Chapter 12

17 0 0
                                    

Brigitte's POV

"Brigitte, hindi ka pa ba gutom? Tanghali na. Bumangon ka na dyan," dinig 'kong sabi ni Manang.

Kanina pa talaga ako gising pero ayoko kasing makita nilang namumugto ang mata 'ko. Hindi 'ko masabi yung totoo dahil baka magalit sila kay Blake..

Nang makauwi ako kagabi, laking pasasalamat 'ko dahil nasa kwarto na sila Manang. Mukha nga akong tanga habang nakasakay sa taxi, umiiyak ako. Pati driver nag-alala sakin.

Hirap na hirap akong huminga kagabi dahil nasobrahan ako sa pag-iyak at malayo layo rin yung tinakbo 'ko.

Until now, tandang-tanda 'ko parin ang mga sinabi ni Blake..

For the nth time, nagriring na naman phone 'ko. Panigurado si Shin o Delanxe na naman ito.

"Hello?" pag sagot 'ko ng tawag.

[Thank God, sinagot mo na ang tawag 'ko!] bungad sakin ni Shin.

"Bakit ba? Kanina pa kayo tumatawag," tanong 'ko.

[Bakit ba? Hoy bruha ka, alam mo ang dahilan 'ko kung bakit ako tumawag,] sabi naman niya.

Hindi 'ko na naman napigilan na tumulo ang luha 'ko. Ano ba yan, hindi na ata naubusan ng luha'tong mata 'ko.

[He-hey, umiiyak ka na naman ba?] nag-aalalang sabi ni Shin nang marinig niya ang paghikbi 'ko. [Pupuntahan ka namin,] dagdag nito.

"Hindi na.. Okay lang ako.. Sa ilang years na pagpapakatanga sa kambal mo, hindi pa ba ako sanay sa ganto?" pilit 'kong tumawa matapos 'kong sabihin 'yon.

Ayoko na kasing alalahanin nila ako. Pinagsasabihan naman nila ako. Ako lang 'tong mapilit.

[Sorry. Tumawag ka samin ni Delanxe kapag may kailangan ka, okay?] paalala niya.

"Okay. Thank you, Babes,"

Binaba 'ko ang tawag at nagsimulang umiyak ulit.

Ang daming 'sana' sa isip simula kagabi. Sana hindi na lang ako sumama sa kanila, sana hindi na lang ako nangulit.

Pero yung nararamdaman 'ko para sa kaniya yung nangingibabaw.

Mas mabuti pa nga siguro na wala akong nagugustuhan eh. Tutal hindi rin naman ito makakabuti sa kalagayan 'ko kaso anong magagawa 'ko? Mas pinairal 'ko pa ang puso 'ko.

Siguro kung si Kurt kasama 'ko kahapon, hindi ako umiiyak ngayon.

'Parang kanina lang kasama mo si Kurt..."

Bigla naman akong napaisip sa sinabi niya. Paano niya nalaman?

Tinignan 'ko ang instagram 'ko. I remember him saying na magpopost siya ng picture namin pero I wasn't able to check it na kasi nga pinagmadali ako ni Delanxe.

Nanlaki naman ang mata 'ko dahil bungad na bungad sa akin.

''A great view with the best view."

I didn't expect this. Tinignan 'ko naman yung mga comments sa picture namin. Mostly, black dragons and cute pandas inaasar kaming dalawa.

Naisipan 'kong bumaba ng makaramdam ako ng gutom. Panigurado kanina pa ako hinihintay ni Manang.

Nakita 'ko naman si Manang na nasa kusina. Nakahain na din yung mga pagkain. It's almost 12 pm. Nagskip na ako sa breakfast, which is ayaw ni Manang.

"Brigitte, okay ka lang ba? Ang lamya mo tignan," nag-aalalang tanong niya sa akin. Pilit 'kong ngumiti at tumango para maitago yung sakit na nararamdaman 'ko.

Tahimik lang akong kumakain. Gusto 'ko ring umalis muna ngayon, gusto 'ko mapag-isa.

Matapos 'kong kumain, agad akong naligo at nagbihis para makaalis. Nagdala rin ako ng ilang damit 'ko. Gusto 'kong magtagaytay.

"Manang, wala po ako dito ng ilang araw. Gusto 'ko po pumunta sa ibang lugar kung saan pwede ako malibang. Text po kita kapag may problema," paalam 'ko kay Manang.

Hindi na ako nagpahatid kay Mang Berto, kaya 'ko naman magcommute at ayoko na siyang mahirapan pa.

Gabi na nang makarating ako dito sa tagaytay kaya hindi muna ako makakapasyal ng maayos. Nagbus lang ako para makarating dito. 2 days lang naman balak 'kong stay, so I think sakto na yung mga dala 'kong damit.

Nandito na ako sa kwarto kung saan ako nakacheck-in. Pinili 'ko talaga yung kwarto kung saan kitang-kita yung mga stars kapag gabi.

Gumagaan kasi pakiramdam 'ko kapag nakakapagstargazing ako.

Pagkatapos 'kong ayusin mga gamit 'ko, nagsearch muna ako ng pwedeng puntahan dito. First time 'ko lang kasi dito eh.

Kaya 'ko kayang lakarin 'tong mga 'to? Parang malapit lang naman eh.

Maya-maya naisipan 'ko na magpahinga, nakakapagod din kasi yung byahe.

Patulog na sana ako ng mag-ring ang phone 'ko.

Kurt calling...

"Hello?" saad 'ko ng sagutin 'ko ang tawag niya.

[Hey, did I wake you up?] tanong niya.

"Hindi naman. Patulog pa lang. Napatawag ka?" tanong 'ko.

[Are you okay? Nabanggit sakin ni Miere yung nangyari. Sana pala hindi na kita pinasama,] malungkot na sabi nito.

"Okay lang ako," sagot 'ko sa kaniya.

[You want to go out tomorrow? My treat,] aya naman niya sa akin.

"Wala ako sa bahay eh. Nasa tagaytay ako, 2 days ako nandito," sabi 'ko naman.

[Sino kasama mo?]

Nang sumagot akong wala, gusto sanang sumunod ni Kurt kaso hindi na ako pumayag.

Matapos namin magkwentuhan ni Kurt, nagpaalam na siya dahil may training pa sila bukas. Nainis pa ako kasi 6:00 am daw yung practice nila, eh halos 1:00 am na rin kami natapos.

Hindi pa rin ako inaantok hanggang ngayon kaya naisipan 'kong pumunta sa balcony, laking pasasalamat 'ko naman ay may upuan dito.

Buti nalang may dala akong hoodie dahil sobrang lamig dito. Tuwing malungkot ako titignan 'ko lang yung mga stars para makalmado yung utak 'ko.

Naisipan 'kong kumain ng noodles, buti nalang may cup noodles ako na dala. Bakit ba? Madali siyang kainin eh. Kaya nga ako nagbaon eh.

Pumasok ako para malagyan ng mainit na tubig yung noodles 'ko at bumalik sa balcony.

Nang maluto na yung noodles, nagpatugtog lang ako habang kumakain.

Bukas pupunta ako sa Peoples Park. Ang ganda nung lugar na yun nakita 'ko sa google. Sayang wala sila Shin, pwede sanang pang'instagram kapag nagpicture.

Pero okay na din 'to, para malibang 'ko sarili 'ko. Para na rin siguro makalimutan 'ko kahit sandali yung problemang dumadating sa buhay 'ko.

Alam 'ko naman sa sarili 'ko na anytime hihina at hihina na yung katawan 'ko ever since na maramdaman 'kong napapadalas na yung mga attacks 'ko.

Family 'ko lang ang nakakaalam tungkol sa sakit 'ko, pero who are they to decide diba? Hindi naman sila yung nahihirapan sa pagpapagamot, ayoko lang naman maging burden sa kanila.

My parents wanted me to go to US para magpagamot, pero I refused. I have this mindset kasi na kung oras mo na, oras mo na.

If this is my fate, then so be it. It is what it is, right?

Ang importante naman sa akin nandiyan pa rin sila Shin para sa akin.

Hindi 'ko masabi sakanila kasi natatakot ako na baka hindi nila matanggap. Baka lagi lang nila akong alalahanin imbes na sarili nila iniintindi nila, imbis na mag-enjoy sila.

Kahit naman lumaban ako, alam 'kong talo pa rin ako sa huli.

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon