Brigitte's POV
Isang linggo na ang lumipas simula nung makauwi kami galing Palawan. Papunta ako ngayon sa ospital, hindi 'ko alam pero nung nakauwi ako sa bahay kahapon bigla akong sinumpong at hindi ito katulad nang dati 'kong nararamdaman.
"Doc, parang mas lalo ako nahirapan huminga nung nakaraang araw. Hindi siya yung katulad ng dati na pagkainom 'ko ng gamot mawawala na," bungad 'ko kay Dr. Sausa.
Tinignan lang ako ni Doc at huminga ng malalim.
"I already told you, may possibility na magkaron ka ng coronary heart disease, Brigitte. Sigurado akong hindi mo naiinom ang mga gamot na binibilin 'ko sayo, I know you so well. Kapag nalilibang ka, nakakalimutan mo ang mga bagay na dapat mong gawin,"
"Doc, kung magkaron man ako. I don't even care. Hindi 'ko naman mapipigilan 'yon. I'm sorry, okay? If my health is not my priority. "
"CHD can cause death, Brigitte. You know that. I need to check up on you," sabi niya at tumango na lang ako.
Gusto 'ko lang naman mamuhay na parang normal at 'yon ang gagawin 'ko.
Umalis na ako sa hospital. Pupunta pa kasi kami sa bahay ni Blake. Yup, invited ako. He texted me pero hindi naman ako nagreply. Pinilit lang din ako nila Shin na pumunta.
Nalaman 'ko naman din na may boyfriend na si Shin. SO AKO NALANG SINGLE GANON?!
Saktong dumating ako kararating lang din ng Cute Pandas at si Delanxe. Sabay-sabay kaming pumasok at ang ingay-ingay namin na para bang ilang taon hindi nagkita-kita.
"Ayan mga ganyan kayo! Hindi niyo kami niyayaya!" sigaw ni kuya Jonas habang papasok kami mula sa pinto.
Nakita 'ko naman si Blake na nakatingin sakin at katabi naman nito ang kambal niya. Lumapit si Kris kay Shin na nakasabay din namin. Mukhang kami na lang talaga ni Delanxe ang huli sa balita. Nakakatampo ha.
"SHIN IRIS BAUTISTA TUAZON! LABAS! NGAYON NA!" napatingin naman ako kay Delanxe na siyang sumigaw. Hindi niya ba alam na may katabi siya?
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Shin sa kaniya kaso ang bruha inirapan lang ang kaibigan namin at naglakad na palabas.
"Dapat ba 'kong maging supportive bestfriend at sundan siya palabas?" tanong 'ko kay Shin. Hindi 'ko naman kasi alam kung para saan yung pagsigaw ni Delanxe.
"Depende kung kanino ka kampi," natatawang sabi naman ni Kurt na kadadating lang kasama ang ibang Black Dragons.
"Nag-away ba kami?" tanong ni Shin sa kaniya.
"Ay hindi ba?" tanong rin ni Kurt habang tumatawa.
"I don't find anything funny," sarkastikong sagot sa kaniya ng bestfriend 'ko. Nilakihan 'ko na lamang mata 'ko kay Kurt.
Sumunod na kaming dalawa at nakita namin si Delanxe sa swing sa garden."Anong problema mo diyan?" bungad ni Shin sakaniya.
"Oo nga, ba't bigla-bigla kang sumisigaw?" tanong 'ko sa kaniya.
"Kailangan ba lagi kami ni Brigitte ang huling makakaalam ng balita tungkol sayo?" tanong niya kay Delanxe. Problema nito?
"Anong drama na naman 'to?" pagtatanong ulit sa kaniya ni Shin.
"Ilang beses na kasi nangyari na kami yung huling nakakaalam ng mga nangyayari tungkol sayo, tulad niyang kay Kris. Kami yung huling nakaalam," sabi naman sa kaniya ni Delanxe.
At nagsagutan lang silang dalawa. Mukhang silang dalawa lang naman may issue.
Tsaka ang drama nito ni Delanxe, kung ako nga walang problema nung nalaman 'kong may boyfriend na si Shin. Si Shin ba nagkaproblema nung naging boyfriend niya si Miere?
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Novela JuvenilThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...