Brigitte's POV
"WOOOOOO! PARTY PARTY!" sigaw ng boys pagkapasok na pagkapasok namin sa club na sobrang lakas ng sound. Habang naglalakad kami, nagtatatalon sila. Halatang nag-eenjoy.
Sinundo nila kami sa bahay dahil kasya naman kami sa 'kotse ni Alex. Kasama 'ko na ang buong Cute Pandas. Ang alam 'ko, papunta na ang Black Dragons.
"WALA KA PALA ALEX! MAS MASAYA BIRTHDAY NI BRIGITTE!" pang-aasar ni Kevin. Birthday din kasi ni Alex kahapon. Kaya tuwang tuwa sila kapag malapit na birthday naming dalawa.
"Whatever!" sagot naman ni Alex.
Bumungad sa amin ang disco lights. Sa walls naman may mga LED lights na blue.
May 2nd floor din 'tong club, kaya yung iba 'kong mga kaklase nakita 'kong nandoon may hawak nang mga alcohol. Halos lahat naman ng nandito is nasa legal age na kaya pwedeng-pwede na kami sa ganito.
At nagkatotoo nga na nakablack kaming tatlo. Naka'fitted dress akong black na sleeveless at black boots. Pumunta kami sa isang upuan at do'n pumwesto. Sila Keneth naman kumuha na ng mga maiinom at makakain namin.
"Masyado kang nagpapakita ng balat diyan sa suot mo," bulong sa akin ni Blake. Nakahawak naman ang kamay niya sa bewang 'ko.
"Hayaan mo na," nakangiti 'kong sagot sa kaniya. "Tsaka ngayon lang naman," dagdag 'ko pa.
Nagpaalam ako kay Blake na maglilibot ako para makita 'ko kung maayos ang lahat. Una 'kong sinilip kung saan iseserve yung mga drinks. Nakita 'ko naman yung dalawang lalaki na bartender. Bakit may foreigner dito?
Parehas silang gwapo infairness ha. Ang lalaki pa ng muscles.
"Ma'am, you want to try the blowjob?" agad na tanong niya pagkalapit 'ko. Nanlaki naman bigla ang mata 'ko at sinamaan agad sila ng tingin.
"PERVERT!" sigaw 'ko sa kanila sabay hampas ng shoulder bag 'ko. "BOUNCER!"
"No, Ma'am! Ouch! Ma'am wait!" agad agad namang kinuha nung isa yung bag 'ko. Kaya tinignan 'ko ang name tag niya.
'Tony'
"Give my bag back to me, you pervert! Where's Sir Carl?! Let me talk to him!" sigaw 'ko.
"Ma'am, blowjob is one of the best drink that we serve here. Blow Job Cocktail," paglilinaw niya. Anong klaseng pangalan ng inumin yan? Letche.
Yung isa namang kasamahan niya ay iniabot na yung blowjob thingy drink sa akin.
Bakit may whipped cream 'to? Hinawakan 'ko na yung shot glass at iinumin na sana kaso pinigilan naman ako ni Tony.
"What?!" masungit 'kong tanong sa kaniya.
"That's not right, Ma'am," natatawa niyang sabi. Gumawa pa siya ng isa para maituro sa akin ang tamang pag-inom.
Kinuha niya ang shot glass gamit ang bibig niya at ininom na ng deretso. Hindi ba ako mabibilaukan dito?
Ginaya 'ko naman ang ginawa niya. Ang sarap naman neto.
"First timer?" tanong niya at tumango ako.
"Duh. I'm the one who reserved this," sagot 'ko.
"Wait what?! You're Ma'am Brigitte?" nagulat niyang tanong. "Cool! It's our pleasure to serve you Ma'am," nakangiting sabi ni Tony. May dimples pala siya.
Ngumiti naman na ako pabalik at naisipan nang umalis. Mukhang okay naman sila. "Thank you, Tony. Just call me Brigitte," pagpapaalam 'ko.
"Wait! Before you leave, get this margarita," iniabot na niya yon sa akin tsaka ako umalis.
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Подростковая литератураThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...
