Brigitte's POV
First day namin ngayon ni Blake kaya sobra akong excited makita siya. Alam din nila Manang yung nangyari kagabi dahil nakita daw kami ni Jazz at vinideo pa kami.
Kaya si Manang nang-aasar din, pero hindi niya nakalimutan magbilin.
"May karapatan siyang malaman, Brigitte."
Alam 'ko naman, pero ayoko namang maging burden agad ako kay Blake. Kaya 'ko naman sarili 'ko, basta ang importante naman masaya ako diba?
Bumaba ako dahil papasok na ako kaso mukhang matatagalan pa ako dahil naabutan 'ko si mang Berto na kumakain at mukhang bagong gising pa.
"Okay ka lang po ba mang Berto?" bungad 'ko sa kaniya. Madalas kasing maaga siyang nagigising, nauunahan niya pa si Manang Lina.
"Oo naman, anak. Mukhang hindi 'ko na nga yata kailangan magtrabaho," napakunot naman ang noo sa sinabi niya.
"Po? Magreresign na po ba kayo?" tanong 'ko. Parang biglaan naman kasi eh.
"Hindi, Brigitte," natatawa niyang sagot kaya mas lalo ako naguluhan. "Yung boyfriend mo kasi nandiyan na sa labas. Kanina ka pa hinihintay," nakangiti niyang sabi.
Nandito na agad si Blake?
Tumakbo ako palabas at nakita 'ko naman ang gwapo 'kong boyfriend na nakasandal sa kotse niya kaso nakakunot ang noo. Naglakad naman siya palapit sakin at agad na hinawakan ako sa bewang.
"Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako nandito," malamig niyang sabi sabay halik sa pisngi 'ko.
"Hindi mo naman kasi sinabi eh. Sorry."
Pagkatapos niyang buksan yung pinto sa passenger seat para sakin, naglakad na siya papunta sa driver's seat. Alam na kaya nila Shin?
Naglalakad na kami ngayon papunta sa room. Halos lahat ng nakakasalubong naming, pinagtitinginan kami. Hindi rin nawawala yung mga bulungan nila, as if naman na bulong yon, naririnig 'ko naman.
"Bakit sila magkasabay?"
"Halatang napipilitan si Blake oh. Walang kaemo'emosyon yung mukha"
Nawala na sa isip 'ko na hatid sundo niya nga pala ako pero lagi siyang nauuna sa akin. He explained that ayaw niya kasi makarinig ng sasabihin ng ibang tao about sakin.
Napatingin naman ako sa kasabay 'ko nung marinig 'ko 'yon. Meron naman siyang emosyon. Yung inis na Blake.
Totoo kayang napipilitan lang siya? Kanina pa rin siya walang imik, habang nasa byahe kinakausap 'ko siya, tango at iling lang. May ginawa ba 'ko?
"Mahal,"
Nabigla naman ako ng may kumakaway sa mukha 'ko, kanina pa pala kami nasa tapat ng room.
"Huh?" nagtataka 'kong sagot. Mahal? Siya ba tumawag sakin no'n? "Ako ba?" tanong 'ko sa kaniya.
"Bakit? May iba pa ba akong mahal? May iba pa bang Brigitte Anne Alcantara sa mundo?" sagot niya.
Hindi 'ko naman mapigilan na ngumiti at pisilin ang pisngi niya. "Cute mo 'no?" sabi 'ko habang deretsong nakatingin sa mata niya.
"I love yo--" naputol ang sagot niya ng may tumikhim sa harap namin. Ano ba naman yan, istorbo.
"Tabi nga. Kalat niyo," masungit na sabi ng kaibigan 'ko. Eh sino pa nga ba? Edi si Shin Iris Tuazon. "Hoy kambal, ingatan mo yang kaibigan 'ko ha. Mahina puso niyan."
Nanlaki naman ang mata 'ko dahil sa sinabi niya. Kaya napatingin ako kay Blake na nakakunot na ngayon ang noo. "Anong mahina ang puso?" seryosong tanong niya kay Shin.
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Novela JuvenilThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...
