Brigitte's POV
Almost 12 pm na nang magising ako at wala na akong kasama sa kwarto. Talagang iniwan ako? Naligo ako at nag-ayos bago lumabas. Gutom na ako, na'skip 'ko pa breakfast 'ko.
Pagkababa 'ko, nakita 'kong naglalaro sila Shin malapit sa beach. Tignan niyo 'tong mga 'to, kaya pala tuluyan na akong nakalimutan. Naglalaro ng volleyball.
"GOOD AFTERNOON!!!"
"PUTA!" sigaw 'ko. Muntik na akong madulas dahil sa gulat! Napahawak ako sa puso 'ko nang maramdaman 'tong kumirot.
Agad namang lumapit sakin si Kurt. "Brigitte, sorry. I didn't mean to, are you okay?" nag-aalala niyang tanong sakin. "I'm really sorry."
Tinignan 'ko naman si Kurt at nakita 'kong sobrang nag-aalala siya. Tinignan 'ko siya ng masama at binatukan ng malakas para hindi mahalatang may masakit sakin.
"Aray naman!" reklamo niya.
"Hayop ka, nagulat ako!" sigaw 'ko sa kaniya.
"Sorry na nga, ano okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" tanong niya na naman.
"Oo okay lang ako," sagot 'ko naman.
Naglakad na kami papunta sa cottage dahil nandon na ulit yung iba. "Magaan na pakiramdam mo?" tanong niya.
"Yeah. Kilala mo naman ako," nakangiti 'kong sabi sa kaniya.
"Sorry hindi ako nakapagpigil kagabi. Medyo may tama na rin kasi ako," paghingi niya ng paumanhin.
Sinabayan ako ni Kurt kumain, sabi niya inintay daw talaga niya ako kasi alam na niyang wala akong kasabay pagkagising 'ko.
Nagkekwentuhan lang kaming dalawa habang kumakain, pero mabilis kaming natapos at naisipan mag-swimming.
Nakita ako nina Shin at Delanxe agad silang lumapit sakin. "Buti naman at naisipan mong gumising. Akala 'ko buong araw ka nakahiga eh," bungad ni Shin sa akin.
"Good morning din, Babes," sabay kiss sa mataba niyang cheeks.
"YUCK!!!!" sigaw niya habang nakasimangot.
"Tara swimming na!" sigaw ni Keneth na nasa dagat na. "Dalhin niyo na si Shin dito, kanina pa yan gising, pero kumakain lang!" dagdag niya pa.
"Bwisit ka!" sagot naman ng mabait 'kong kaibigan.
"Kumain ka na, Brigitte?" tanong sakin ni Delanxe at tumango naman ako. "Magbihis kana, swmming na tayo," dagdag pa niya.
Bumalik ako sa kwarto para magpalit, ayoko na magtwo piece kaya buti na lang may dala akong rash guard na may kapartner na short.
Pagkalabas 'ko nakita si Blake kaya napatigil ako. Nagkatitigan kami pero agad naman akong umiwas. Yung ekspresyon niya kasi iyon ang pinapakita niya sakin noong hindi pa siya galit sakin
Naglakad na ako palayo at nilagpasan siya.
"Brigitte..." pagtawag niya sakin pero hindi 'ko siya nilingon, pinilit 'kong hindi lumingon. Ayan na naman siya.
Nakarating ako sa cottage. Si Shin at Delanxe tinatabunan ng buhangin si Miere. Yung mga iba namang kasama namin nags'swimming pero syempre itong si Kurt nandito sa cottage, hindi pa rin umaalis sa tabi 'ko.
"Buti naman ang hindi ka na naka'swimsuit," nakasimangot niyang sabi.
"Mamaya pa," pang-aasar 'ko sa kaniya. Halos lahat yata sakanila conservative!
Makalipas ang ilang oras, nandito kami malapit sa dagat nagb'bon fire. Puro kwentuhan, confessions. Ang daming kwento ng ibang players ng CP at BD, ngayon 'ko lang kasi sila nakasama ng sobrang tagal at hindi 'ko naman din sila masyadong close. Si Kris hindi nakikisali dahil kausap si Shin. Si Delanxe at Miere rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/88310158-288-k672345.jpg)
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Novela JuvenilThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...