Chapter 16

31 0 0
                                    

Brigitte's POV

Nandito ako ngayon sa department store. Nagshshopping para sa Palawan namin.

Makalipas ang ilang araw hindi 'ko na nakikita si Blake, tinetext 'ko siya pero ni isang response wala akong natanggap.

Speaking of Blake, parang siya yun ha. May tinitignan siya na isang product. "Blake!" pagtawag 'ko sa kaniya. Napatingin siya sa akin then I saw his eyes.

Yung mata niyang ayaw akong makita..

Lumapit ako sa kaniya nang nakangiti. Ilang araw 'ko siyang hindi nakita. Namiss 'ko siya.

"Kamusta ka? Tinetext kita, pero hindi ka naman nagrereply," tanong 'ko agad sa kaniya.

"Kailangan 'ko bang magreply?" malamig niyang sabi. "Girlfriend ba kita para sabihan ako niyan?" tanong niya pa.

Umiling naman ako. Bakit gano'n? Akala 'ko okay na kami.. Kahit magkaibigan man lang. "Akala 'ko kasi magkaibigan tayo kahit papaano. Hindi 'ko intensyon na isipin mo yan. Sorry," mahina 'kong sabi.

"Sinamahan lang kita nung mga nakaraang araw, dahil bumawi ako. Kaya baka pwede namang tumigil ka na," masungit niyang sabi.

Pansamantala lang ba 'yon? Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na agad siya sa harapan 'ko.

Binayaran 'ko na lahat ng pinamili 'ko at umuwi na agad. Ayoko na magtagal do'n dahil alam 'kong anytime pwede 'kong makita si Blake, lalong bibigat pakiramdam 'ko.

Pagkapasok 'ko ng bahay nakita 'ko naman si Manang na nagwawalis sa sala. "Oh, ano 'yan?" tanong niya.

"Mga damit 'ko po, Manang. Bukas na po kasi outing namin," sagot 'ko. Umaga pa naman flight namin bukas kaya marami pa akong oras mag-ayos.

Habang kumakain nagkekwentuhan lang kami nila Manang. Ngayon 'ko lang ulit nakakwentuhan si Manang dahil lagi akong umaalis ng bahay.

"Kamusta na nga pala yung crush mo? Si Blake ba yun?" tanong ni Manang.

"Hindi 'ko po alam kung ano nangyari Manang.. Kanina po nakita 'ko siya, pero bumalik po yung masungit na Blake," Malungkot 'kong sabi.

"Anak, nasasaktan ka na naman. Alam mo naman sigurong pwede itong makasama sayo diba?" nag-aalalang sabi ni Manang.

Tungkol na naman sa sakit 'ko.

Ngumiti na lang ako kay Manang at tumango, matapos no'n tumaas na ako para ayusin yung mga gamit 'ko.

Mas tinuon 'ko na lang yung atensyon 'ko kay Shin at Delanxe, namimiss 'ko na yung dalawang 'yon. Ang alam 'ko natawagan na ni Delanxe si Shin dahil nagtext siya sa akin kanina na sa building condo na lang nila Shin at Kris magkita-kita.

Matapos akong mag-ayos ng gamit, agad akong nahiga para matulog.

---

"WOOOOW!" Sigaw 'ko nang makababa kami. May rest house kasi dito sila Delanxe kaya dito talaga naming naisipan magbakasyon. Si Shin nga nakalimutan pa yatang plinano namin ito.

Iritable nung bumaba sila ni Kris sa condo. Makakita ba naman ng tatlong van sa susundo sa kaniya papuntang airport.

Pagkapasok naming sa rest house, namili na kami kung saan kami matutulog. Madami naman kasing kwarto. Pinilit 'ko pa sila Shin na magsama-sama kami sa kwarto kahit ayaw nilang dalawa.

Kahit pagkadating namin sa airport hanggang sa sinakyan naming van papunta dito tahimik lang si Blake. Ni hindi nga niya ako tinignan eh. Para bang umiiwas siya sa akin, kami lang ni Delanxe, nila Keneth, nila Kris ang maingay.

Si Shin tulog. Yung iba naman naming kasama nando'n din sa dalawa pang van. Ibang players ng Cute Pandas at Black Dragons ang kasama. Yung iba hindi ko na rin kilala.

"Hindi pa kayo magpapalit?" tanong 'ko kila Shin habang kinukuha 'ko ang pamalit 'ko sa maleta.

Bungad nga sa akin ni Delanxe kanina, parang out of the country daw pupuntahan namin dahil sa dala 'ko. Eh bakit ba? Eh sa dami 'kong gustong dalhin eh.

"Sabay tayo, gusto mo?" mapanuyang sabi ni Delanxe. Yuck.

"Sabay daw kayo, patulan mo na!" pang-aasar naman ni Shin. Inirapan 'ko nalang sila at pumasok sa banyo.

Lumabas na ako ng banyo nang matapos ako. "Oh asan si Shin?" tanong 'ko kay Delanxe. Nawala si Shin eh.

"Lumabas eh. Baka mamamasyal," simpleng sagot nito.

Nang magbihis si Delanxe saktong pumasok na rin si Shin. "Palit na, Shin!" aya 'ko.

"Bakit? 'Di pa ba ako sapat at gusto mong dalawa kaming naka'two piece sa harap mo?" tanong naman ni Delanxe sa akin at binato naman siya ng unan ni Shin.

"NAPAKABASTOS MO! SHIN, TIGNAN MO TINUTURO NI MIERE D'YAN OH!" sigaw 'ko.

"Ganyan din ituturo sayo ni Blake. Wag ka mag-alala," sagot naman niya sa akin.

Oo nga pala, hindi 'ko pa nakekwento yung nangyari sa kanila.

"Talaga? Okay lang. Para naman 'di ako napag-iiwanan sa inyo," sabi 'ko na lang at napatawa naman sila.

"Mga galawan mo eh 'no?" natatawang sabi ni Delanxe.

White two piece swimsuit lang ako at nagsuot ako ng black shorts para hindi naman gano'n ka'exposed katawan 'ko paglabas namin.

"Huy 'te, magbihis ka na. Maya-maya kakatukin na tayo ng mga kuya mo," sabi ni Delanxe nang makita si Shin na naka'Ipad.

"Bakit ba atat na atat kayo? Tatlong araw naman tayo dito? Chill, okay?" masungit na sabi ni Shin.

"Bilisan mo na kasi! Ipagkakalat 'kong tumae ka sa school nung christmas party!" Pangb-blackmail 'ko sa kaniya at agad naman siyang napatayo. Yun lang pala eh.

"Gago ka subukan mo lang mawawalan ka talaga ng pag-asa kay Blake," sabi naman niya.

Wala naman talaga.

Pumasok na si Shin sa banyo at inintay naman namin ito. Kung hindi si Delanxe ang huli, siya naman.

Maya-maya naman lumabas na ito at napasimangot naman kami ni Delanxe. "Hoy! Ba't ka nakaganiyan!? Mag two piece ka rin!" sigaw namin.

Paano ba naman naka'loose tank top siya at shorts. "Baliw kayo? Swerte 'ko na nga at nakapagsando pa 'ko," sagot niya lang sa amin at napairap naman kami.

"Bakit kasi ang higpit ni Kuya Jin sayo?" bulong ni Delanxe.

"Ganda 'ko raw kasi," sagot sa kaniya ni Shin at ang gaga nahiga na naman sa kama.

"Tignan mo hihiga na naman yan, halika na!" sigaw 'ko at hinila na siya patayo.

"Hoy teka, teka, wa'g niyong sabihin lalabas kayo kaagad ng naka'ganyan? Magpatong nga muna kayo ng t-shirt! Ang pangit tignan," sermon ni Shin sa amin at lumabas na.

"Bakit ako susunod sayo!?" sigaw 'ko.

Pati kami dinadamay sa pagiging conservative ng mga kapatid niya!

Pero yan ang gusto 'ko sa pagkakaibigan naming kahit gaano kami kagulo kapag magkasama at grabe kung mag-asaran, hindi pa rin nawawala ang pagiging protective sa isa't isa.

Si Delanxe lang ang nagpatong ng tshirt dahil alam 'ko rin namang sasawayin siya ni Miere. Sa labas pa lang dinig mo na ang ingay sa baba.

Pababa kami at nakita 'ko na agad si Blake na napatingin sa akin at syempre masama na naman tingin sakin. May sinabi siya kay Shin at mabilis na umalis.

"Ganda ng baby 'ko," pagpupuri ni Miere habang pababa kami ng hagdan at nakatingin kay Delanxe.

"Mas maganda baby 'ko," sabi naman ni Kris.

"Ang ganda mo, Brigitte," puri 'ko sa sarili 'ko.

Umakbay naman si Kris kay Shin at eto namang kaibigan 'ko pabebe pa, kinurot si Kris sa tagiliran.

Si Miere at Delanxe naman ayon, nauna na. Third wheel ako dito. Kakainis. Naglandian lang si Shin at Kris sa harap 'ko.

Matapos no'n iniwan na nila ako. Mga hayop talaga.

Forgotten Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon