Chapter 15

22 0 0
                                    

Brigitte's POV

Nandito na ako sa bahay. Okay na pakiramdam 'ko.

Sabi ni Dr. Sausa kailangan 'ko na talaga iwasan mga bawal sa akin. Since hindi 'ko talaga naiinom mga gamot 'ko, kaya siguro kailangan 'ko pa ng oxygen nung nasa ospital ako.

Ayoko naman na kasi talagang magpagamot, sila lang 'tong mapipilit.

Tumunog ang cellphone 'ko kaya kinuha 'ko naman ito.

Kurt calling...

"Hello?"

[Nakauwi kana ba?] tanong niya agad.

"Oo," simple 'kong sagot.

[Can we meet? I missed you..] mahina niyang sabi.

Pumayag ako na makipagkita kay Kurt kaya nag-ayos ako ng konti at inintay na lang siya.

Maya-maya dumating naman agad si Kurt, namumugto mata niya?

Agad niyang binati si Manang nang makita niya 'to. Anong meron? Parehas malungkot mata nila.

Buong byahe tahimik lang si Kurt, hindi tuloy ako sanay. "Kurt, okay ka lang ba?" tanong 'ko.

"Oo," sagot niya. "Kamusta pagpunta sa tagaytay?" tanong naman niya.

"Masaya. Nakasama 'ko si Blake," sagot 'ko.

Hindi na siya sumagot pa matapos no'n. Napapansin 'ko rin na kanina pa siyang bumubuntong hininga.

"Sama ka sa Palawan ha. Sama mo Black Dragons," nakangiti 'kong sabi.

"Sige. Balitaan ko sila," ngumiti siya matapos no'n.

Nandito na kami sa mall, nagyaya na muna kumain si Kurt para kapag naglibot daw kami hindi kami masyado mapapagod.

Medyo naging madaldal na ulit siya compare kanina. Hindi 'ko lang talaga alam pero kahit ngumingiti siya, tumatawa pakiramdam 'ko ang lungkot pa rin niya.

Habang naglilibot naman kami sa mall, hindi 'ko akalain na mahilig din magshopping si Kurt, halos madaanan naming store pinapasukan namin kaya pati ako napapabili.

"Kaya pa ba? Dami na nating dala," natatawa niyang sabi.

Magkabilang kamay naming dalawa may hawak na eh. "Upo ka muna. Dadalhin 'ko muna 'to sa 'kotse, hintayin mo na lang ako," dagdag pa niya.

Tumango ako at umupo na.

Habang iniintay si Kurt nagcellphone muna ako, hindi na nagreply si Blake sa last message 'ko sa kaniya. Hindi na rin ako nag-abala na magtext sa kaniya, dahil baka makaistorbo pa ako.

Maya-maya naman may nakita akong nakatayo sa unahan 'ko, inangat 'ko naman tingin 'ko at nanlaki ang mata 'ko.

"Blake," tawag ko sa kaniya. Tumabi naman siya sa akin.

"Parang nakakita ka naman ng multo," natatawa niyang sabi. "Mag-isa ka na naman," dagdag pa niya. Umiling naman ako kaya napakunot ang noo niya.

"Ay hindi, kasama 'ko si Kurt. Niyaya niya ako kanina," kwento 'ko. Tumango naman siya at hinawakan na ang wrist 'ko. "Bakit?" nagtataka 'kong tanong.

"Tara. Kain tayo, gugutom ako eh," aya niya sa akin habang nakahawak pa siya sa tiyan niya. Masyado siyang malakas kaya nahila niya ako.

"Huy! Kasama 'ko si Kurt, hahanapin ako no'n," sabi 'ko sa kaniya. Nilingon naman niya ako at sinamaan ng tingin. Napatikom tuloy ako ng bibig.

"Sa akin ka sasama," seryoso niyang sabi. Medyo nakakalayo na kami sa pwesto namin kanina. Itetext 'ko na lang sana si Kurt kaso bigla namang kinuha ni Blake 'yong cellphone 'ko.

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon