Brigitte's POV
Nandito lang ako ngayon sa kwarto since wala na kaming pasok and we don't have any plans nila Shin.
Naisipan 'kong pumunta sa mall mag-isa. Tutal wala na akong magawa dito sa bahay.
Naligo ako at nag-bihis na. Simple lang damit 'ko ngayon, denim short, plain white shirt at rubber shoes. Before going out sa kwarto ko, I made sure na I brought all the things that I need.
Pagkababa 'ko saktong nasa sala si Manang at saktong napatingin naman siya sakin. "Oh saan ka pupunta?" tanong niya. "May laboy kayo?" dagdag nito.
"Sa mall lang po. Mag-isa lang po ako, Manang. Wala naman po kaming usapan sa ngayon," sagot 'ko.
"Sige, tawagin 'ko lang si Mang Berto mo para ihatid ka," sabi naman niya sa akin at tumango nalang ako.
Inintay 'ko si Mang Berto sa labas ng sasakyan at maya-maya naman ay lumabas na siya dala ang susi. "Saan tayo, anak?" tanong niya habang papasok kami sa sasakyan.
"Sa mall lang po. Text nalang po kita mamaya kapag uuwi na 'ko," sagot 'ko. Pinaandar niya na yung 'kotse at naisipan 'kong itext sila Shin.
To: Babes Shin/ Babes Delanxe
'Babes, papunta akong mall. Sama kayo?'
Agad-agad naman silang nag-reply sakin.
'Nope. Kasama 'ko ngayon si Miere eh.' Reply naman ni Delanxe sa akin.
'Ayaw kitang kasama at tinatamad ako. HAHAHAHAHA.' Sagot naman sa akin ni Shin.
Napasimangot na lang ako kaya hindi 'ko na sila nireplyan.
Nagikot-ikot muna ako pagkadating 'ko. Makapagshopping nga.
Kung ano yung makita 'kong maganda, kinukuha 'ko na. May dalawang damit din akong kinuha para kay Shin at Delanxe. I just get all the comfy clothes na nakikita ko. Bigay ko na lang yung mga 'di ko na nagagamit na damit kay Jazz.
Pagkabayad 'ko naman hirap na hirap na akong bitbitin. Bakit ba kasi ang dami 'kong kinuha?
Naglalakad-lakad ako habang nakatingin sa sahig dahil andami 'kong dala kaya hirap akong maglakad baka mamaya madapa pa ako.
May nabangga ako kaya nabitawan 'ko naman mga dala 'ko. "Sorry, sorry. Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaan 'ko eh," paghingi 'ko kaagad ng tawad habang kinukuha yung mga pinamili 'ko.
Inangat 'ko ang tingin 'ko at nanlaki naman ako mata 'ko. "Hi Brigitte," nakangiting bati ni Kurt.
"Uy, Kurt. Sorry ah. Tinatamaan na kasi yung paa 'ko dahil sa mga dala ko, kaya 'di ako nakatingin sa daan," sambit 'ko.
"Chill, okay lang, tulungan na kita. Bakit ba kasi mag-isa ka ngayon?" pagtatanong niya habang kinukuha yung iba 'kong pinamili.
"May ginagawa kasi sila Shin eh. Wala naman akong magawa sa bahay kaya umalis ako mag-isa," sagot 'ko. "May kasama ka?" tanong 'ko.
"May kikitain sana ako, kaso dahil nakita kita, sasamahan nalang kita ang dami mo rin kasing dala eh," sagot niya sa akin.
"Ay! Hindi na! Kaya 'ko naman eh," sabi ko. Nakakahiya naman sa kikitain niya.
"Hindi. I insist, Brigitte. Si Kris lang naman kikitain 'ko, itetext 'ko nalang siya, maiintindihan niya naman yun," nakangiti niyang sabi.
Sinigurado 'ko muna na okay lang kay Kris, kaya tinawagan ni Kurt. Ni'loud speaker pa nito para marinig 'ko namang pumayag si Kris.
"No prob. Actually, 'di pa naman ako ready. Enjoy!" natatawang sagot sa kaniya ni Kris.
Binaba na niya yug phone niya at tumingin sakin. "Okay na? Tara. Kain tayo, libre kita," nakangiti niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Ficção AdolescenteThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...
