Chapter 40

15 0 0
                                        

Brigitte's POV

Maaga akong nagising kahit pagod na pagod pa ako. Stressed na talaga ako, hindi na ako nakakapagpahinga ng maayos.

Bumangon na ako para makakain. Hindi na kami gaano nagkakasama ni Blake ngayon dahil nga sa dami ng ginagawa.

Pero minsan naman pinupuntahan niya ako dito sa bahay, pero ngayon ang alam 'ko hindi kami magkikita dahil may lakad siya. Ewan 'ko lang kung saan, hindi na rin naman ako nagtanong.

"Manang, good morning," bati 'ko sa kaniya pagkababa 'ko. "Huy Jazz, ngayon lang ulit tayo nagkita. Bakit hindi kita nakita nung birthday 'ko?" nagtataka 'kong tanong. Ngayon 'ko lang naalala yun.

"Nandoon ako," natatawa niyang sabi. "Kasama 'ko si ano..." hindi na niya naituloy yung sasabihin niya. Bakit namumula 'to?

"Sino?" tanong 'ko at umiling na lang siya.

Pagkatapos kumain, naisipan 'kong maglakad sa labas. Nagsuot lang ako ng dolphin shorts, shirt, and slippers.

Nakarating ako sa playground kung saan madaming batang naglalaro. Kaya naupo naman ako para panoorin sila.

Maya-maya naman may lumapit sa akin na batang babae at tinabihan ako. "Oh. Ayaw mong makipagplay sa kanila?" nakangiti 'kong tanong.

"Gusto po. Pero nakita po kasi kitang mag-isa kaya sasamahan na lang po kita," masaya niyang sabi. "Ano pong name mo, Ate?" tanong niya.

Ang cute cute naman nito. Naka'pig tail siyang ipit, nakakagigil pa pisngi niya, isama na rin ang dimples niya.

"Brigitte. Ikaw?" tanong 'ko naman sa kaniya. Inayos 'ko naman yung bangs niya na hinahangin na.

"Ellise po. Tara ate, sali tayo sa kanila," aya niya. Bago pa ako makatanggi hinila na niya ako papunta sa mga bata.

"Uy sali natin si Ate Brigitte. Wala kasi siyang kasama eh," paliwanag naman ni Ellise sa kanila.

Agad naman pumayag yung mga bata. Maglalaro daw kami ng patintero, kaya tuwang tuwa yung mga batang kakampi 'ko.

"Ang daya! Dapat kami rin merong matangkad na kasama eh," reklamo naman nung isang batang lalaki. Andie yata pangalan nito.

Lumingon lingon siya sa paligid niya. Ako naman iniintay lang sila habang nakangiti. "Ayun oh! Wait lang ha," tumakbo si Andie palayo sa amin at may nilapitang isang lalaki.

"Huy, anong ginagawa mo dito?" tanong 'ko kay Kurt nang makalapit siya.

Nginitian niya naman ako habang kinakamot ang ulo at yung isang kamay naman niya ay hawak yung kamay ni Andie.

"Dinala 'ko yung gamot mo eh. Sabi nila Manang lumabas ka. Kaya hinanap kita," sabi niya.

"Kumpleto na! Game na!" sigaw ni Andie.

Yung grupo 'ko ang taya, kaya pumwesto naman na agad ako sa pinakaunahan. Si Kurt naman nakangiti sa akin ng nang-aasar.

"Burot kayo niyan. Paano ba yan?" pang-aasar niya at inirapan 'ko naman siya.

Nakipag-apir na sa akin si Kurt bago nila ako lagpasan. Agad naman din akong pumunta sa gitnang linya para bantayan si Kurt at si Andie.

Aakmang tatakasan ako ni Kurt pero hindi siya nakalusot. Kaso dahil maliit si Andie, hindi 'ko napansin na nalusutan na niya ako. Si Kurt naman tawa lang ng tawa.

Mabilis si Andie na nakatakas sa lahat ng kakampi 'ko kaya agad naman na akong nagbantay sa unahan.

"Ate, palusutin mo ako," hinihingal niyang sabi sa akin at tinawanan 'ko lang siya.

"Hindi pwede," sagot 'ko lang sa kaniya.

Nakalusot na rin si Kurt kay Lea na pangalawa sa linya namin at tinakasan na rin ang mga kakampi 'ko.

"UBE!" sigaw ni Kurt. Sumimangot naman ang mga kakampi 'ko.

"Bawal sumimangot! Okay lang yan. Madaya lang talaga Kuya Kurt niyo!" sigaw 'ko at pinalo naman ng mahina ni Kurt balikat 'ko.

"Hoy! Hindi naman!" reklamo niya.

Ilang beses kaming naglaro ng patintero hanggang sa magsawa kami. "Mataya-taya naman!" sigaw ni Ellise. Bumilog na kami para malaman kung sino ang taya.

"Mata-mata-mataya, taya!" nagtakbuhan na kaming lahat para makalayo kay Kurt. Nagkunwari pa siyang nagstretching at nagtawanan naman lahat ng bata.

Hinabol niya yung isa pang bata at agad naman niya ito nataya. Sumimangot muna yung bata bago ito tumakbo ulit.

"ANG BILIS NAMAN TUMAKBO NI KUYA KURT EH!" reklamo niya habang hinahabol ako.

Nang makaramdam ako ng pagkapagod, tumigil na ako sa pagtakbo at nagpataya na. Huminga muna ako ng malalim para makahinga ng maluwag.

Hinabol 'ko si Andie na ngayon ay malapit sa akin. Kaso ito yata best player dito, ang bilis tumakbo eh.

Napatigil naman na ako sa pagtakbo dahil sumakit bigla ng sobra ang puso 'ko. Lumapit naman ako sa isang puno para hindi ako matumba.

Nilapitan din ako ni Ellise. "Ate, okay ka lang po?" nag-aalala niyang tanong. Humawak naman siya sa damit 'ko.

Tinignan 'ko naman siya kahit nanlalabo ang mata 'ko. Tumango ako at nginitian siya. Pumikit naman ako at umiling iling. Baka sakaling luminaw ang paningin 'ko.

Napahawak naman ako ngayon sa dibdib 'ko na sobrang sumasakit.

"Brigitte! Brigitte!" bago pa ako makasagot kay Kurt naramdaman 'kong patumba na ako.

---

Dumilat ako nang maramdaman 'kong may humawak sa ulo 'ko at hinimas himas ito. "Kurt?" tawag 'ko sa kaniya.

Napatayo naman siya at tinignan ako. "Okay na ba pakiramdam mo?" tanong niya agad sa akin. Naka'oxygen na naman pala ako at nanghihina pa rin ako.

Umiling naman ako. "Nanghihina pa rin ako," malumanay 'kong sabi. Pinindot naman niya yung button para may pumunta nurse sa akin.

Wala pang isang minuto may pumasok na nurse kasama si Dr. Sausa. Mukhang malungkot.

Lumapit naman siya sa akin at si Kurt ay tumabi. Si Manang naman tahimik lang na nakatingin sa amin. Mukhang bagong iyak pa.

"Brigitte, we did a chest X-ray again. And we got the result," pagsisimula ni Doc.

"Bakit ang bilis naman, Doc?" nagtataka 'kong tanong.

"You've been here for 2 days, Brigitte. And I advice you to stay here for a week so we can monitor you," sagot sa akin ni Dr. Sausa. Ngayon lang ako nagising?

"Ano po resulta?" tanong 'ko.

"Sobrang laki na ng damage sa puso mo, Brigitte. Hindi na sapat yung dugong dumadaloy sa puso mo. Hindi mo ba napapansin? Sobrang laki na ng pinayat mo," malungkot na sabi ni Doc.

"Doc, is there any way pa po?" singit naman ni Kurt.

"We can do a heart transplant, pero kailangan pa natin makahanap ng compatible para kay Brigitte. Pero we can't be sure kung kaya pa ng katawan ni Brigitte," sagot naman ni Doc.

Habang nakikinig naman ako sa kanila. Unti-unting pumapatak ang luha 'ko. Konting oras na lang ba?

Napatungo naman si Kurt at huminga ng malalim. "What's your plan?" tanong sa akin ni Doc.

"Same lang, Doc. Thank you," nanghihina 'kong sabi.

Lumabas naman si Manang nang marinig ang sinabi 'ko habang umiiyak. Nakita 'ko namang may pumatak na luha sa mata ni Dr. Sausa.

Si Kurt naman hindi tumitingin sa akin, pero kita 'kong namumuo ang luha sa mga mata niya.

"Kurt," tawag 'ko. Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang kamay 'ko. "Thank you," sabi 'ko. Pinunasan naman niya ang luha 'ko.

"Salamat kasi naging kaibigan kita at higit sa lahat boy bestfriend 'ko," nakangiti 'kong sabi sa kaniya.

Tumulo na ang luha niya at agad niya naman pinunasan ito. Hinalikan naman niya ang noo 'ko. "You're welcome, Brigitte. Thank you rin," nakangiti niyang sabi.

Ito na nga talaga.

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon