* * *
Lucas
Gustung-gusto ko na talagang matawa sa hitsura niya pero pinipigilan ko lang. Ang ganda talaga niya. Hayyy kahit ano atang facial expression niya mahal na mahal ko pa rin...
"Ang bastos mo talaga! Bawiin mo yung sinabi mo!" Oh kitams. Lahat na lang yata ng lumalabas sa bibig ko, ayaw niya. Pero kahit na tinatarayan niya ako ay okay lang. Mahal ko eh.
"Ayoko nga. Totoo naman ah. Sabi ko nga kung pwede nga lang. Bakit? Okay lang ba gawin natin yon basta hindi muna yung baby?" pang aasar ko sa kanya. Don't get me wrong people. I respect her just as I respect my Nanay pero kasi ang sarap niyang asarin. Pulang-pula na ang mukha niya sa inis hahaha. Yung mga kaibigan niya naman halatang enjoy sa panonood sa amin.
"Will you just shut up Lucas Villafuerte!" sigaw ni hon. Ahhh the way she said my name! Baliw na ata ako!
"Tatahimik na po Mrs. Sheena Villafuerte!" pang-aasar ko ulit.
"Ugh! Punung-puno na ako sa kalokohan mo Luc. Hindi ka na nahiya sa mga kaibigan ko!"
"Uhm.. Sheen, naririnig po kita. Wala namang kaso sa amin ni Gina kung may mga recreational activities kayo ni Lucas hahaha" Nice. Supportive friends! Wala akong problema sa kanilang dalawa dahil halata namang botong-boto sila sakin.
"Girls!!!? Y-you..Urgh! May iba pa ba tayong pag-uusapan? I'm going to work on my plates." Medyo namumula na naman sa inis ang mukha ng hon ko.
"Eto naman di na mabiro. Alam ko namang patapos ka na diyan sa plates mo. Planuhin nlang natin ang set up sa birthday ni Gina." sabi ni Max
"Oo nga naman Sheen. Mas importante pa ba yang plates mo kesa sakin?" may himig ng pagtatampo na sabi ni Gina.
"Okay fine. Ano ba naisip niyo?"
"Since saktong sembreak ang trip to Palawan natin ay sure akong makakapunta lahat. I also invited Drew and Marco para naman mas happy. Wala naman tayong masyadong kailangan planuhan. We're going to see the beauty of nature like the underground cave, the beaches at iba pa. We have to book our flights na mamaya ha."
"Uhm.. Nasabi ko na rin to kay Gina na ako na ang bahala sa hotel na tutuluyan natin. My Tatay owned one dun kaya doon na lang tayo." sabi ko sa kanila. Mayaman kami eh. Why not flaunt it in times of need? Hahaha
"Okay na ba ang lahat? My Marco just texted me eh.. We have a date today." sabi ni Max
"Ako rin girl, kailangan ko pa palang tawagan si mom." dagdag naman ni Gina.
And off they go. Mabuti naman at umalis na sila at makakapag quality time na ako with my loves.
"Finally! quality time for us. Come here hon." tinapik-tapik ko pa ang couch.
"Hindi ka pa ba aalis? I'm a busy person. Wala akong time makipaglokohan sayo Lucas."
"Awww.. Bakit ba sa tuwing binabanggit mo ang pangalan ko natu-turn on ako?" Totoo po mga kaibigan. Naaalala ko pa yung first time na binanggit niya ang pangalan ko. Luc pa nga eh.
"Salamat. Sana last na to. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo, Luc."
Ewan ko ba. Harsh yung sinabi niya pero mas tumatak sa isip ko yung pagkabanggit niya sa name ko. Oo, kahit pa sabihan niya akong lumayo ay hinding-hindi ko gagawin iyon. My dad taught me to work hard for the things that I want. Kaya gagawin ko ang lahat mapasagot lang siya. This is my first time to court a girl kaya kahit magmukha pa akong baduy wala akong pakialam.
"A-anong turn on pinagsasabi mo diyan? A-at ganito ka ba manligaw ha?"
"Sungit mo naman. Let's have a date tomorrow."
"Hindi ako pwede. We have plans for tomorrow. Shopping."
"Okay. Kailan ko pala ma-me-meet yung parents mo?" sabi ko sabay kagat ng cookies na binake niya. Mmm..Sarap talaga!
"Anong meet ka diyan? Bakit? Boyfriend ba kita?" Muntik na akong mabilaukan dun ah!
"Ano bang plano mo? Isekreto tong relationship natin?"
"Ang kapal mo talaga. Was there even a relationship to begin with?"
"Oo isang hamak na manliligaw lang ako ngunit nais kong ihingi ng pahintulot mula sa iyong mga magulang ang panliligaw ko sayo mahal kong binibini."
"Tsk. Crazy."
Siguro nga baliw na ako. Nasa engineering department ako at katapat lang ng building nina Sheena. Pero hindi ko siya napapansin not until we crossed paths at The Paradise. Call it love at first sight or whatever pero simula nun hindi na natanggal sa isip ko ang mukha niya. It was pretty obvious na hindi siya sanay lumapit sa mga lalaki and I felt utterly happy nung nalaman kong first kiss niya ako.
Aware din naman ako na babaero ang tingin sa akin ng marami. Hey it's not my fault na hindi ko magustuhan yung mga babaeng nagpapapansin sa akin. I wanted to be honest and not lead them on kaya sinasabi kong tigilan na nila ako. My friends and I often go to bars pero nitong mga huling araw ay hindi na ako nakakasama sa kanila. I know they'd understand. This is also my first time to feel this kind of thing at yun ang hindi alam ni Sheena. We are both new to this but I'm confident that we'll end up together.
Wait. Ang daldal ko na.
*tooot *tooot
May na-receive akong text mula sa barkada saying na magkita raw kami. Makahingi na nga lang ng advice sa mga yon.
"Hon.. I really hate to say this but I have to go. Nagkayayaan ang barkada eh. I'll see you tomorrow."
"Hay salamat! Naku kahit hindi ka na magpakita ulit ay okay lang talaga!" Tss. Medyo nainis ako dun ah! May kasama pa nga yung buntong hininga aakalain mong ngayon lang nakahinga.
"What did you say?" Humakbang ako papalapit sa kanya. Agad na rumehistro sa mukha niya ang kaba. This is good.
"Ha..ha..ha.. Uy joke lang yun ano ka ba. Keep distance nga!"
"Paano kung sabihin kong ayoko?" I am now again so close to kissing her. Ugh. I can't resist her! Ahh! Bahala na nga kung magalit siya. Kailangan ko na siyang mahalikan ngayon kung hindi ay mababaliw na ako.
Napansin kong mariing nakapikit ang mga mata niya. Konting konti na lang...
*riiiiing! *riiiiiing!
Shit! F*ck this damn cellphone! Arghhhh!!! Naitulak niya ako kaya hindi natuloy ang kiss! Paalalahanan niyo nga akong bugbugin ang mga kaibigan ko pag nagkita kami! Badtrip!
Inis na tumalikod ako at padabog na lumabas sa condo ni Sheena. Asar!
~ ~ ~
Ang baduy at ang corny ni Lucas hahaha. Pero hindi naman siguro ito yung first and last POV niya hehe
BINABASA MO ANG
WITCH: IN LOVE
FantasyIt's the new generation, alright. Pero kahit gaano pa ka moderno ang panahon, nabubuhay pa rin kami. So far, okay pa naman yung pagtira ko sa Manila kaso may nangyaring hindi ko inaasahan.. Urgh! Nakakainis! First kiss ko yon eh! Okay na sana kung h...
