Chapter 9

21 0 0
                                    

Brigitte's POV

Lumipas ang dalawang linggo at heto ako ngayon. Nakahilata sa kama, kumakain, nanonood ng movie at nagpapalamig.

Natapos 'ko na yung movie na pinapanood 'ko. The best talaga ang movie na A Walk To Remember. Yung hindi iniwan ni Landon si Jamie kahit may sakit siya.

Relate much.

Iniisip 'ko palang na sasabihin 'ko kila Shin, parang hindi na kakayanin. Kasi panigurado lagi nila akong aalalahanin at ayoko no'n. Basta gusto 'ko maranasan na parang normal lang buhay 'ko.

Nakausap 'ko na din pala si Dr. Sausa. Pwede raw 'tong maging CHD (coronary heart disease).

May gamot siyang binigay sa akin para maging normal yung pagdaloy ng dugo papunta sa puso ko pero as usual, nakakalimutan 'ko lang sila inumin kaya 'di na rin ako nabbother.

Anyway, napag-isipan namin ni Shin at Delanxe na mag-outing sa Palawan. Pero wala pang exact date. Kasama ang barkada at kasama rin si Kris at si Kurt.

Speaking of Kurt, nakatext 'ko nga pala yung lalaking yun nung ng isang araw. Magkikita daw kami.

SHIT NGAYON USAPAN NAMIN!

"Brigitte, nasa baba si Kurt. Kanina pa kita tinatawag!" dinig 'kong sabi ni Manang.

Tumakbo ako para buksan yung pinto at bumungad naman sakin si Manang Lina. Tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa. "Ikaw bata ka! Ba't di ka pa nakaayos?!" nakakunot ang noo na tanong ni Manang.

Napakamot naman ako ng ulo. "Nakalimutan 'ko po eh. Bababain 'ko nalang po si Kurt," sabi 'ko.

Pagkababa 'ko, nakita 'kong nakaupo si Kurt sa sofa. He's wearing a black jeans, stripes shirt, and white shoes.

Samantalang ako, naka'onesie na doraemon.

"Kurt," kamot ulo 'kong tawag sakanya.

"Mag-ayos ka na. Iintayin kita," natatawa niyang sabi.

" Kain ka muna. Para 'di ka mainip habang nag-aayos ako," nahihiya 'kong sabi sa kaniya.

"I'm okay. Get ready na. I promise, I'll wait," nakangiti niyang sabi.

Tumaas ulit ako at nagsimulang mag-ayos na.

Nang matapos akong maligo at magbihis, bumaba na agad ako.

Nakasuot lang ako ng black shirt and black short. Naka'rubber shoes ako at maliit na shoulder bag lang dala 'ko para sa phone at wallet 'ko.

Nung bumaba ako nakita 'kong nakikipag'kwentuhan si Kurt kay Manang. Close na agad?

Napatingin naman sila sakin at sabay ngumiti pero yung kay Manang ngiting nakakaloko eh. Anong meron?

Tumayo si Kurt at sabay kaming lumabas sa bahay.

---

"AYOKO NGA NIYAN KURT!!" reklamo 'ko.

Nandito kami ngayon sa bilihan ng ticket. Kanina pa niya 'ko inaasar. Manonood daw kami ng 'Ouija: Origin of Evil' .

"Dali na, Brigitte. Masaya 'to," nakangiti niyang sabi. "Miss. 2 tickets for Ouija," sabi niya do'n sa babae.

Agad agad niyang inabot ang bayad habang ito namang si Ate halatang nagpapacute kay Kurt. "Cinema 2 po, Sir. Pwede na pong pumasok," pabebeng sabi ni Ate.

Hinila na ako ni Kurt paalis ng counter at deretso na sa Cinema 2.

Nung nakapasok kami pinapakita pa yung mga trailer. Nakahawak ako sa damit ni Kurt, baka mamaya iwan ako eh.

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon