Brigitte's POV
After a week, nilibing na si Alex. Halos wala na talagang tulog ang barkada bukod sa akin dahil pinapauwi nila ako dahil kailangan 'ko daw ng pahinga.
Sila Keneth naman hindi na umuuwi sa kanila. Si Shin at Delanxe naman hindi pa rin nagpapansinan.
After malibing ni Alex, hindi 'ko na rin nahagilap si Shin. Pero sabi ni Blake, lagi lang daw nakakulong sa kwarto.
Nag-aayos ako ngayon dahil sabi ni Blake aalis daw kami. Ngayon na lang kasi ulit kami lalabas. Laging nandito lang kami sa bahay nagstay.
After class nila, dumederetso siya dito sa bahay. Araw-araw na rin siyang dito natutulog, hindi na umuuwi sa bahay niya.
Nandyan na rin siya tuwing inaatake ako. Nakakatulugan 'ko na nga na may oxygen ako.
"Mahal, ready ka na ba?" dinig 'kong sigaw niya mula sa walk-in closet 'ko. Katatapos lang kasi niya maligo.
"Opo!" sagot 'ko.
Tumayo na ako at pumunta sa kaniya.
Ang gwapo naman nito! Naka'white polo siya, walking shorts, at white shoes.
Pagkalapit 'ko naman sa kaniya agad naman niyang hinawakan ang bewang 'ko sabay halik sa pisngi 'ko.
Trip na trip talaga nito pisngi 'ko. Ayaw sa lips.
"Tara na," nakangiti 'kong sabi sa kaniya.
Pagkababa namin ni Blake saktong nasa sala si Manang na naglilinis. "Manang, aalis lang po kami ni Blake," paalam 'ko.
Tumingin naman siya sa amin at nginitian kami. "Mag-ingat kayo," paalala niya.
Naglakad na kami palabas ni Blake at sumakay na sa kotse niya. "Saan tayo pupunta?" tanong 'ko.
"You'll see," sagot niya sa akin habang sinusuot ang seatbelt 'ko.
Tinignan 'ko naman yung likod at do'n 'ko nakita na magpipicnic kami. "Ayaw mo pa sabihin na pupunta tayo doon sa lake side," natatawa 'kong sabi.
Napatingin siya sa akin at tumingin din sa likod. "Ay hindi 'ko pala natago," simangot niyang sabi.
Pagstart niya ng kotse niya hinawakan niya na ang kamay 'ko at hindi na binitawan hanggang sa makarating kami sa lake side.
"Dami mo naman atang kakainin," sabi 'ko sa kaniya habang naglalakad papunta sa spot naming dalawa.
"Para sayo 'yan 'no, ayaw 'kong nagugutom ka. Tsaka tignan mo kaya ang payat payat mo ," sagot naman niya sa akin.
"Dapat kahit nung hindi na ako bumibisita sa inyo, kumakain ka pa rin."
"Oo na po, sorry na!" natatawa 'kong sabi.
Inilatag ni Blake ang picnic mat at iniayos ang mga pagkain namin. "Uuwi nga pala sila Mom next week, gusto ka nila makausap," paalala 'ko sa kaniya.
Bago siya umupo, pinatong muna niya sakin yung kumot na dala niya. Super lamigin 'ko na kasi.
"Sure. Matagal 'ko naman na sila gustong makausap," nakangiti niyang sabi sa akin.
"Nabanggit 'ko na rin kay Mom na sa bahay ka natutulog so you don't have to worry. Siya na rin bahala magsabi kay Dad," sabi 'ko pa.
"I have my reasons naman kaya I'm not worried."
Alam niyang inaalagaan ako ni Blake kaya pumayag na rin siya nung sinabi 'ko. Nalaman na rin ni Blake na dapat aalis na ako ng bansa nung araw na nawala si Alex.
Hindi naman ako nagsisisi na hindi ako umalis dahil kahit sobrang sakit ng nangyare saming lahat, I was still able to be there for them.
Bumibisita rin si Kurt nung burol ni Alex tinutulungan niya sila Kevin para mag-asikaso ng mga bisita.
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Fiksi RemajaThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...
