* * *
Hindi ako mapalagay sa naging insidente kanina kaya sumama ako sa ospital na pinagdalhan nung babae. Nung una nagtataka sina Max at Gina pero nang ipaliwanag sa kanila ni Lucas ang nangyari ay pumayag din silang sumama ako. Kasalukuyan na naming binabagtas ang daan patungo sa beach house na in-offer ni Lucas sa barkada. Hindi naman kasi kami nagtagal doon sa ospital. Nang masiguro kong okay na ang pasyente ay umalis rin kami. Siyempre ayoko namang ma-spoil ang bakasyon namin dahil sa akin.
Nilalaro ni Lucas ang kamay ko na ginamit niya ring pang-akbay sa akin ngayon. Kahit ilang beses akong umiwas ay hindi rin naman natutuloy kasi nakatingin ang barkada.
"Mukhang okay na kayo ah. Salamat naman at makakatulog kami nito ng payapa. Peace to the world!" madramang saad ni Marco.
"Alam niyo, wala na akong pakialam kung ano pang sabihin niyo. Sigurado naman akong hindi ako matitiis ni hon, diba?" sagot nitong katabi ko na may kasamang kindat. Ew.
"I can't believe na magiging kayo. No offense pero ang taray ni Sheena at kahit ganoon eh napasagot mo pa rin siya. I never thought you'll have the guts kasi you're also famous." sabi ni Gina.
"Is he really that famous? Para namang hindi."
"Wait. Paano hindi naging isang famous ang anak ng governor at co-owner ng campus natin?"
Nabigla ako dun sa sinabi nila. Seriously? Itong clingy na to? Hindi na lang ako nagsalita. Lumingon ako sa kanya nang marinig ko ang mahina niyang tawa.
Napataas ang kilay ko. Kayang kaya naman niyang pumili ng ibang babae pero bakit ako pa rin napagtripan nito?
"What? I think I know what you're thinking. Hindi ko naman kasi pinapangalandakan na mayaman kami. Tsaka gusto kong pinaghihirapan kang makuha."
"Psh. whatever."
Okay aaminin ko, kinilig ako dun. Hindi ko talaga matantiya ang mga bagay na pinagsasabi niya. Hindi ako prepared sa banat na yun kaya para maitago ang mukha ko na feel kong namumula na ay sumiksik ako sa left side ko. Pinili kong umupo malapit sa bintana dahil gusto kong makita ang view na nadadaanan namin. Ibabaling ko sana sa labas ang tingin ko nang biglang hinawakan ni Lucas ang dalawang balikat ko at isinubsob sa kanyang dibdib. Kung titingnan ay mukha kaming sweet na magkayakap ngayon.
"Are you falling for me now, Sheen?" mahinang bulong ni Lucas.
"No." diretso kong sagot. Mabuti na lang at hindi ako nautal. Never pa akong naging ganito kalapit sa ibang tao maliban sa mga kaibigan ko.
"Okay. I'll just ask you again tomorrow."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pinaharap niya ako sa kanya hanggang sa magka eye level na kami.
"I don't want you to turn your back on me. Just look at me. Only me. Hindi ako nagbibiro nang sinabi kong paghihirapan kita. Well, siguro hindi naman ako mahihirapan one of these days kasi sa gwapo kong to hindi mo made-deny na mahuhulog ka talaga."
"Wow naman. Ang taas pala ng confidence mo ano?"
"Bakit? May mangyayari ba kung hindi ako didiskarte? By the way, sino pa ang mga gagong nanliligaw sayo ngayon?"
"At bakit?"
"Sinasabi ko sayo ngayon hon, hindi na sila sisikatan ng araw sa oras na malaman kong may pumoporma sayo. Akin ka lang."
"Kung maka angkin ka akala mo pumayag na ako. Hoy Luc, hindi mo ako pag aari okay?"
"Akin ka nga! Ba't ba ang tigas ng ulo mo?!!"
Napalakas ang boses niya dun na ikinabigla ng lahat. Hindi ko na naman in-expect ang reaction niyang iyon kaya hindi agad ako nakapagsalita. Matalim ang ibinibigay niyang tingin sa akin at hindi ako komportable dun lalong lalo na at malapit kami sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
WITCH: IN LOVE
FantasyIt's the new generation, alright. Pero kahit gaano pa ka moderno ang panahon, nabubuhay pa rin kami. So far, okay pa naman yung pagtira ko sa Manila kaso may nangyaring hindi ko inaasahan.. Urgh! Nakakainis! First kiss ko yon eh! Okay na sana kung h...