Brigitte's POV
Inayos 'ko na yung papers 'ko sa school dahil magddrop na ako. Absent na ako for a week dahil ito yung inaasikaso 'ko kasabay na rin nung documents na need 'ko para sa pagpunta 'ko sa US.
Hindi naman nagtatanong sila Shin tungkol sakin kaya mas mapapadali yung alis 'ko.
Masakit para sakin na hindi 'ko sila nakakausap masyado dahil busy na rin sila sa personal life nila.
Si Kurt ang halos araw-araw 'kong kasama. Siya na lang yung tinetext 'ko para samahan ako sa pag-asikaso ng mga papers 'ko.
Hindi na rin siya muna umaattend ng training nila dahil sakin. Pinagsabihan 'ko siya about don pero hindi naman siya nakinig sakin.
"As your guy best friend, it's my duty to be there for you always, 'no!"
Mukhang nagkakamabutihan na rin sila Jazz dahil madalas na rin siyang pumupunta sa bahay hindi dahil para bisitahin ako, kundi dahil kay Jazz.
He already have Manang and Mang Berto's permission. Nagbanta pa nga si Mang Berto dahil alam niyang sakin dati may gusto si Kurt. Pero nagpalusot na lang kami ni Kurt na magbestfriend lang talaga kami.
Alam naman ni Jazz yung about sa friendship namin ni Kurt at wala naman siyang naging problema doon dahil inexplain naman sa kaniya ni Kurt lahat bago pa talaga siya tuluyang manligaw.
"Thank you, Brigitte. For being one of the best student na naka'encounter 'ko," pinaghalong masaya at malungkot na pasasalamat ng principal 'ko.
"Thank you, Ma'am. Thank you rin po sa lahat,"
Lumabas na ako sa principal's office. Agad naman akong pumunta sa parking para puntahan si Kurt. Nagpasama ako sa kaniya ngayon eh.
Dapat kasama rin namin si Jazz kaso may sakit si Mang Berto at Manang Lina dahil nagkahawaan yung dalawa.
"Kurt!" sigaw 'ko pagkakita 'ko kay Kurt sa may parking, iniintay ako.
Akmang tatakbo na sana ako papunta sa kaniya kaso hindi na natuloy ng sigawan niya ako pabalik. "Oh wa'g kang tatakbo! Malilintikan ka sakin!" banta niya.
Kaya siya na lang ang lumapit sakin para tulungan ako sa mga bitbit 'ko. Kinuha 'ko na rin kasi yung iba 'kong sa locker 'ko.
Maglalakad na sana kami pabalik sa kotse niya pero nagulat ako nang makita naming dalawa si Blake na nakatingin ng masama samin.
"Lalapitan ba natin?" tanong niya at mabilis akong umiling. Binilisan namin yung lakad namin kaso napatigil na kami nang marinig namin sigaw ni Blake.
"BRIGITTE!"
Sobrang lakas ng sigaw na kahit yung ibang tao ay napatingin na rin samin.
Naglalakad siya papunta saming dalawa. "Kurt, lagay mo na muna yung gamit 'ko sa kotse. Ako na kakausap," sabi 'ko.
Tumango na lang si Kurt at binuksan na yung kotse. Si Blake naman ay nakatitig lang sakin hanggang makalapit sakin.
"Siya ba ang dahilan?" malamig niyang tanong. Yung mga mata niya. Yung mga mata niyang pinapakita sakin dati nung mga panahong hindi niya pa ako pinapansin.
"Labas si Kurt sa usapan natin, Blake," sagot 'ko sa kaniya. Ngumisi naman siya sakin at tinignan si Kurt na lumapit na rin samin.
"Pre, sinamahan--"
"Hindi ikaw ang tinatanong 'ko kaya shut the fuck up. Hindi ikaw ang gusto 'kong kausap," putol niya sa sasabihin ni Kurt.
Tinignan ulit ako ni Blake sa mata at bumuntong hininga. "Siya ba?" tanong niya ulit.
![](https://img.wattpad.com/cover/88310158-288-k672345.jpg)
BINABASA MO ANG
Forgotten Heart (Complete)
Teen FictionThe Forgotten Heart storyline revolves around family, friendship, and relationships, portraying realistic high school experiences. Brigitte has a personality that prioritizes the people around her. Their happiness over hers. She is known for being a...