Chapter 17

22 0 0
                                        

Brigitte's POV

Nandito kami ngayon ni Delanxe sa gilid ng cottage kung saan yung ihawan at malapit sa front beach.

Paano ba naman itong mga kasama namin hindi marunong magluto. Si Shin naman kumakain. Kaya hindi mapuno yung pinggan na pinaglalagyan namin kasi kumukuha siya agad.

Napatingin ako kay Shin na ngayon ay kausap si Blake, parang nag-aaway na naman yung dalawa.

"Huy! Sumama na kayong dalawa dito!" tawag ni Kurt sa kanila.

"Saglit lang!" masungit naman na sabi ni Blake bago tunggain yung root beer.

"Brain freeze," sabay na sabi ni Shin at Kurt.

"Brigitte! Tulungan mo 'to oh!" sigaw sakin ng kaibigan ko. Ba't ako? Umiiwas na nga sakin eh.

Lalapit na sana ako, pero tumuwid na kaagad si Blake ng tayo. Edi hindi na nga niya ako kailanga.

"Sinusubukan mo ko ha?" madiin niyang sabi kay Shin binuhat nito ang kapatid at inilagay sa balikat.

Tinuon ko na lang yung pansin ko sa pag-iihaw at dinig na dinig namin ang sigaw ni Shin. Napatawa nalang kami ni Delanxe.

Takot kasi si Shin sa dagat.

"Ba't kaya takot kaibigan natin sa dagat? May pating ba dito sa resort niyo?" tanong ko at tumango naman ito.

"HOY GAGO SERYOSO!?" nanlalaking mata kong tanong at seryoso naman itong tumango. "Teka magbibihis na ako, ayoko na magswimming," pagmamadali 'ko.

Pero bago ako makaalis, biglang may bumuhat sa akin pati na rin kay Delanxe. "HOY! SINO 'TO!?" sigaw ko.

"Napag'utusan lang po," dinig 'kong sabi. Pinilit 'ko naman siyang masiip at nakita 'kong si Kurt ang nagbuhat sa akin.

"HOY KURT! IBABA MO AKO!" sigaw ko sa kaniya. "PUTANGINA MO!" reklamo 'ko nang ibato niya sa dagat.

Umahon naman agad ako pagkabagsak 'ko. Ang alat puta!

Napakapit naman agad kay Kurt nang maalala ko yung sinabi ni Delanxe sa akin. "T-teka lang. Sabi ni Delanxe may pating daw dito," sabi 'ko sa kaniya at narinig 'ko naman pagtawa niya.

"Oo nga. 'Di mo ba nararamdaman?" tanong nito at ikinawit 'ko naman ang binti ko sa hips niya. "Don't worry, 'di ko hahayaang kainin ka nila," dinig 'kong sabi niya.

Tinignan 'ko naman siya ng masama. Nanginginig na ako sa takot.

"H-hey joke lang 'yon," nag-aalala niyang sabi.

Bumitaw na ako kurt at lumayo sa kaniya sabay hampas sa braso niya. "Badtrip ka," madiin 'kong sabi.

Naglaro lang kami ng Cute Pandas at Black Dragons. Napatingin ako kay Blake na ngayon ay madilim ang ekspresyon. Kala 'ko good mood na siya?

Maya-maya umahon na kami nang nakaramdam kami ng gutom. Si Shin at Kris mukhang namamasyal.

Inabutan ako ni Kurt ng isang tshirt kaya naman nagtaka ako. "Para saan yan?" tanong 'ko.

"Cover yourself up first," seryoso niyang sabi. Sinuot 'ko nalang yung shirt na bigay niya dahil mukhang hindi niya ako titigilan kapag hindi 'ko pa sinuot 'to.

Habang kumakain kami kwentuhan lang kami ng kwentuhan.

Natanaw naman namin si Shin ng nakasimangot, mukhang magka-away sila ni Kris. Sinusundan lang siya ni Kris hanggang sa bumalik sila sa rest house.

Susundan na sana ni Miere pero pinigilan ni Delanxe. "Miere, magtiwala ka kay Shin," natatawa niyang sabi.

Napatingin naman ako Blake na ngayon ay umiinom lang.

Katabi ko naman ngayon si Kurt na nag-iinom din. Actually, halos lahat ng kasama naming lalaki nag-iinom. "Huy, baka malasing ka," sabi 'ko kay Kurt.

"Okay lang 'yon. Dyan lang naman yung tulugan natin," sagot nito sa akin.

"Tutulugan niyo?"

Napatingin kami kay Blake ng magsalita ito. "Wa'g niyo bigyan ng ibang meaning, dude. Tutulugan natin, yung rest house nandyan lang," natatawang sagot ni Kurt. Patay-malisya rin 'tong si Blake eh.

"Watch your words," deretsong sabi naman ni Blake.

"Maayos naman eh. Iba lang talaga naisip mo," sagot naman sa kaniya ni Kurt.

"Kung malinaw naman kasi talaga pagkakasabi mo edi sana hindi nabigyan ng ibang meaning, diba?" masungit na sabi ni Blake.

"Ikaw lang ang nagreklamo. Ano bang problema mo?" naiirita nang tanong ni Kurt.

"Ikaw. Ikaw problema ko," halatang nagtitimpi na si Blake at anytime parang pwede siyang makasapak.

"Patas lang," sarkastikong sabi ni Kurt.

Napatingin ako kila Miere na ngayon ay nakikinig lang sa dalawa. Wala ba silang balak awatin 'tong mga 'to? "Osige. Ikaw muna. Anong problema mo sa akin?" malamig na sabi ni Blake.

Halatang 'di papaawat 'tong dalawa.

"Basta basta mo nalang hinihiwalay si Brigitte sakin tuwing magkasama kami," pagsagot naman ni Kurt.

"Kasalanan 'ko bang mas gusto niya akong kasama?" tanong sa kaniya ni Kurt.

"Hanggang don lang naman kaya mo, diba? Buti pa ako," ngumisi pa si Kurt. Halatang pinipikon na niya si Blake.

Wala na kaming ibang ginawa ni Kurt bukod sa pagyakap niya sakin isang beses at halik sa noo. Ayun ba tinutukoy niya?

Napatigil naman si Blake at tumingin sakin. Ilang segundo ay tumingin na ulit siya kay Kurt. "Malandi yan eh," sabi ni Blake.

"Blake!" Sigaw ni Delanxe sakanya at ako naman ay natulala lang. Lumapit sa akin si Delanxe.

"Oh bakit? Sinong babae ang magpapayakap at magpapahalik sa lalaki kung wala namang sila? Diba yung mga malalandi?" sagot nito. Paano niya nalaman?

"Delanxe, itaas mo na si Brigitte. Madami na nainom si Blake kaya ganiyan yan," sabi ni Miere.

Tumaas na kami ni Delanxe, paulit-ulit niyang sinabi na hindi totoo ang sinabi ni Blake, paulit ulit din niya akong tinatanong kung okay lang ba ako pero mas pinili ko na lang na hindi magsalita.

Pagkatapat namin sa kwarto saktong lumabas si Kris, wala ako sa mood maging O.A kaya hinayaan 'ko na lang si Delanxe. Deretso ako sa gamit 'ko para magpalit ng damit at matapos no'n agad-agad na akong humiga sa kama ko.

"Anong nangyari dyan?" narinig 'kong tanong ni Shin.

"Yung kambal mo," sagot naman ni Delanxe.

Kwinento ni Delanxe yung nangyari at ako nakatuon sa cellphone 'ko.

"Ayaw pa kasing umamin na nagseselos, parang tanga," masungit na sabi ni Shin.

As if naman na nagseselos 'yon.

"Tara kain tayo. May pagkain diyan sa bag ko, kunin niyo," sabi 'ko sa kanila kaysa pag-usapan namin yung nangyari.

Nagkwentuhan lang kami buong gabi hanggang sa dinalaw kami ng antok.

Pumunta na ang dalawa kong kaibigan sa kaniya-kaniyang kama, buti nalang tatlong kama nandito sa room naming.

Inaantok na ako pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip 'ko pa rin kung bakit biglang nagbago na naman ang pakikitungo sakin ni Blake.

Akala 'ko okay na kami kaso isang araw bigla na siyang nagbago. Akala 'ko magkaibigan na kami.

Totoo nga yung sinasabi nila, nakakamatay ang puro akala. Unti-unti kang pinapatay sa sobrang sakit kahit alam mong maayos ka physically pero emotionally? Durog ka.

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon