Chapter 24: Oxygen please?

61 3 0
                                        

* * *

Over the past days ay naging mas sweet si Lucas sakin. It's been a week nung napaamin niya ako. Gosh! That was so embarrassing! Nakita pa kami ng uncle niya pero ang walang hiyang boyfriend ko ay hindi man lang iyon pinansin. Yes, I do admit na boyfriend ko na siya for real. Kadramahan lang kung magpapaligaw pa ako eh sa bawat araw na ginawa ng Diyos ay umaapaw sa ka-sweetan ang lalaking yon.


Huwag lang niya susubukang lokohin ako dahil malalagot siya sa akin pati ang babae niya.


Speaking of the hot guy, nagtext siya sa akin na papunta siya ngayon dito sa table namin sa cafeteria. I'm with the gang now at nag-uusap tungkol sa mga plans sa nalalapit na University Day. Ang daming events at mga pakulo ng school kaya dinarayo rin ito ng ilang estudyante from other campus.


"Sweety, huwag kang sasali sa cosplay ha. Mamaya sobrang sexy ng suot mo. Ayoko nun." parang batang nagrerequest itong si Marco.


"Eh ano naman gusto mong suotin ko? pang madre?" mataray na sagot ni Gina. Cosplay kasi ang event ng Tourism department kaya excited na excited ang babae. Mahilig din kasi siya manood ng anime. Minsan nga hindi niya sinasagot ang tawag ng boyfriend niya kapag nasa bahay kaming tatlo at nanonood ng Anime.


"Err basta! Pag ikaw nakasuot ng sexing damit, iuuwi talaga kita. Tandaan mo yan!" pagbabanta pa ni Marco.


"Ew. Mandiri nga kayo! Kita niyong kumakain ako oh." saway ko sa kanila. Magkaka-diabetes ata ako sa ka-OAhan ng mga kasama ko ngayon.


"Sus. Ang sabihin mo inggit ka lang kasi wala dito si pareng Lucas noh. Teka, nasaan na ba kasi yun?" tukso naman ni Drew.


By the way, nalaman ng lahat na nagkaayos na kami ni Luc kasi tinawagan niya ang mga boys habang nasa byahe kami papinta sa condo ko. The next day naman ay nag-girl bonding kami nina Gina at Max.


Napahinto ako sa pag-iisip nang maramdaman kong may mga kamay na tumakip sa aking mga mata. Psh. Alam ko na to.


"H-hon." Hanggang ngayon ay hindi pa ako sanay na tawagin siya sa endearment na yun. Nung nakaraang araw ay hindi niya ako pinansin dahil Luc or Lucas pa rin ang tawag ko sa kanya. Pero kaagad din siyang napangisi nung sinunod ko ang gusto niya. Well, what can I say? Guys could be demanding sometimes. And bipolar too.


Tinanggal na ni Lucas ang mga kamay niya at naupo sa tabi ko.


"Ayun oh! Dumating na si Prince charming. Ayan kiss na kayo. Yung torrid ha? Promise hindi kami titingin. Hahaha" namula naman ako kaagad sa sinabi ni Drew. Ugh!


Nakatikim naman ng isang malakas na hampas sa balikat si Drew mula sa girlfriend niya.

"Ano ka ba naman babe. Siyempre ayaw nila ng live audience. Sa condo ni Lucas o ni Sheen malamang dun nila gagawin yun." sabi naman ni Max. Ang akala ko sasawayin niya ang lalaking yon kaso tinukso pa ako lalo. Kahit kailan talaga walang preno ang bibig nitong si Max eh.

"Stop it guys. Namumula na mukha ng asawa ko oh." Pagtatanggol ni Lucas sa akin at bahagya akong niyakap at isinandal sa dibdib niya para maitago ang mukha ko.


"Wala na. Uwi na tayo. Magsisimula na namang magmoment 'tong dalawa eh." pagpaparinig ni Max.


"Ugh! Ewan ko sa inyo." tanging nasabi ko lang.


"I miss you." mahinang bulong ng katabi ko.


Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. I mean, ikaw kaya sabihan ng ganun tapos malapit sa tenga mo. Idagdag mo pa yung hininga niya na tumatama sa gilid ng leeg ko.


Amoy mentos naman tong si Lucas kaya okay lang pero ang hindi okay ay mayroon akong kiliti sa leeg kaya napaiwas ako sa kanya at dumistansya ng kaunti.


Namumula pa rin ako at nang lingunin ko siya ay kitang-kita ang pagkapilyo sa mga mata niya.


"Tara na talaga guys. Kakasabi lang eh. Sheena at Lucas wag kayong mag harutan dito.... Naiingit ako." saway kunwari ni Drew


"Ahem. Uh.. A-ano pala event niyo hon?" tanong ko ky Lucas na ngayon ay nakangiti pa rin.


"Horror house lang yung samin hon. Kung sinong makatapos papuntang last floor ng building namin ay may prize. Kayo? Balita ko may mini cafe kayo ah."


Tama si Lucas. Napagkasunduan ng buong department na gumawa ng mini cafe. Tatlong araw ang celebration kaya tatlong araw din akong pagod.


Sa unang araw ay nasa kitchen ako samantalang sa ikalawa at ikatlo ay mag we-waitress ako. Balak nga ng mga president ng section namin na pagsuotin ng costume ang mga waitress at waiter.


"Oo hon. Uhm mauna na pala ako, may klase pa ako eh." pagpaalam ko nang mapansin kong malapit na mag-time para sa susunod na subject.


Hindi nagsalita si Lucas at bigla na lamang tumayo. Hinawakan niya ang kanang kamay ko na ikinagulat ko naman ng husto. Nagsimula siyang maglakad ng mabilis na hindi man lamang sinasabi kung saan kami pupunta.


Mabilis at malalaki ang hakbang ni Lucas kaya napapabilis na rin ang lakad ko.



"Hon, saan tayo pupunta? May klase pa ako eh."


"Saglit lang to." sabi niya pagkatapos naming huminto sa tapat ng isang bakanteng room.


Pinihit niya ang pinto at nang mapansin na walang tao ay pumasok siya habang hila-hila pa rin ako.


"Anong gagawi-" naputol ang sasabihin ko nang bigla akong hinalikan ni Lucas. Magkalapat lamang ang aming mga labi nung una pero ilang sandali pa ay unti-unting kumilos ang kanyang mga labi. Magkapareho ang halik na ito noong una kaming nagkita sa club. Ang kaibahan lang ay hindi ako lasing ngayon kaya nahihiya pa rin ako.


Naramdaman kong nilagay ni Lucas ang kamay sa batok ko upang ilapit ang aking mukha. Napatingkayad naman ako dahil masyadong mataas si Lucas. Napakapit ako sa polo niya nang unti-unti na akong maubusan ng hininga.


Napansin ata iyon ni Lucas kaya napabitaw na siya sa halikan namin.


"Who says we can't make out in the school, hon?" he chuckled.


Pakiramdam ko ay namumula na naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya kaya napayuko ako. Naramdaman ko namang niyakap niya ako at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Niyakap ko rin siya pabalik.


Now I realized na hindi dapat tuksuhin ang isang Lucas Villafuerte. Mauubusan ka ng oxygen!

WITCH: IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon