Brigitte's POV
I'm just waiting for Delanxe na lang kaya nandito ako ngayon sa terrace.
Mukha na naman akong third wheel nito. Minsan pa naman kung magharutan yung dalawang yun, akala mo wala sila ibang kasama.
Naka'leggings, plain white shirt and rubber shoes ako lang ako at kanina pa ako nakaayos. Hulas na yung make-up 'ko nilagay dahil sa tagal nila. Lagi kasi talaga akong maaga magready pero silang dalawa nagiging reason madalas para malate ako.
Bumaba ako at umupo sa sofa sabay labas ng phone 'ko. Tinext 'ko si Delanxe, kung nasaan na sila, pero ang loka-loka hindi ako nirereplyan. Tinext 'ko din si Shin, pero hindi rin ako nirereplyan.
Maya maya biglang nagring ang phone 'ko.
Babes Delanxe calling...
"Nasaan na ba kayo?" bungad 'ko sa tawag.
[Malapit na kami. Wait ka lang. Excited ka masyado dahil nandon si Blake,] pagsusungit niya sakin. Actually, true.
"Kasi naman, diba? 7:30 pm ang usapan, anong oras na? 8:30 na. Don't tell me naglandian pa kayo ni Miere bago pumunta dito sa bahay," irita 'kong sabi sa kaniya.
[Napaka bitter mo. Stupid,] masungit naman niyang sabi.
"Dalian niyo. Baka hinahanap na tayo ni Kuya Jonas," sagot 'ko sabay end ng tawag.
Letcheng 'to, ipamukha daw ba sakin?
Ilang minuto ang lumipas, nakarinig na 'ko ng busina sa labas.
Lumabas ako ng bahay pagkatapos magpaalam kay Manang, agad-agad naman akong pumasok sa kotse ni Miere. "Hindi naman ako masyadong nag-intay ng napakatagal," bungad 'ko sakanila.
"Okay lang 'yon. Kung si Blake nga iniintay mo, Brigitte. Kaya sanay kana," pang-aasar ni Miere.
"Magsama kayo ng jowa mo," sagot 'ko na lang sa kaniya sabay irap.
Buong byahe, harutan sila nang harutan. Bakit ba hindi 'ko dinala yung earphones 'ko. Nakakaletche 'tong dalawa eh. Kakairita lang. Hindi naman ako bitter.
Medyo lang.
Nakarating kami sa bahay ni Kuya Jonas ng 9:00 pm. Bumungad naman sa amin yung disco lights. See? Party talaga siya, hindi house blessing.
Pumasok na kami sa bahay at agad 'ko namang nakita sila Kuya Jonas na nasa sala, nagkekwentuhan.
Malaki itong bahay ni Kuya Jonas. Ang ganda ganda.
Nilibot 'ko ang tingin 'ko at may nakita ako sa isang sulok na may table dito tapos may nakapatriangle na mga baso dito.
Nakita 'ko din yung isa 'kong kakilala na pinatalbog nito yung pingpong ball at nashoot naman ito sa isang baso kaya kinuha naman niya ito at ininom. Ano kayang laro yun?
Matry nga. Kinalabit 'ko naman si Delanxe at lumingon naman ito sakin. "Babes, try natin 'yon," aya 'ko sa kaniya sabay turo 'ko do'n sa nakita 'ko kanina. Napatingin naman ako kay Miere na ngayon ang nakakunot ang noo.
"Don't you dare, Delanxe. Kung hindi, malilintikan ka sakin," seryosong sabi ni Miere.
Inirapan 'ko lang si Miere at iniwan na silang dalawa. Dumeretso ako dun sa table kung saan nakatriangle yung mga baso. "Hey, wanna try beerpong?" tanong sakin no'ng isang lalaki. Beerpong?
Tumango nalang ako at binigyan naman niya ako ng isang pingpong ball. Pinatalbog 'ko ito at shumoot naman.
"Drink it," utos niya. Kinuha 'ko yung baso kung saan nashoot yung pingpong ball.
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Teen FictionThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...