Brigitte's POV
"WOW! ANG GANDA NAMAN DITO!" agad na sinabi 'ko nang makarating kami sa Mines View Park.
Nandito na kami ni Blake sa Baguio, nung umuwi sila Shin saktong tinext ako ni Blake. Almost 10:00 am na ngayon. Medyo malayo kasi itong Baguio sa lugar namin. Nilingon 'ko si Blake na ngayon ay hawak phone niya.
"Huy. Nandito tayo para mag-enjoy. Mamaya na yang phone mo," nakangiti 'kong sabi sakaniya. Tinignan niya ako at tinabi yung phone niya.
"You like it?" tanong niya at tumango naman ako habang pinagmamasdan ang view.
Kaming dalawa lang ang tao ngayon dito, ewan 'ko kung bakit. Nung pagkapasok nga namin sa parang gate, kilala si Blake dito.
Naupo kaming dalawa sa kahoy na upuan. Ang sarap ng simoy ng hangin dito. Malamig din dito, wala pa naman akong jacket na suot.
"I reserved this place. Kaya tayo lang ang tao," napatingin ako sa kaniya at nakatingin naman siya sa kalawakan.
"Madami daw kasing pumunta dito. Ayoko naman ng siksikan," dagdag niya.
Mabuti na lang din at pinareserve niya ito. Nahihilo kasi ako kapag madaming tao.
"You had a date with Kurt, right?" tanong niya sabay tingin sa akin.
"It's just a friendly date," sagot 'ko.
Nagtitigan lang kami ni Blake at ni isa walang umiiwas sa amin. Hindi 'ko mabasa ang mga mata niya. Siya ang unang umiwas at bahagyang umubo. Tumingin ulit siya sa view at gano'n na rin ang ginawa 'ko.
"Picture tayo sa mga iba pa nating pupuntahan ha," aya 'ko at pumayag naman siya.
Nilabas 'ko ang cellphone 'ko at inilagay sa camera. Nagulat naman ako ng akbayan niya ako. "Pipindutin mo ba o hindi?" natatawang tanong niya. Natauhan ako at ngumiti na.
Nakailan kaming pose. Mukhang makikita 'ko ulit yung good side ni Blake.
And I would love to see more of that...
Isang oras kami sa Mines View Park at ang ginawa lang namin puro picture. Solo picture at magkasama kami.
Sa solo picture, ang gaganda ng mga shots niya sa akin. Sabi niya, tinuruan lang daw siya ni Shin.
Sa phone niya kami nagpipicture, pero kapag solo niya sa phone 'ko rin syempre. Nakikita 'ko ang mga text sa akin ni Dr. Sausa, ilang beses din itong tumawag sa akin pero hindi 'ko sinasagot.
Gusto 'kong sulitin ang araw na 'to.
Kumain kami ni Blake sa Fortune Hongkong Seafood Restaurant. Dapat nga ako naman yung manlilibre, kaso hindi 'ko kinaya ang presyo. Inasar pa ako ni Blake.
"Treat mo diba?" natatawa niyang sabi.
Sinimangutan 'ko lang siya non at umorder na siya. Siya na rin ang nagbayad.
"Punta muna tayo sa hotel. Para yung gamit natin maitabi na, tsaka para makapagpahinga ka na muna ng maayos," saad naman sa akin ni Blake habang nagd'drive.
Ilang oras pa lang kami magkasama ni Blake pero sobrang saya 'ko na. Alam 'ko namang ginagawa niya lang ito para makabawi sa akin kaya nga bawing-bawi na siya.
Sa bawat minuto na kasama 'ko si Blake talagang sinusulit 'ko. Kahit magmukha akong tanga dahil ako lang ang nagk'kwento at siya nakikinig lang, okay lang sa akin.
Ang importante nasa tabi 'ko siya.
---
"What?! How come na isa na lang ang available na room dito?" tanong ni Blake.
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Teen FictionThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...
