Chapter 50: Cunning Lucas

132 3 0
                                        

* * *
"Walang hiya ka talaga Lucas! Bakit mo nagawa sakin to?!! Niloko mo ko hayop ka!" hindi ko na talaga mapigilan ang sarili sa galit kaya pinaghahampas ko siya ng kahit anong bagay na makita ko. Fortunately ay nasa sala kami kaya ang nahahampas ko lang sa kanya ay ilang unan.

"Hon p-please huminahon ka muna, pag-usapan natin to okay?" nagmamakaawang sabi niya.

"Hindi ko naman talaga to sinasadya.." doon muling sumiklab ang galit ko. Is he really serious?! Sinungaling talaga ang gago!

"Ako ba pinagloloko mo? Kung hindi mo sinadya, ano to?"

"Pwede ba ang ingay niyong dalawa! Can't you see i'm trying to put Sean to sleep? Kakatapos ko pa lang mapatulog si Kean sa kwarto pero baka magising na naman dahil sa bangayan niyo!" Nakita kong lumabas si Kuya mula sa isang kwarto. Nandito kasi kami sa bahay nila.

"Hindi mo kasi naiintindihan kuya! Lucas fooled me!"

"Bro, ako na ang bahala dito. Come on let's go to my pad. Doon mo ilabas lahat ng galit mo." anyaya pa ng hudas sakin.

"N-no. Never na akong pupunta dun! The last time I went there, puro kasinungalingan lang ang sinabi mo sakin."

"Eh hindi na nga ako makakapagsinungaling kasi natupad na yung plano k-"

"What?! You planned this?! Aba't manloloko ka talaga! Sinungaling ka!"

"Kayo ba aalis o hinding-hindi na kayo makakatapak sa bahay ko?! Ikaw bunso makinig ka nga muna sa boyfriend mo! Nakakarindi na yang kakasigaw mo." singit ulit ni Kuya Basty.

"P-pinagtutulungan niyo ata ako eh. Kuya, b-binuntis niya ako! This bastard got me pregnant!"

"Ano namang problema dun? Mas pabor pa nga ako sa ginawa ni Lucas kasi pati mga anak ko tinatawag na rin siyang papa. Ayokong may kaagaw sa kambal at lalong lalo na ayokong palaging napapatambay siya dito sa bahay. Pag-usapan niyo nga yang away niyo sa ibang lugar! Nakakabulabog kayo ng mga natutulog eh."

Kuya raised his two sons independently. Kyla left without giving us reasons one week after giving birth to the twins. Pero sa mismong 3rd birthday ng mga pamangkin ko ay bumalik ulit si Kyla na tinanggap din naman ni kuya. Siguro naisip niyang mas kailangan ng kambal ang isang ina dahil alam kong nahihirapan din siyang mag-isa.

"Hon, halika na. Uwi na tayo. At saka huwag ka na umiyak baka mapano si baby."

"Shut up. Niloko mo ako, Lucas! You said you're safe that night!"

"Eh gusto ko na kasing magka-baby kasi naiinggit nako kina Marco at para na rin makapag pakasal na tayo. I waited for five years already at alam kong ready na tayo."

"Is this how you propose?"

"Yes and you have no choice but to marry me."

"Aba't-"

I can't believe this guy tricked me. He made me believe na hindi ako mabubuntis but that one night gave me this blessing. After three years ay pumayag akong ibigay sa kanya ang sarili ko sa mismong anniversarry namin but never did I expect na gagawin niya to.

"Tapos na ang usapang to okay? I can't let that Vincent have his ways to get you just because we're not yet married. Makakasiguro lang ako kapag kasal na tayo and hon.. I badly want this baby. Please pagbigyan mo naman ako."

Hindi na ako nakapagsalita at yumuko na lang. Naramdaman kong niyakap niya ako at hinalikan ang aking noo.

"Let's have dinner later. I'll announce the news to everybody."

Matapos ang nangyari noon sa birthday ni Lucas ay siyempre inulan kami ng tukso ng mga kabarkada niya habang ipinapakilala ako. Hindi naman pala totoo ang inisip ko tungkol sa mga magulang ni Lucas. Actually, iniisip lang naman ng Mom ni Lucas na baka masaktan ako ulit kaya tutol siya sa pagkakabalikan namin pero nang makita niyang halos lumuhod na ang anak niya ay napatunayan niyang seryoso ito at kinausap kami pagkatapos.

Kuya and Kyla didn't attend the party. Binawalan ni kuya na lumabas ang babae lalo na't buntis ito. Nalaman ko ding malapit na magkaibigan lang pala sila Lucas at Sofia, ang babaeng dumating bigla sa party.

The next day after, nabigla ako nang tawagan ako ni Mom dahil pumunta raw ng bahay si Lucas kaya nagmadali naman akong nagbihis at kaagad na bumiyahe papunta sa bahay.

From there, I saw the man down on his knees and begging for my parents to trust him again. Nakita ko kung gaano naging seryoso at determinado si Lucas kaya ako lubos na napahanga niya. Isang taon ding nanliligaw si Lucas sa mga magulang ko hanggang sa nagulat na lang ako isang araw na 'balae' na ang naging tawag nina Dad sa mga parents ni Lucas.

Ngayon ay napagpasyahan naming bumiyahe patungo sa isang family restaurant. Lucas called over our families and friends. Pagsapit ng alas siete ay kompleto na ang lahat kaya hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Lucas at tumayo.

"Dad, Papa, your grandson is on the way!" proud na sabi ni Lucas. So kinasabwat pala niya ang dalawang matandang to!?

Inulan naman kami ng maraming pagbati pagkatapos ng anunsyo namin.

"Lucas, siguraduhin mong kambal yan para isang anakan lang."

"Kuya naman! Edi mas mahihirapan ako nun. Anong akala mo sakin? Palahiang baboy?"

"Eh kinaya nga ni Kyla, tignan mo may kasunod na ulit sina Kean at Sean." Grabe naman tong si Kuya Basty, anong akala niya madali lang manganak? Hanggang ngayon hindi ko pa alam kung ano nang estado nila Kyla ngayon. Kakabirthday pa lang ng kambal limang buwan pa lang ang nakakalipas tapos nung nakaraang linggo lang ay sinabi ni Kuya na magkakaanak na ulit siya. Ano yun? Instant baby kaagad?

Palagay ko hindi man sinasabi ni Kuya ay may gusto rin siya kay Kyla. Malamang ay tinatali lang niya ang babae sa kanya. Haaayy mga lalaki talaga. Ganun din kasi ang ginawa sakin ng boyfriend ko, kaya posibleng galing ang ideyang to sa kuya ko.

Nakita kong napayuko naman si Kyla at hindi na umimik pa.

Sina Max at Gina naman ay happily married na sa kanilang mga asawa na sina Drew at Marco. Sina Marco pa lang ang may baby Maggie habang sina Drew ay pinagtutuunan pa muna ang mga career nila. Greg's still searching for Lara habang nilulunod ang sarili sa trabaho. Naaawa na nga ako sa kaibigan kong yun pero wala din naman akong maitulong.

"I'm so happy hon. Kahit nagkahiwalay man tayo, sa akin at sakin parin ang bagsak mo. and just like how I met you ako ang nakasalo sayo. " bulong ng katabi ko.

"What are you talking about?"

"Do you remember falling ffom the stairs?"

"I don't- wait, ikaw yung walang hiyang bumangga sakin?! "

"Anong walang hiya?! Eh ako na nga itong nagmagandang loob na dalhin ka sa clinic." pagpapaliwanag niya pa.

"Ah,  so dapat pala kitang pasalamatan ganon?  Eh talaga namang obligasyon mong ipagamot ako kasi ikaw nga ang nakabangga." Ang yabang talaga ng lalaking to.

"H-hon I think that's not what happened.  Hindi mo kasi tinitignan ang dinadaanan mo kaya kita nabangga nun."

"Siraulo ka ba? Paano ako titingin sa dinadaanan ko eh ang dami kong dala!" nakakainis na talaga ang taong to,  promise! Idagdag mo pang sobrang sensitive ko ngayon.

"Teka nga, ba't kasalanan ko pa ngayon? saka napapansin ko kanina mo pa ako minumura ah! "

"S-sinisigawan mo ba ako? *sniff* Ayoko na.  Hindi na ako magpapakasal sayo! Leche ka!" I just can't help but shed a tear. This crazy hormones are annoying just as this man.

"H-hon naman.. Hindi kita sinigawan,  pinagsasabihan lang naman kita."

"Hindi!  Walang kasalang magaganap!" tutol ko ulit.


"Anak ng-"

To my surprise, he took me by the waist and kissed me deeply.  I guess that shut me up.

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon