Chapter 22: Happy?

54 2 2
                                    

* * *

LUCAS

Habang nasa byahe ay hindi umiimik si Sheena. Malapit na rin magdilim so I decided for us to have an early dinner. Kailangan naming mag usap pero hindi ko pa alam kung paano uumpisahan kaya mas mabuti sigurong pumunta kami sa ibang environment para kumalma muna kaming dalawa.

We stopped at a restaurant na pagmamay-ari namin. Hindi ito masyadong classy type kaya sure akong hindi siya maiilang seeing how we're dressed in tees and jeans. Pero kahit naman ano ang suot niya ay maganda pa rin siya sa paningin ko. Nandoon pa rin ang glassess niya at iyon ang nakapagpaganda lalo sa kanya.

Nang ma-ipark ko ang sasakyan ay kaagad din naman siyang bumaba. When we neared the entrance I saw admiration flashed in her eyes and it made me proud. Hilig niya ang pagluluto kaya if magde-date kami ulit ay aayain ko siyang magtambay sa kitchen dito knowing how she really love to cook.

Agad naman kaming inasikaso ng maitre d'. Nang dumating ang menu ay ako na ang nag-order para sa kanya at pinili ko ang mga best dishes namin.

Habang hinihintay ang pagkain namin ay kaagad akong nagsalita. "Sheena.. I-i'm sorry for hurting you it's just that sobrang nagselos ako with that bastard at-

"Don't you dare call him that!"

"Okay, okay. Hindi mo rin naman ako masisisi if I felt uneasy whenever he's around you. Anong laban ko sa kanya eh buong buhay mo ata magkasama kayo. We only knew each other for months pero I swear mahal kita."

"I d-don't know what to say."

Magsasalita pa sana ako but our food came. Napatingin ako sa kaharap ko at nakita kong takam na takam siya kaya wala rin akong magawa kundi kumain na lang din. "Let's eat first. Enjoy the meal."

Napansin kong bahagya siyang napapikit nang matikman niya ang soup na nakahain sa aming harapan kaya naglakas loob na rin akong magtanong. "Do you like it? Isa rin sa mga bestseller namin yan dito. My Uncle Fred is the head chef here at sa kanya ang recipeng yan."

"So this restaurant is yours?"

"Not mine but our family's." Napatango na lamang siya bilang pagtugon.

Sunod niyang tinikman ang isang dish na sa pagkakaalam ko ay may halong mexican spices. "Hmm.. this tastes so good!" Mababaliw yata ako dahil sa dami ng compliment ng hon ko. Shit.

Magana siyang kumain kaya nag enjoy rin ako sa pagtingin sa kanya. Ilang sandali pa ay natapos na kaming kumain. "Do you like all the foods?"

"Yes. I admit sobrang sarap ng pagkain dito. It makes me want to see the kitchen kung paano nila hinahanda at niluluto ang lahat. At saka gusto ko rin- ahm.. ah- sorry." Na-realize niya sigurong nadadala siya sa usapan kaya parang batang excited siya kung magsalita ngayon.

"No it's okay. I could introduce you to my uncle. Maybe this is a good start para makilala mo ang family ko." paninigurado ko.

"Are you out of your mind? Bakit mo naman ako ipapakilala? Bakit hindi ang Kyla na yon?!" Bakas sa mukha niya ang galit. Oh shit..

"Believe me hon, there's no need for me to introduce her kasi kilala siya ng buong angkan ko."

"Y-you jerk!" Nabigla ako nang bigla siyang tumayo at nagmamadaling maglakad palabas ng restaurant. Kaagad ko din naman siyang sinundan sa labas at iniharap sa akin.

"Hey! What did I do now?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Anong balak mong i-label sa akin? Have you forgotten na break na tayo?!" Para na ata kaming mag-asawang may LQ sa sigawan namin. Napangisi naman ako sa bagay na iyon.

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon