Chapter 1

50 0 0
                                    

Brigitte's POV

We are now here in our school, DVU (De Vera University) Grade 11 student. But this week is just our clearance week since the school year is about to end. 

"Babes, I'll miss you," Delanxe stated (pronounced as delansi) one of my best friends.

"Gaga. If I know, lagi kayong pupunta sa bahay dahil kay Kuya M.A at Blake," singit naman ni Shin na isa rin sa bestfriend 'ko.

We've been friends since 1st year of junior high. Which means, 1st year pa lang crush 'ko na rin ang kambal ni Shin na si Blake Andrei Tuazon. 

While Delanxe is very lucky, kasi naging boyfriend niya naman ang ultimate crush niya na si Miere Alec Tuazon, brother din ni Shin. But he's older than us ng 1 year. So he's already a Grade 12 student. 

"Babes, where's Blake? " I asked. Tumingin naman sakin si Shin ng naka'poker face. Tignan mo 'tong babaeng 'to, kahit kailan napaka'suplada. Nagtatanong lang naman.

"Kami yung kasama mo, ta's kambal 'ko ang hinahanap mo?" sagot niya sa akin sabay irap.

"Nagtatanong lang naman ako," sagot 'ko sa kaniya.

Lumabas na kami sa room at naglakad-lakad since wala naman kaming ginagawa. 

While walking, nakasalubong naman namin yung mga Cute Pandas. They are the basketball team here in DVU. 

It was actually Shin's fault kung bakit Cute Pandas ang team name nila. She named the team like that because her brothers didn't want her to quit as a water girl. Typical siblings fight lang. 

"Hoy Blake, anong oras laban bukas?" pagtatanong ni Shin kay Blake.

"Hindi 'ko pa alam. Papunta pa lang kami kay Coach Cyrus eh. Bakit? Excited ka na ba ulit maging water girl?" naka'ngising tanong ni Blake sa kambal niya. Ang alam 'ko nga last game na nila bukas.

"Sus Shin. If I know, excited ka lang makita si Kris," pang-aasar naman ni Alex na isa sa mga players ng Cute Pandas at boy best friend ni Shin.

And of course, Miere and Blake glared at Shin. As far as I know, crush kasi siya ni Kris, he's from Alcantara High. 

I was staring at Blake until he also looked at me. "Hi Blake!" pagbati 'ko sakaniya. But he didn't greet me back. Just like he always do kapag nagpapapansin ako sakaniya.  

"Galingan mo bukas ah! Suportahan kita," nakangiti 'kong sabi sa kaniya.

"K," maikling sagot niya.

Nagkayayaan naman kami sa cafeteria. As usual, pinagtitinginan na naman yung mga kasama naming lalaki. Ang ggwapo naman kasi. 

"Anong gusto niyo?" tanong ni Blake.

"Ikaw!" nakangiti 'ko namang sagot sa kaniya.

"Uy! Ikaw daw Blake!" pang-aasar ni Kevin. Isa rin sa mga players ng Cute Pandas.

Kung gaano ko na katagal na kaibigan sina Delanxe at Shin, ganon 'ko na rin katagal kaibigan ang Cute Pandas. But not all of them, kung sino lang din ang nakakasama nila Miere at Blake. 

"Manahimik ka nga," sagot naman sa akin ni Blake kaya napasimangot na lang ako. Sungit!

Nagpabili lang ako ng burger at royal kasi nagugutom na rin talaga ako. Dalawang subjects pa kasi bago mag-uwian. Bakit kasi hindi nalang shortened classes? 

Pinipilit na lang din naman ng ibang teachers na may ipagawa sa amin para pirmahan nila clearance namin. 

Habang kumakain naman kami tamang kwentuhan lang at pang-aasar sa mga teachers. Sagana kasi talaga 'tong mga 'to sa kalokohan. 

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon