Brigitte's POV
Hindi na ako ulit masyadong nakatulog matapos 'kong marinig yung sinasabi nung lalaki kagabi.
6:00 am na nang magising ako, for sure tulog pa sina Delanxe at Shin. Medyo masakit din ulo 'ko.
Bumangon ako at lumabas. Pumunta muna ako sa banyo para maghilamos at magtoothbrush buti nalang may dala ako palaging maliit ng toothbrush.
Pagkatapos no'n ay dumeretso na ako sa kusina. Medyo close na kami ni Delanxe kay Kuya Jonas dahil dati lagi kaming nasa bahay nila Shin kaya I know na he's okay with it kung makikigulo na 'ko sa kitchen.
Umupo ako sa upuan dito sa dining. Mukhang ako palang talaga gising.
Nilabas 'ko ang phone 'ko para maglaro ng 2048.
Hinding-hindi 'ko talaga mabeat ang highscore dito ni Shin.
Nagulat naman ako ng biglang may nagsalita. "Ba't gising ka na?" napalingon ako sa nagsalita at nakita 'ko si Blake agad naman na bumilis bigla ang tibok ng puso 'ko.
"Uh--uhm.. Hindi 'ko alam," pagsagot 'ko.
"What?" kumunot ang noo niya ng tanongin ako at umiling na lang ako.
Kumuha siya ng gatas sa ref at umupo kaya ito ngayon magkaharap na kami. "Do you want milk?" he asked.
"Ay, I don't drink milk unless may sugar," nahihiya 'kong sagot sa kaniya. Nilibot 'ko nalang yung tingin 'ko sa bahay habang siya naman ay may ginagawa.
"Here,"
"Hmm?" tanong 'ko.
"Here's your milk. Nilagyan 'ko yan ng sugar. Let me know if you need more," dere-deretso niyang sabi sabay upo. Magkaharap na kami ngayon.
After that, ni isa walang nagsasalita sa amin. Parehas lang naming iniinom yung gatas.
Tumingin ako sa kaniya at naglakas loob na tanungin siya. "Ikaw ba naglipat sa akin sa guest room?" deretso 'kong tanong at napatingin naman siya sa akin.
"Sinasabi mo?" tanong niya.
"Nakatulog kasi ako kagabi sa sofa. Then, nagising ako nung may bumuhat sakin. That's all," kwento 'ko.
"Malay 'ko. Baka si Kuya," sagot niya sa akin. I feel like its him.
'I was raised hiding my feelings and never showing it to everyone...'
Makalipas ang ilang minuto ay wala na namang nagsasalita ni isa sa amin. Nakakatakot kasing makipag-usap sa kaniya. Baka kapag may mali akong masabi, magalit agad siya sa akin.
"Blake," pagtawag 'ko sa kaniya. Kahit nahihiya ako, kakapalan 'ko na talaga mukha 'ko. Makuha 'ko lang number niya. Jusko po.
"What?" tanong niya habang nilalaro lang yung baso sa harap niya.
"Pwede ba mahingi number mo?" nahihiya 'kong tanong. Hindi ko alam kung papayag siya pero gusto 'ko talaga makuha number niya. Minsan 'ko lang siya makausap, kaya lulubusin 'ko na.
Napatingin siya sa akin at kumunot ang noo. Nginitian 'ko siya pero iniwas niya rin agad ang tingin sa akin. "O-okay. Give me your phone," sagot niya.
Inabot 'ko agad sa kaniya ang cellphone 'ko at kinuha naman niya ito.
Sana maging maging close kami ni Blake. That's okay with me. It's just that every time na nakikita 'ko kung paano siya naiinis sakin kada approach 'ko sakaniya, nasasaktan ako and it's not good for me..
Binalik na niya sa akin yung phone 'ko nang tignan 'ko ito nakasave na ang pangalan niya.
'Blake :)'
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Dla nastolatkówThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...
