito.
"Okay naman. Sorry talaga kung hindi ako nakabisita agad dito. Kung mas maaga ko pang nalaman ito ay tiyak na noon ko pa kayo natulungan.'
"Ano ka ba Shee, wala kang kasalanan. Alam ko namang kahit ayaw magpagamot ni Dad ay deep inside gusto pa rin niyang gumaling kaso unti-unti siyang nawawalan ng pag-asa."
"Ano ba talaga ang nangyari?"
"Sabi ng mga doktor mayroong systemic lupus erythematosus si Dad. Wala raw itong lunas pero may mga medications para maibsan ang mga symptoms. Alam kong walang chance kung pagbabasehan sa reality pero kahit itong maliit na hope sa tulong mo ay kakapitan ko pa rin."
"Gusto ko siyang masuri agad Greg."
"Okay lang ba yun sayo? Alam kong pagod ka rin sa byahe kaya-"
"No, i'm okay. Talagang bothered ako si condition niya. Something is not right, Greg."
"Fine. Halika sa taas."
Nasa itaas ang kwarto ni Tito at malamang na ipinasok na ito ng nurse sa kwarto niya kanina pa. Pagkabukas ng kwarto ay bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Naka-on ang lahat ng ilaw at kitang-kita ko ang maitim na usok na lumalabas mula sa katawan niya. Hindi ito normal para sa isang may sakit lang. May taong gumawa nito sa kanya!
Agad akong lumapit kay Tito na ngayon ay nakahiga at nakapikit ang mga mata. Itinaas ko ang manggas ng suot niyang damit at doon tumambad sa akin ang kanang braso niyang may maliliit na marka.
Napabitaw rin ako kaagad sa nakita ko at dahil sa hindi malamang dahilan ay napaiyak ako.
"Sh-shee, tahan na. Shhh..." Lumabas kami ng kwarto habang nakaalalay sa akin si Greg.
"N-no. B-bakit si Tito pa?"
"Tell me what's going on please. Shee..."
"Greg... Hindi ito normal na sakit lang. May gumawa nito sa kanya at kung hindi siya malapatan ng lunas sa loob ng limang araw ay tuluyan na siyang mawawala..
"No! Hindi pwede mangayari yon. Sino naman ang gagawa ng ganoon kay Dad? Nagtatrabaho lang naman siya sa factory at kaibigan niya ang mga nagtatrabaho sa amin! Sabihin mo Shee, anong pwede nating gawin?"
"Kailangan nating malaman kung sino ang gumawa nito at ang ginamit niyang spell para kay Tito. Tsaka ko lang rin malalaman kung anong pwede kong gawing gamot at spell para sa kanya. Hindi ako dapat pwedeng magkamali dahil halos lahat ng organs niya sa katawan ay hinang-hina na talaga."
"Kailangan kong bumalik doon sa kwarto at alamin kung sino ang may pakana ng lahat ng to." Nalalaman ko kung sino ang nangkulam sa isang tao kung hahawakan ko ang nasa parteng dibdib nito pero kadalasan ay nararamdaman ko ang panghihina pagkatapos. Kailang ko pa kasing halukayin ang kailaliman ng kanyang puso at iyon ay hindi basta-basta na lang ipinapawalang bahala.
"Maybe tomorrow. Ayokong ikaw naman ang malagay sa kapahamakan ng dahil sa pagtulong mo. Kailangan mo ring manatiling malakas Shee."
May punto doon si Greg. Nakakatulong kami sa iba pero hindi namin kayang pagalingin ang sarili namin. Oo hindi kami nakakaramdam ng simpleng sakit lang pero kapag may nakabangga man kaming kapwa mangkukulam ay doon kami talagang napupuruhan.
"Pumasok ka na sa kwarto Shee. Iimbestigahan ko kung sino ang pwedeng gumawa nito kay Dad bukas na bukas din."
"Sasama ako. Sige Greg, good night." Akmang bubuksan ko ang pinto nang naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Greg sa aking likuran.
"Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka. Salamat..." mahinang sabi niya. Hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon ay parang ibang tao ang yumakap sa akin at nagsalita noon..
si Lucas.
BINABASA MO ANG
WITCH: IN LOVE
FantasyIt's the new generation, alright. Pero kahit gaano pa ka moderno ang panahon, nabubuhay pa rin kami. So far, okay pa naman yung pagtira ko sa Manila kaso may nangyaring hindi ko inaasahan.. Urgh! Nakakainis! First kiss ko yon eh! Okay na sana kung h...
