Brigitte's POV
Nandito na kami sa room, iniintay pa namin yung sunod na subject. Animation na kasi ang sunod, ayaw 'ko pa naman nung teacher don.
It's been a week simula ng magstart manligaw si Blake sa akin. Nakikita 'ko talaga ang effort niya for me.
"Hey."
Napatingin ako sa bumati sa akin at ngumiti naman ako.
"Hi," masaya ''kong bati sa kaniya.
"Sasagutin mo na ba ako?" nakangiti niyang sabi at sinamaan 'ko naman siya ng tingin.
Matapos niyang mag 'I love you, Brigitte' sa akin tanong na siya ng tanong. Kahit nung nasa kotse kami pauwi hanggang sa nakarating kami sa bahay, kahit sa text.
Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa tabi 'ko, pwede kasing umupo sa computer lab kahit saan. Kaya yung totoong katabi 'ko, nasa likod.
Pero to be honest, iba talaga ang learning capacity 'ko. Kailangan 'ko maging focus talaga para maintindihan 'ko. Unlike kay Shin at Delanxe na mabilis makakeep up sa mga lessons.
"First time mo atang lumapit sa akin ng madaming tao," saad 'ko sa kaniya. Kasi noon kakausapin niya lang kapag wala akong kasama.
"Sasabihin 'ko reason 'ko but first sagutin mo na muna ako," nakangiti niyang sabi.
Aba't talagang.
"Manigas ka," sabi 'ko sa kaniya at nagpout naman siya. "If you really love me, you'll wait for me," sabi 'ko sa kaniya. Tumango naman siya at huminga ng malalim.
Sa totoo lang parang kami naman na talaga. Ang hirap naman kasi magpa'hard to get!
"I'll wait for you. But I can't wait to scream to everyone that you're mine!"
Nandito kami ng mga kaibigan 'ko sa cafeteria para kumain since break time na namin. Kanina pa kami nandito ngayon lang sila nag-open ng topic.
"Hoy, kayo na ba ng kambal 'ko?" tanong ni Shin sa akin.
"Hindi pa," sabi 'ko habang ngumunguya ng sandwich.
"Eh ba't kayo magkatabi kanina? Nilapitan ka niya. Bago yun ah?" nagtatakang tanong ni Delanxe sa akin.
Nilapag 'ko yung sandwich at hinawakan ang wrist nilang dalawa.
"NILILIGAWAN NIYA AKO!" masaya 'kong balita sa kanila.
Hindi naman nila ako pinansin at bigla akong tinawanan.
"Girl, correction ikaw yung nanliligaw," natatawang sabi ni Delanxe.
"Taas ng pangarap ha," sabi naman ni Shin.
Supportive bestfriends talaga sila.
Binitawan 'ko na sila at kinuha nalang ulit yung sandwich 'ko. Napansin 'ko namang nakatitig sila sa akin kaya tinaasan 'ko sila ng kilay.
"Blooming ka nga ngayon," sabi sa akin ni Delanxe.
"Seryoso ba? Paano?" tanong ulit ni Shin.
Kwinento 'ko sa kanila kung paano nagstart at hindi naman sila makapaniwala.
"Really?" nanlalaking mata ni Delanxe at tumango naman ako.
"Buti naka'amin," nakangiti namang sabi ni Shin sa akin.
"Hipag!" nakangiti 'kong sabi kay Shin.
"Tigilan mo 'ko sa ganyan. Susuntukin 'ko yang mukha mo," masungit niyang sabi.
Nagpout lang ako at nagkwentuhan na kaming tatlo. Sobrang namiss 'ko sila Shin, ang busy kasi nila eh. Hindi 'ko naman alam kung bakit, wala naman silang nababanggit basta pansin 'ko lagi silang pagod.
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Teen FictionThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...