Chapter 27

13 0 0
                                    

Brigitte's POV

"Ano ba kasing problema mo kay Kurt?" tanong 'ko at tumingin naman siya sakin ng seryoso.

"Wala," sagot niya sa akin.

Wala pa rin sila hanggang ngayon. Mukhang iniwan talaga nila kami para mag-usap.

"Nagseselos ka ba?" deretso 'kong tanong, wala na akong ibang maisip na sabihin dahil pakiramdam 'ko talaga nagseselos siya.

"Hindi. Naiinis lang ako," matapos niya sabihin 'yon umiwas na siya ng tingin.

Gusto 'kong malaman kung wala ba siyang gusto sa akin. Sa ipinapakita niya sa akin at pinaparamdam, hindi 'ko na maiwasan isipin na gusto na rin niya ako.

"Gusto mo ba 'ko?" tanong 'ko. Napatingin naman siya sa akin pero hindi 'ko mabasa ang mga mata niya. Parang halo-halo yung emosyon niya.

Hindi agad siya nakasagot. "Gusto mo ba ako?" ulit 'ko.

Nakaramdam ako ng parang hiniwa ang puso 'ko nung umiling siya.

"Kung ganon, sasagutin 'ko na lang si Kurt at hindi na ako magpapapansin sayo," seryoso 'kong sabi.

Hindi naman sa tototohanin 'ko ito, pero kasi ito lang ang sa tingin 'ko na paraan para malaman 'ko kung totoo ba na hindi niya ako gusto.

Kahit magmukha na akong desperada.

"Don't you dare," malamig niyang sinabi. Tumayo siya at lumapit sa akin sabay hila sakin. Kaya napatayo ako.

Hila-hila niya pa rin nang makarating kami sa 'kotse niya. Nararamdaman 'kong sumasakit na wrist 'ko sa higpit ng hawak niya.

"Pasok," binuksan niya ang pinto sa passenger seat kaya pumasok na rin ako. Natatakot na ako!

Ano ba 'tong pinasok 'ko? Jusko. Nagsisisi na po ako.

Nagtaka naman ako dahil bumalik kami sa DVU. Gusto niya lang pala bumalik dito sinama pa ako. Nagugutom na kaya ako.

Pagkapark niya ng kotse niya, lumabas na siya at nakita 'kong papunta siya sa akin. Binuksan niyang muli yung pinto at hinila ako.

"Bat mo ba 'ko hinihila?!" reklamo'ko.

Hindi naman niya ako pinansin. Naglakad lang kami hanggang sa pumasok kami sa isang vacant room sa dulo ng hallway.

Padabog niyang sinara yung pinto at napaatras naman ako. Seryosong-seryoso yung mukha niya habang nakatingin sa akin. Kitang-kita 'ko yung galit sa mga mata niya.

"Anong sinabi mo kanina?" tanong niya. "Sasagutin mo si Kurt?" ngumisi siya at umiling.

"Ano naman sayo?! Hindi mo naman ako gusto diba?!" sigaw 'ko. Pinaramdam 'ko sa kaniya na hindi ako natatakot sakaniya, pero sa totoo lang ay kinakabahan na ako.

"PERO AYOKONG SAGUTIN MO SIYA!" sigaw niya.

"B-bakit ba?" nauutal 'kong tanong.

"Ako ang mahal mo diba?! Ba't mo siya sasagutin?!" tanong niya. Nafufrustrate na siya ngayon, nararamdaman 'ko.

"Pero hindi mo 'ko mahal," mahina 'kong sabi. "Kahit ba 'konti wala kang nararamdaman para sa akin?" deretsong tanong 'ko.

I never asked him about this. Hinayaan 'ko lang siya sa mga gestures na ginagawa niya sa tuwing magkasama kami.

Bakit 'ko pa ba kasi 'to ginawa? Dapat hinayaan 'ko nalang eh. Nasasaktan na naman ako.

Matagal siyang hindi sumagot. Napawi na rin ang pagkakunot ng noo niya.

Silence means yes, Brigitte.

Napangiti ako ng malungkot. "Blake, siguro naman tama na. Ipapahinga 'ko naman na sarili 'ko. Asang asa na ako," malungkot 'kong sabi.

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon