* * *
LUCAS
"I thought I already told you to stay away from her! Bakit ba hindi mo maintindihan na ako na ang mahal niya!" agad kong sinalubong ng suntok ang mukha ng lalaking lumabas ng kwarto.
Malamig na tingin lamang ang ibinaling niya sa akin at tumawa ng pagak. "Sinabi ba talaga niyang mahal ka niya?"
Para naman akong biglang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.
"Oh bakit hindi ka makapagsalita? Hahaha don't flatter yourself too much, Villafuerte. Between you and I, mas matagal kong nakasama si Sheena. Actually, ayoko sanang sabihin to since you're her boyfriend but.." bahagya siyang lumapit at mahinang bumulong "sorry to break your heart but..she once said she loves me and even offered herself to me."
Kaagad kong hinila ulit ang kanyang kwelyo at idiniin siya sa pader. Nararamdaman kong nanginginig ang buo kong katawan sa galit at tensyon ngayon. I could kill this man this instant!
"Fuck you asshole! Bawiin mo ang sinabi mong gago ka!"
I already lost my cool at pinagsawa ang kamao ko sa kanyang mukha.
"Stay away from her or I'll kill you!" sabi ko habang binubugbog si Vincent. Nakita kami ng isang nurse na dadaan sana at tinawag ang iba pa niyang kasamahan para awatin kami.
"Really?! Well, bago mo pa ako mapatay ay sisiguraduhin kong naagaw ko na siya sayo." Sabi niya at kumawala sa pagkakahawak ng mga nurse sa kanya at naglakad papalayo.
I am totally pissed to hell! Napakayabang ng lalaking yon! Ha! Hinding-hindi niya makukuha si Sheena sa akin. Magkamatayan muna kami bago niya maagaw ang mahal ko.
I admit nakaramdam ako ng kirot sa sinabi niya but I won't waver. Kung hindi ako mahal ni Sheena ngayon ay hindi problema, I'll just love her more to compensate for it.
Baliw na kung baliw pero mas masisiraan ako ng ulo kapag nawala siya.
"Lucas! Anong nangyari?" Nakita kong dumating sina Greg kasama si Lara. Silang dalawa nag unang nakapansin sa pagiging balisa ko pagkatapos kong makatanggap ng tawag mula sa Vincent na yon.
"Hindi ko alam." Dapat siguro dinala ko na agad siya sa hospital kanina nung namumutla siya. Hindi na sana siya nahawakan ng lalajing yon. It took a huge blow on my pride na hindi ako ang nagdala sa girlfriend ko rito. Ako ang kasa-kasama niya kanina sa date namin pero ibang lalaki pa ang gumawa ng responsibilidad ko.
"Anong hindi mo alam? Hindi ko hinayaang mapunta si Shee sayo para pabayaan mo lang!" hinila ni Greg ang kwelyo ko at aambahan na sana ako ng suntok nang magsalita ako.
"Will you shut up?!!! Bakit hindi mo na lang unahin yang girlfriend mo kesa pakialaman ang buhay ng ibang tao?! I'm already getting mad at myself dahil hindi ko na alam ang gagawin at sa lalaking yon kaya pwede ba huwag ka nang dumagdag?!"
"Baka pwedeng huminahon ka muna kuya Lucas. Pag-usapan natin to ng maayos.. I h-have something to tell y-you too." singit ni Lara sa aming dalawa. Inaya niya kaming dalawa na umupo sa labas lamang ng kwarto kung saan nagpapahinga si Sheena.
"I have a hunch that my sister is behind all this mess." panimula niya.
"Your sister?" takang tanong ko naman.
"Yes. I think you've met her already, she's Erika. Erika Cueva."
"She is totally obsessed with ruining you two. I don't know why she suddenly wanted me to transfer at your school.. but now I think I know the reason." sabi niya na parang ngayon lang din napagtagpi-tagpi ang lahat.
"Isn't it obvious? Baka pinaasa mo lang yung babae kaya ka niya pinaghihigantihan pati ang walang kamalay-malay na si Sheena, nadamay dahil sa pambababae mo!" singit ulit ni Greg.
BINABASA MO ANG
WITCH: IN LOVE
FantasyIt's the new generation, alright. Pero kahit gaano pa ka moderno ang panahon, nabubuhay pa rin kami. So far, okay pa naman yung pagtira ko sa Manila kaso may nangyaring hindi ko inaasahan.. Urgh! Nakakainis! First kiss ko yon eh! Okay na sana kung h...
