Chapter 37

7 0 0
                                    

Brigitte's POV

Maagang pumunta dito si Blake sa bahay, niyaya 'ko kasi siya ngayong magsimba. For the past 2 months naging okay naman ang relationship naming dalawa.

Minsan lang napapansin 'ko na parang may ibang nangyayari kay Blake. Minsan parang pagod na pagod siya. Actually, kahit kay Shin din. Pero hindi nalang ako nagtatanong.

Pero biruin niyo 'yon? Natiis niya ako ng tatlong buwan. Tatlong buwan na rin akong nagsisinungaling sa kaniya.

Nagbirthday na rin nga pala ang kambal kaya sinurprise namin si Shin. Pero syempre may part din akong sinurprise ang boyfriend 'ko. Tuwang tuwa nga sila nung araw na iyon.

Malapit na nga pala ang pasko kaya medyo malamig na simoy ng hangin.

Pagkababa 'ko mabilis akong pumunta ng kusina para magsabi kay Manang. Alam niya na rin yung sa napag-usapan namin ni Dr. Sausa.

Nung araw na nalaman nila Manang yung pwedeng mangyari sa akin ay umiyak pa siya.

Ang sakit talaga kapag yung taong mahalaga sa buhay mo ay umiiyak dahil din sayo. Kahit sila Mom ay alam na rin. Lagi naman silang inaupdate ni Doc eh.

"Ang gamot mo nainom mo na ba?" tanong niya at umiling naman ako.

Inabot niya sakin yung gamot at saktong dumating naman si Blake kaya agad 'ko naman munang itinago 'to sa akin. "Tara na?" nakangiti niyang sabi sa akin sabay hawak sa bewang 'ko.

"Cr muna ako," pagpapaalam 'ko.

Pagkapasok 'ko sa banyo tinapon 'ko na yung gamot na nasa kamay 'ko. Wala naman akong tubig para mainom yon, tsaka magtataka lalo si Blake kung may dala akong baso papunta sa banyo.

Mabilis kaming nakarating sa simbahan, malapit lang naman sa subdivision namin ito.

Hindi naman talaga ako nagsisimba, pero ngayon gusto 'ko kasing magthank you kay Lord dahil pinagbibigyan niya pa ako para maging masaya.

Despite all the challenges na meron ako ngayon.

"Saan mo gustong ikasal, Mahal?" tanong niya bigla sa akin. Tinignan 'ko naman siya pero nakatingin pa rin siya sa harap at nakikinig kay Father.

"Hindi 'ko pa alam eh," sagot 'ko naman. Hindi 'ko rin naman kasi alam kung makakasal pa ako.

"Kapag alam mo na kung saan puntahan agad natin ha. Doon tayo magpapakasal," nakangiti niyang sabi sa akin. Kaya ngumiti na lang ako at tumango.

"Makatanong ka naman, bakit sure ka na bang ako papakasalan mo?" tanong 'ko sa kaniya.

"Of course. Bakit? Ikaw ba hindi pa sure sakin?" tanong niya.

"Tinatanong pa ba yan?" natatawa 'kong sabi at natawa rin naman siya.

"Oo nga pala, patay na patay ka sa akin," pang-aasar niya.

Lakas ng hangin dahil dito sa jowa 'ko. "Edi wow," sagot 'ko na lang sa kaniya.

"Promise me that we will be together forever," sabi naman niya sa akin.

"As long as I am alive, Mahal. I love you."

---

Naglalakad kami ngayon sa mall at syempre pinagtitinginan na naman ang boyfriend 'ko. Kahit ano naman suot kasi nito ang gwapo gwapo.

Gusto niya na lang sana ulit na ipagluto ako, pero tumanggi ako. Gusto 'ko lumabas ngayon eh.

For the past 2 months, madalas na siya na rin nagluluto for our breakfast. Kahit ata si Manang tinatanggalan na niya ng trabaho.

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon