Brigitte's POV
It's my birthday today, pero maaga akong gumising para pumunta ng ospital. Nagsearch ako about sa sakit 'ko nung araw na nalaman 'kong may coronary heart disease ako. Lahat ng signs and symptoms na meron siya, naramdaman 'ko na simula nung nasa Baguio ako.
Tsaka umalis kasi si Manang at Mang Berto para puntahan yung isang club kung saan 'ko icecelebrate birthday 'ko. Sumabay lang ako.
"Hi Miss Brigitte, may appointment po kayo kay Dr. Sausa?" nakangiting sabi sa akin ng nurse.
"Wala po. Pero may questions lang po kasi ako sa kaniya, nandiyan po ba siya?" tanong 'ko.
"Yes po. Punta ka na lang po sa office niya."
Nang makarating ako sa office ni Dr. Sausa ay kumatok muna ako bago pumasok. Nakita 'ko naman siyang may hawak na chest X-ray result at hawak ang ulo. "Doc, busy ka po ba?" bungad 'ko sa kaniya.
Napatingin naman siya sa akin at ibinaba na ang hawak niya. "I was about to call you. Upo ka, Brigitte," sagot naman niya sa akin.
"Doc, kasi po nagsearch ako. I saw my medical certificate at alam 'ko naman pong alam mo na hindi 'ko talaga tinitignan yung mga gano'n 'ko. Yun po cause of death ng lola 'ko, right?" deretso 'kong tanong sa kaniya.
"Yes, pero dahil 'yon sa hindi niya na nacocontrol ang blood pressure niya, hindi na rin niya pinacheck no'n ang cholesterol niya. We know that she had other problems pa, diba? Kaya hindi na kinaya ng puso niya, Brigitte," pagpapaliwanag niya sa akin.
"We don't have a cure for CHD, Brigitte. But we could prevent it from getting worse. That's why I'm giving you medicines," pag-aalala niya.
"What I need is kapag inaatake ako, Doc. I don't need medication for the blood clots that I have. Ang hihingin 'ko na lang sayo is yung makakatulong sakin sa palpitations 'ko, Doc," pakiusap 'ko.
Hindi na tolerable ang mga atake 'ko ngayon. To the point na nagsusuka na ako sa sobrang pagkapos ng hininga at sakit ng puso 'ko. I need it lalo na kung kasama 'ko si Blake araw-araw.
Nang matapos kaming mag-usap ni Dr. Sausa, sumunod na ako sa club na pinareserve nila Manang. Ayoko kasi sa bahay magparty dahil mapapagod lang magligpit sila Manang.
Sabi 'ko naman kila Shin sa bahay na sila matulog pagkatapos, kasama ang buong barkada.
Malaki naman ang club na pinareserve 'ko, sapat na para sa mga bisita 'ko at bisita ng mga kaibigan 'ko.
Nagsabi na rin ako kay Mom nung isang gabi about dito at pumayag naman siya, hindi nga lang sila makakapunta. Nagpadala na lang siya ng pera para sa mga gagastusin.
"Ma'am, what do you want us to serve to your guests?" tanong sa akin Sir Carl.
"Let your best bartender do his job, siya na bahala sa guests 'ko. Snacks kayo na rin bahala. Basta siguraduhin niyong magugustuhan 'ko at ng mga guests. Okay?" nakangiti 'kong sabi.
"All right, Ma'am. You'll never regret this," nakangiting sagot sa akin.
Chineck 'ko lang yung buong preparation ng buong club. 9:00 pm pa naman start later. So marami pa akong time to prepare.
Pagkatapos namin nila Manang sa Club ay dumaan naman kami sa drive thru ng Jollibee.
Hindi kasi sasama sila mamayang gabi kaya naisipan 'kong icelebrate muna ang birthday 'ko sa bahay para makasama 'ko sila. Pero si Jazz pinapunta 'ko.
Nag-order lang ako ng sakto para sa apat. Baka kasi hindi maubos kapag madami akong binili. Pagkabayad ni Mang Berto, mabilis naman naming nakuha yung mga pagkain kaya nakauwi na rin kami agad.
Umakyat muna ako papunta sa kwarto para makaligo, galing pa naman ako ng ospital.
Pagkabukas 'ko naman ng pinto 'ko ay agad na bumungad sa akin yung mga kandila, petals, letters that says happy birthday at mga lobo. Nakita 'ko naman ang dalawa 'kong bestfriend at si Blake.
"THANK YOU!" sigaw 'ko sa kanila at tumakbo para yakapin sila.
"Happy birthday, Babes!" bati sa akin nila Shin. Pagkahiwalay 'ko naman ng yakap 'ko sa kanila ay niyakap 'ko na rin ang mahal 'ko.
"Happy birthday, my love," bulong niya sa akin sabay halik sa pisngi 'ko.
"Ang landi naman," masungit na sabi ni Shin.
"Extra lang naman kayo dito. Sinabi 'ko lang na isusurprise 'ko girlfriend 'ko, pumunta na kayo dito," masungit din na sabi ni Blake.
Pagkababa naman namin nagreklamo na agad yung dalawa 'kong kaibigan, bakit wala daw silang Jollibee.
Malay 'ko naman kasi na nandito sila ng tanghali. Nagpadeliver pa tuloy ako.
"Dito na ba kayo mag-aayos?" tanong 'ko sa kanila habang nanonood ng movie. Magkatabi kami ni Blake habang sila naman tig'isa ng sofa at nakahiga.
"Ako, oo," sagot ni Shin.
"Ikaw, Delanxe?" tanong 'ko.
"Oo rin. Tinatanong pa ba yan?" sagot niya sa akin sabay irap.
Tumingin naman ako kay Blake para intayin ang sagot niya at umiling naman siya. "Uuwi rin ako mamaya."
---
Nandito na kaming tatlo nila Shin sa kwarto 'ko. Umuwi na kasi si Blake kanina pagkatapos kumain, pero inayos na niya muna yung kwarto 'ko.
"Alam mo bang si Blake lang nag-ayos nung surprise niya sayo?" sabi ni Shin sa akin.
"Akala 'ko kasama kayo?" tanong 'ko.
"Pumunta lang kami nung tapos na siya," singit naman ni Delanxe sabay tawa. "Nalaman kasi ni Shin na nandito jowa mo kaya naisipan naming maging extra sa surprise."
"Ano susuotin niyo?" tanong 'ko. Tumayo naman sila parehas at pumasok sa walk-in closet 'ko. "Hoy! Anong trip niyo?" tanong 'ko pa.
"Pipili ng damit," simpleng sagot ni Shin.
"Alam mo namang wala akong damit pangparty, dahil hindi naman tayo nagpaparty. Ikaw lang naman bili ng bili tas hindi mo naman susuotin."
Umirap na lang ako at inintay silang matapos mamili ng susuotin.
Nang matapos silang mamili ng damit agad naman nilang sinukat.
Si Shin nakasuot ng high waisted black jeans na ripped yung sa left knee, cropped long sleeves top na black din. Bakit ang sexy naman neto? Tsaka bakit hindi 'ko alam na may damit akong gano'n?
Si Delanxe naman naka'high waisted black shorts, at cropped tank top. BAKIT HINDI 'KO NAKIKITA MGA DAMIT 'KONG ITO?
"Bagay diyan kapag na black boots kayo," pagbibigay 'ko ng opinion. Mukhang lahat kami naka'black mamaya.
"Tara bili tayo. Wala kaming boots eh," aya ni Delanxe.
"Libre mo ha," singit naman ni Shin. Sinamaan 'ko naman siya ng tingin at ang bruha tinawanan lang ako. "Gaga, joke lang. Tara na. Bihis lang kami."
This will be the best birthday of my life!
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Teen FictionThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...
