* * *
"Hey! Are you listening?!!" tanong ni Greg kaya ako biglang napatigil sa malalim na pag-iisip.
"What were you saying?"
"Huwag ka na nga lang bumisita kung wala naman dito ang isip mo. Hindi mo lang nakasama si Reynolds ngayon, siya pa rin iniisip mo."
"N-no. It's not like that, Greg."
"Eh ano ba kasi ang gumugulo diyan sa isip mo?"
"It's about L-Lucas."
"What about him?"
"He's courting me."
"Ano?! Alam pala ng gagong yun kung paano manligaw?! Sure ka?"
"H-hindi. Actually wild guess ko lang naman to.. Simula last week kasi nakakatanggap ako ng mga bouquets with cards na may nakasulat na 'Lucena_1013' at take note, may special lunch pa ako sa cafeteria. Ewan ko ba, basta! I have this feeling that it's really from him."
"Fuck! 'Lucena_1013'?? Ano na namang tinira ng tarantadong yun at nagpaka-jeje? Shit! Hahahaha"
"Hoy Greg kung maka-mura ka naman! Oo na ang baduy pakinggan kaya nga hindi ako sure diba?"
"Baka naman deep inside umaasa ka pa na magpapakita siya sayo at aagawin ka kay Reynolds?" pang-aasar pa ng kaibigan ko.
"H-hoy! Wala akong sinabing ganyan ah!"
Pilit ko na kasing tinatanggap na baka hindi na talaga kami magkakaayos ni Lucas. Komportable na rin kasi ako kay Vincent ngayon. He's patiently taking all of my craziness at inaalagaan niya ako kahit hindi naman kami.
"Kaya nga sinabi kong 'baka' diba? Tingnan mo to, napaka defensive masyado. Napaghahalataan kang may 'LINGERING' feelings eh." sabi niya with matching 'quote' pa. Lalaki ba talaga to? parang may pagkalambot yung pagkakasabj eh.
"Ewan ko sayo, bakla ka." savay irap ko.
"Hindi ako bading ah! Napatunayan ko na yan kay Lara!" siya na naman ang nagmukhang defensive. Speaking of, hindi pa rin nakikita ni Greg si Lara ngayon. Kasalukuyan niyang pinapahanap ang babae sa tulong na rin ng ilang kaibigan niya at ni Tito June. Nakatambay pa rin kasi ito sa hospital para sa therapy. Ilang araw na lang ay lalabas na din ito.
"Pero malay mo naman, baka inaayos niya lang muna ang sarili niya bago siya magpakita sayo. Ikaw naman, wag mo masyadong ma-miss yung tao! hahaha" heto na naman po tayo sa pang gu-good time niya sakin.
"Alam mo may kalalagyan ka rin sakin minsan. Baka mamaya makalimutan kong nasa ospital tayo at mabugbog kita!" asar na tugon ko naman. Ngunit sa aking pagkadismaya ay tinawanan lang ako ng loko.
Kyla
Nasa kalagitnaan ako ng pagsusuka nang marinig ko ang pagdo-doorbell sa labas. Kahit nanghihina ay tinungo ko ang pintuan para pagbuksan ang bisita.
"What are you doing here?" tanong ko kaagad sa bisita.
"To calm my nerves and to ask for an advice."
"Maupo ka muna diyan sa couch. Do you want anything?"
"Just water please."
Kaagad naman akong tumalima at pumunta sa kitchen area. Pabalik na sana ako sa sala nang makita kong nakatayo si Lucas sa harap ko at seryosong nakatingin sa akin.
"You're pregnant." sabi niya at ipinakita sa akin ang pregnancy test kit na ginamit ko kani-kanina lang. Damn! Nakalimutan kong ligpitin yon! Sa lahat ng mga pinsan ko ay si Lucas ang pinakanagagalit kapag may isa sa amin ang napapahamak o kaya ay naaalanganin.
BINABASA MO ANG
WITCH: IN LOVE
FantasiaIt's the new generation, alright. Pero kahit gaano pa ka moderno ang panahon, nabubuhay pa rin kami. So far, okay pa naman yung pagtira ko sa Manila kaso may nangyaring hindi ko inaasahan.. Urgh! Nakakainis! First kiss ko yon eh! Okay na sana kung h...
