Brigitte's POV
Break time namin ngayon at kasama 'ko sila Shin. During this time na lang talaga kami nagkakasama.
"So natutulog nga sa inyo kambal 'ko?" tanong sa akin ni Shin. "Buti hindi niya naaabutan sila Tita," dagdag pa niya.
"Eh alam niyo namang minsan lang 'yon umuwi. Tsaka okay na ring maabutan niya si Blake sa bahay. Para maipakilala 'ko na rin siya," pagpapaliwanag 'ko.
He's been sleeping sa house for quite some time na. May mga gamit na nga siya sa kwarto 'ko. Nagsasabi naman ako kay Manang at okay lang naman daw sa kaniya para rin nababantayan kami kahit papaano.
Alam naman niyang pwede siyang pumasok sa kwarto 'ko anytime eh.
Gusto 'ko lang lumambing at para na rin masulit yung mga araw na kasama 'ko siya.
"Kamusta kayo ni Mierre?" tanong 'ko naman kay Delanxe.
"Wala naman. Gano'n pa rin," sagot naman niya sa akin. "Ikaw Shin kamusta na kayo ni Kris?"
"Okay lang naman. Masaya kami. Inggit ka?" pang-aasar ni Shin.
"As if," maiksing sagot naman ni Delanxe sabay irap.
Tumunog na ang bell kaya bumalik na kami sa room. As usual tamang pakikinig lang sa lessons. Dalawang subject pa kasi kami bago mag-uwian. Inaantok na rin ako, ano ba naman yan.
"Good morning, mga anak," masayang bati sa amin ni Mama Beth. "May volunteer ba tayo diyan?" nakangiti niyang sabi.
May mga nagbukas ng libro para icheck kung anong kabanata na kami. Madami kasing kabanata ito, pero mas mahaba ang El Filibusterismo sa pagkakaalam 'ko.
Kabanata 20 na pala. Nagtaas ako ng kamay para magvolunteer. Maikli lang naman eh. Agad naman akong tinawag ni Mama Beth.
Napatingin ako sa lamesa na pinagpatungan 'ko ng libro at napalunok. Kinabahan naman ako bigla.
Napatingin naman ako kay Blake na ngayon ay nakangisi sa akin. Tignan mo 'to nang-aasar pa.
Pinanlakihan 'ko siya ng mata kaya umiwas naman siya ng tingin sakin habang tumatawa.
Pati yung dalawa 'kong bestfriend napansin 'kong tumatawa rin.
"Ang tatalakayin natin ngayon ay ang Kabanata 20: Ang Pulong Sa Tribunal."
Sinummary 'ko ang part na yon para hindi 'ko na siya gaano kailangan tumingin sa libro.
Tahimik namang nakikinig ang mga kaklase 'ko pati si Mama Beth kaya feeling okay naman ang pagkwento 'ko sa kanila.
"Ang aral dito sa Kabanata 20 ay sa pagtitimbang ng mga layunin at laging alalahanin ang karapatan natin, kalagayan natin at higit sa lahat ay ang kasiyahan natin laban sa bilang ng iilan lamang. Yun lamang at maraming salamat."
Pagkaupo 'ko ay nag-explain lang si Mama Beth tungkol ulit do'n sa Kabanata 20, at nagpasalamat sa akin.
Kaya nang matapos siya ay muli ulit siyang naghanap ng volunteer at marami naman na nagtaas ng kamay kasama na doon ang dalawa 'kong bestfriend.
Natapos kami sa Kabanata 25 at nag-announce na si Mama Beth tungkol sa requirements na ipapasa namin next week kasi finals na namin which means tapos na ang 1st grading.
"Ipapasa niyo yung notebook niyo sa akin sa martes, sa araw na may exam kayo sa akin. Lunes at Martes ang exam niyo ha," pagsisimula niya.
"8:00 am pa rin pasok niyo. Iaannounce sainyo ni Brigitte mamayang gabi ang pinakaschedule niyo," pagpapaalala ni Mama Beth sa amin.
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Genç KurguThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...
