* * *
I'm honestly torn between going or not. I mean, we should live out lives as they were before kahit na mayroong mitsa sa naging relationship namin ni Lucas. I'm also prefectly aware that no relationship is perfect but going to his house at this time is really weird. Kung kailan break na kami saka pa lang niya naisip na papuntahin ako sa bahay nila. Ano yun? Kung sinong babae niya lang ako? I am not mad, sa tuwing naiisip ko kasi yung paraan ng pag-invite niya, GOSH! Ano yun? Parang mag-barkada lang kami? Quits na yun ng ganon na lang? Nakaka-frustrate talaga na nakakainis! Bakit pa kasi ako nakakaramdam nito?!Bigla akong nakarinig ng doorbell habang nag-iisip. Sino kaya to?
"It's dinner time baby, where should we go this time? Chinese or Italian? Hmm?" Uh-oh. It totally slipped my mind. Kasabay ko nga pala si Vincent tuwing agahan at hapunan. Paano ko ba sasabihin to?
"Uh.. Vince, ano kasi- ahm Lucas invited me over diner."
I know this would hit him like a bomb. Halatang-halata sa hitsura nito ang gulat dahil sa sinabi ko. Matagal pa bago siya nakapagsalita ulit.
"Did you two made up already?" seryoso na may bahid ng pagka disgusto niyang tanong.
"N-no. It's his birthday today kasi."
"You're not going." Diretsong saad nito.
"Vince-"
"Let's say you'll go, pero pag ginawa mo yon isusumbong kita sa mga magulang mo."
"I got your point pero sasamahan mo naman ako diba? What's the point of having you? At saka I don't want to sound like a l-loser. Baka sabihin pa niya hindi pa ako nakaka move on sa kanya."
Selfish, yes. Alam kong masasaktan ko si Vincent sa mga sinasabi ko ngayon. Parang pinapaasa ko lang kasi siya.Kung kanina nagdadalawang isip pa ako sa pagpunta ay ngayon parang gusto ko naman pumunta.
"Okay. Let's get ready." Nang sinabi niya iyon ay pumunta siya sa kanyang kwarto. Kung iisipin ay mukha kaming naglilive-in dahil may sarili siyang kwarto sa pad ko at take note, may mga damit pa siya sa kanyang closet. Sabi niya noon sa akin ay for emergency purposes lang naman daw. Kapag nagkasakit daw ako or kapag kailangan ng makakasama ay pwedeng pwede siyang mag stay over. I was totally opposed with the idea but my parents, especially my father was in favor kaya wala na rin akong nagawa.
Mga kalahating oras lang ay natapos kami sa pag-aayos at ngayo'y nasa byahe na. Gina texted me the address, siguro inimbitahan din niya ang barkada ko.
Nabigla ako nang hawakan ni Vince ang kamay na nakapatong sa hita ko habang ang isang kamay niya ay nasa manibela.
"We can go home whenever you want to or wag na lang kaya tayo tumuloy? I feel like a goddamn old man dahil yung ex mo 21 pa lang pala."
"Edi pedo kana pala sa lagay mong to? You courted a woman younger than you."
"Fuck. Let's not talk about this age thing again okay? Ugh!"
Bahagya akong napatawa sa reaksyon niya. He looked so manly na may pagka childish sa inakto niya. So concern pa la siya sa image niya huh?
Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa bahay nila Lucas. It was just like our's in size. Puti lahat ang pintura at may indoor pool sa gilid. The lawn looked maintained kahit na wala ang mga magulang nila dito. Pinagbuksan kami ng isang maid at iginiya sa dining room kung nasaan ang ilang bisita. I guess hindi naman pala masyadong marami ang bisita.
Una kong nakita ang barkada na nasa isang table at nag-uusap. Unang nakapansin sa pagdating ko si Max kaya ito kumaway papunta sa direksyon ko. Napatingin naman ang lahat na nandoon.

BINABASA MO ANG
WITCH: IN LOVE
FantasyIt's the new generation, alright. Pero kahit gaano pa ka moderno ang panahon, nabubuhay pa rin kami. So far, okay pa naman yung pagtira ko sa Manila kaso may nangyaring hindi ko inaasahan.. Urgh! Nakakainis! First kiss ko yon eh! Okay na sana kung h...