Brigitte's POV
It's already been a month since our last talk. After nung call, hindi na siya nagparamdam sakin.
Delanxe has been calling and texting me, pero hindi 'ko na siya sinasagot. Pero one day bigla nalang siyang hindi nagreach-out hanggang sa nagtuloy-tuloy.
Shin's mad at me. Nalaman niya yung nangyare sa parking. I even got slap from her nung sinugod niya ako sa bahay. She doesn't want to talk to me anymore.
"My brother has been a fucking miserable because of you."
I received a lot harsh words from her, kahit si Kris hindi na siya naawat. Tinanggap 'ko lang lahat yun. I deserve it.
In the end nalaman na ng buong barkada ang nangyari. Wala naman nang nag-approach sakin. Mas okay na rin yon. Gusto 'ko nalang na magalit silang lahat sakin.
Dumating na rin pala yung papers na kailangan 'ko para makasunod na kila Mom. Ngayon din ang alis ko.
"Anak, mag-iingat ka ha. Mahal na mahal ka namin," malungkot na sabi sa akin ni Manang sabay yakap sa akin.
Last na maleta na yung inaayos namin. 3 maleta, isang backpack lang ang dadalhin 'ko. Hindi naman na ako bibili ng mga bagong damit do'n.
Mahirap sa akin na umalis ako pero ito lang yung paraan para hindi na sila mahirapan kapag nawala na talaga ako.
6:00 pm na at maya-maya aalis na kami. Mabuti nang gabi yung flight 'ko.
"Manang, hindi po ba dumadalaw si Blake?" tanong 'ko.
Narinig 'ko naman ang buntong hininga niya bago sumagot. "Hindi pa, anak eh,"
"Magiging okay naman siya di'ba?" malungkot 'kong tanong.
"Magiging okay siya pero yung mga tanong sa isip niya ay hindi mawawala," nag-aalalang sabi ni Manang.
Hindi 'ko na rin nakita si Blake after nung call namin. Tamang stalk na lang ako sa stories ng barkada. Lagi lang silang naghahang-out.
Mukha naman silang masaya, okay na ako don.
Pagkatapos namin mag-ayos ni Manang ng gamit 'ko, naligo na ako. 4 hours before my flight dapat nasa airport na ako eh.
Yung uniform ni Blake at iba niyang damit nasa closet 'ko pa rin. Bibilinan 'ko na lang si Manang na dalhin sa bahay ni Blake kapag nakaalis na ako.
Araw-araw na rin ako inaatake kahit wala na talagang trigger.
Ilang oxygen na yata ang nauubos 'ko, buti na lang kinakaya pa ng katawan 'ko kahit hinang hina na talaga ako.
Gusto 'ko pa talagang makita si Blake eh..
Narinig 'ko namang may tumatawag sa cellphone 'ko kaya agad 'ko itong kinuha.
Keneth calling...
First time tumawag nito sa akin.
"Hello?" bungad 'ko.
[Nasaan ka?] natatarantang tanong ni Keneth sa akin.
"Nasa bahay, bakit?" tanong 'ko.
[Papunta na kami diyan,] deretso niyang sabi.
"Ano?! Bakit? M-may pupuntahan ako," nagsimula na akong mataranta dahil ngayon ang flight 'ko at pupunta sila dito!
[Nasa ospital si Alex.]
Hindi na ako nakapagpaalam kay Keneth dahil mabilis akong kumuha ng gamit na kakailanganin 'ko. Pagkatapos no'n bumaba na ako at dumeretso sa labas.
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Teen FictionThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...