Chapter 48

19 0 0
                                        

Brigitte's POV

"Mahal, we're here," nagising ako sa pagtapik ni Blake sa akin at tumingin sa paligid.

TOUCH DOWN BATANES!

Tumingin ako kay Blake at nginitian siya. "Thank you," sabi 'ko sa kaniya.

"I love you,"

Inilalayan niya ako at pinauna na bumaba ng eroplano habang dala ang maliit 'kong baon na oxygen.

Hindi 'ko alam kung gaano kami katagal ni Blake dito, sila kasi nila Mom ang nag-asikaso ng mga papeles.

Sa pababa ng eroplano may nakaabang na agad na wheelchair para sa akin, ang alam ko may cinontact na dito sila Mom para mas mabantayan ako.

"Good afternoon po," nakangiting bati sa akin nung babae na nurse ata. Umupo na ako sa wheelchair at si Blake na ang nagtulak sa akin.

"Thank you," dinig 'kong sabi ni Blake sa nurse.

Pumasok na kami sa airport at pumunta ng baggage carousel.

"Parang nag-iinarte lang naman, nakawheel chair pa," narinig naming sabi nung isang matandang babae.

Nagkatinginan kami ni Blake at nakita 'ko yung inis sa mga mata niya kaya agad 'ko siyang inilingan. "Okay lang 'yan," mahina 'kong sabi sa kaniya.

"Sobrang hassle kaya kanina, like nakaharang pa sila kanina nung pababa tayo ng airplane. I saw her walking naman eh, bakit pa kailangan magwheel chair di'ba?" maarte niyang sabi sa kasama niya.

I think she's around 40's. Typical titas.

"Excuse me, are you bitches talking about my girlfriend?" malamig na sabi ni Blake.

"May iba pa bang girl na nakawheel chair dito?" maldita naman niyang sagot kay Blake.

"And excuse me, how dare you call us bitches?" inis na rin niyang tanong.

"Do you really think that we should respect the both of you?" malamig na sabi ni Blake.

Hinawakan 'ko na ang kamay ni Blake kaya tumingin ulit siya sa akin.

"It's okay, we can call a security naman eh. I think kakilala naman ni Dad yung may-ari nitong airport. Hayaan na lang natin sila ang kumausap," pagpapakalma 'ko kay Blake.

Hindi naman talaga totoo sinabi 'ko, baka lang matakot sila sa sinabi 'ko.

Magsasalita pa sana muli yung babae dahil halata na sa kaniya na napikon siya pero hindi na siya nakapagsalita nang kunin na ni Blake yung luggage namin at agad silang tinalikuran.

Pagkalabas namin ng airport may nakaabang na agad kotse na sa labas at may isang lalaki na may hawak na papel na may pangalan namin.

"Hello po, Miss Brigitte and Sir Blake," bati niya sa amin.

Tinulungan niya si Blake na ilagay ang gamit namin at pagkatapos nito ay iniabot na niya yung susi ng kotse kay Blake.

Inalalayan nila ako na makapasok sa kotse. "Kuya, okay lang po ba na hindi na ako magwheel chair? Ang hassle po kasi para sa boyfriend 'ko," pakiusap 'ko.

"Mahal, it's fi—"

"Please kuya?" Tanong 'ko.

Tumingin muna yung lalaki kay Blake bago tumango.

Pagkapasok ni Blake sa kotse, tumingin na muna siya sa akin. "Let's enjoy, okay?" mabilis 'kong sabi sa kaniya.

"OKAY BATANES! HERE WE COME!" sigaw niya at napatawa naman ako.

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon