Chapter 45

10 0 0
                                        

Brigitte's POV

Nagising ako nang maramdaman 'kong may mahigpit na humahawak sa kamay 'ko. Idinilat 'ko ang mga mata 'ko at bumungad sa akin ang taong pinakamamahal 'ko.

Nakatungo siya ngayon habang mahigpit na nakahawak sa kamay 'ko.

Tinanggal 'ko yung oxygen mask na nakakabit sakin para makapagsalita. "Blake.." mahina 'kong tawag sa kaniya.

Mabilis niyang iniangat ang ulo niya at bumungad sa akin ang magang-maga niyang mga mata pati ang mga luha niya na patuloy sa pagpatak.

Tumayo siya at niyakap ako ng sobrang higpit. Mas lalo 'kong narinig ang pag-iyak niya. "Why are you crying?" tanong 'ko. "Stop na."

"I thought I lost you.." umiiyak niyang sabi.

Humiwalay ako sa yakap niya at pinunasan ang mga luha niya. Muli siyang umupo at hinawakan ang kamay 'ko. "Why you didn't tell me?" malungkot niyang tanong.

"I just don't to be burden. Ayaw 'kong alalahanin niyo ako palagi, at mas importante kayo kaysa sa akin," sagot 'ko.

"Aalagaan kita kasi mahal kita, Brigitte. Mas kailangan mong alagaan ang sarili mo."

"But it's too late for that," malungkot 'kong sabi. Ipinikit niya ang mga mata niya at nakita 'ko kung paano tumulo ang mga luha niya.

Hinalikan niya ang kamay 'ko habang umiiyak. Ito yung araw na kinakatakutan 'ko. Nagsisimula nang humina lalo ang katawan 'ko.

Siguro dahil alam naman na nila, susulitin 'ko na yung araw na kasama sila.

"Please, don't leave me.." mahina niyang sabi. Tumulo na ang mga luha 'kong kanina 'ko pa pinipigilan.

Hindi 'ko gugustuhin na iwan siya pero wala na kaming magawa. "Mahal, please.. Hindi 'ko kakayanin," humihikbi niyang sabi.

Bumangon ako para mayakap siya pero siya na mismo ang lumapit sa akin para hindi ako mahirapan. Niyakap 'ko siya ng mahigpit at gano'n din ang ginawa niya.

Parehas lang kaming umiiyak dahil sa hirap nang sitwasyon namin ngayon.

Lalo na't nalaman niya na.

Humiwalay siya sa yakap naming dalawa at pinunasan ang luha 'ko. "Don't cry, it's not good for you," paalala niya.

"Samahan mo lang ako hangga't kaya 'ko pa," bulong 'ko sa kaniya at naramdaman 'ko naman na tumango siya.

Isinuot niya muli yung oxygen mask dahil napansin niyang bumibigat yung paghinga 'ko.

"Please, Mahal. Huwag muna ngayon," malungkot niyang sabi. Nginitian 'ko naman siya at tumango ako.

Hangga't kaya 'ko.

Dr. Sausa already talked to him the day after my attack. Siya na nag-explain lahat.

Binigyan na lang din niya ng advices si Blake kung paano ako kailangan imonitor lalo na ngayon na mahina na katawan 'ko.

Pinatanggal 'ko na rin muna yung oxygen 'ko nang maging stable ulit yung breathing 'ko. Para makausap 'ko naman ng maayos si Blake.

Inaayos niya ngayon yung pagkain 'ko. "Kamusta sila Shin?" tanong 'ko.

"Nung tulog ka nandito si Shin at Delanxe pero pinauwi na namin nila Kuya Miere dahil simula nung himatayin ka, hindi ka na nila iniwan dito," kwento niya.

"Halos 4 days kang walang malay.." mahina niyang sabi.

"Nakaburol na rin si Alex. Baka doon na dumeretso sila Shin pagkatapos magpahinga. Naguguluhan na si Shin kung sino dapat ang unahin.. Pagod na pagod. Buti na lang nandiyan si Kris."

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon